Chapter 32- Katelyn's Death

12 1 0
                                    

Saly's pOv

"Masaya kana ba?" he asked me. Ngumiti ako.

Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Walang bituin tanging maliwanag na buwan lamang ang nandoon.

"Pag sinabi kong oo, nag Sisinungaling ko. Pero dahil sinungaling ako, Oo ang sagot ko" sagot ko sakanya at nakita ako bahagyang pag tango niya.

Ibinalik ko ang tingin sa buong campus ng Fitch University kung saan maraming nag kalat na bangkay at dugo ng tao. Akala ko ako nalang ang mag isa dito kanina, pero bigla bigla nalang siya sumusulpot ng hindi ko manlang napapansin. Hindi niya ako pinipigilan, pero hindi rin niya ako tinutulungan at sinusuportan, sumusulpot lang siya sa tabi ko sa tuwing hindi ko inaasahan.

Minsan nga ay napapaisip nalang ako kung tao ba talaga siya.

' O baka naman siya talaga si kamatayan at hinihintay lang niya na matapos ko silang lahat at pagkatapos ay susunduin na niya ako at dadalhin sa kadiliman.'

"Seriously?" natatawang tanong niya sakin habang umiiling pa. "Sa itsura kong to?" lumingon siya sakin at bahagya pa niyang itinuro ang sarili. "Pag iisipan mo'ko ng MASAMA?" pag didiin niya sa salitang masama ngunit may halo itong sarkastiko.

Inirapan ko siya. Ngunit hindi ko maitatanging ngayon ko lang siya nakitang tumawa at ngumiti.

Ibang klase rin talaga ang lalaking to. Hindi ko inaasahan na magiging ganyan ang reaksyon niya, pero inaasahan kong mababasa niya ang laman ng isip ko.

"They say, don't judge the book by its cover" nilingon ko siya. "That's why i won't judge you, just because of your appearances."

Tumango siya. "Sabagay, nung una kitang makita. Buong akala ko mas mabait kapa sa mga anghel sa langit. But i was wrong, kabaliktaran pala nun."

Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil malapit na talaga ako maubusan ng pasensya sakanya. Pag hindi pa siya umalis dito, baka hindi ko na napigilan ang sarili ko

"Gusto mo ba talagang!–" napahinto ako nang bigal siyang mawala sa tabi ko. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagbukas ng pintuan dito sa rooftop, at batid kong si Katelyn yun.

Nakita ko siya kaninang papaakyat dito kaya inaasahan ko na siya. "Joaquin killed my brother!!"

"So?" hindi ko siya nilingon ngunit batid kong kanina pa niya ako tinututukan ng baril.

"This is all your fault!—"

"Ako ba ang pumatay sakanya?" tanong ko pa kaya't hindi siya nakasagot. Nilingon ko siya, at doon ko na kumpirma na tama nga ang hinala ko. "Nagagalit ka sakin. At sinisisi moko sa nangyayari dahil ako lang yung natira, tama ba?"

Hindi siya nakasagot muli. Hinigpitan niya ang pag kakahawak sa baril na dala niya ngunit kahit katiting na takot ay wala akong naramdaman.

"Ako Yung sinisisi mo ngayon, dahil hindi mo tanggap na namatay kung kapatid mo dahil sa sarili mong kagagawan." pang aasar ko pa.

"Shut up!" kitang kita ko ang inis sa mata niya kaya't mas lalo akong natutuwa.

"Nakakatawa lang. Ako na nga yung gumawa ng balak mo..." nagpapaawang sabit ko. "Nagagalit ka rin pasakin. Yung iba nga jan, tuwang tuwa eh. Nag papasalamat pa." pag tukoy ko kay Shine.

"I Said Shut—" napangisi ako. Ipinag krus ko ang dalawang braso at tiningnan siya ng maigi.

A Redillious woman.

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now