Chapter 25- She's Pregnant

14 2 0
                                    

Saly's pOv

Dahan dahan akong nag mulat nang makaramdam ako ng pagkakirot sa bandang uluhan ko.

"A-aray.." daing ko pa. "Bakit ako nandito?!"

Napabalikwas ako sa hospital bed nang mapag tanto kong nasa ospital nanaman ako.

"Saly, please come down--"

"Kat?! Bakit ako n-nandito?! " tanong ko sakanya at kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya. "Kat?! P-pano ako napunta d-dito?"

Lumpit siya sakin hinawakan ang mag kabilang braso ko. "Saly, kumalma ka muna." kalamadong ani niya kaya't tumahimik ako sandali. "Tumakas ka kanina. Naka kita ka namin na naka hilata sa kalsada. Buti nalang na hanap ka namim agad. Ang sabi ng mga naka kita sayo... p-pinag tripan ka dau ng mga b-bata?"

Sa sandaling iyon ay bumalik ang ala ala ko. Agad akong tumango. Tumingin ako ng diresto sa mata niya at hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Katkat. Makinig ka sakin... Kaylangan kong umalis dito." seryosong Sabi't ko na agad namang ikinunot ng nuo niya.

"B-bakit naman?"

Hindi ko rin talaga alam. Pero malakas ang kutob ko na pag nag tagal pa ako dito. Papatayin nila ako, mamamatay ako.

"D-dahil papatayin nila ako. " kabadong sabi ko. Bumugtong hininga siya.

"Saly, Hindi ka Papatayin ng mga doctor dito. Aalagaan ka pa nga nila eh.." sunod sunod ang pag iling ko.

"Hindi mo ako naiintidihan Katiee... Pero Maniwala ka naman sakin ohh." pag kukumbinsi ko. "Plss. Ilayo muna ako d-dito.. Ayoko dito."

"Pero bawal ka umalis dito. Kung iniisip mong delekado at papatayin ka nila dito... Mas delekado sa labas." pabato kong binitawan ang kamay niya at kitang kita ko ang pag babago ng reaction niya.

"Plss. Kat... Magkaibigan tayo diba?" tumango siya. "Edi paniwalaan moko!"

"Saly nama--"

"Promise! Gagawin ko lahat ng gusto mo.. O Kaya, i-iwan mo na ako. Basta tulungan mo ko makatakas dito." huminga siya ng malalim Kaya't hindi na ako mag tataka kung pinag titimpian lang niya ako. "Wala akang alam sa nararamdaman ko! Hindi mo alam kung gaano ako n-nahihirapan·–"

"Alam ko Saly!" napahinto ako nang pag taasan niya ako ng boses. "Pero pwede ba! Mag tiwala ka sakin... Kung iniisip mong may gagawin silang masama sayo! Ako hindi."

Ramdam ko ang pag babago ng emosyon ko. Napalitan iyon ng galit nang biglang magpakita sakin ang mukha ni Katelyn sa Mukha ni Katiee.

"Papatayin mo ako." wala sa sariling sambit ko pa.

-

Third person's pOv

"Hindi... Hindi ko gagawin ya—"

"Lahat naman ng tao iniiwan ako! Balang araw iiwan mo rin ko! Bakit hindi mo na simulan ngayon?!" galit na sigaw ni Saly. "Kung hindi mo'ko tutulungang maka takas dito... Parang pinatay mo na rin ako ng buhay!!–"

Hindi napigilan ni Katkat ang sarili na masampal si Saly upang tumahimik ito, ngunit hindi niya inasahang mapapalakas ang pag kakasampal sa kaibigan.

"S-Saly, I'm s-sorry.. Hindi ko s-sinasad–"

"HA.HA.HA.HA." biglang kinilabutan ng husto si Katie nang biglang tumawa ng pag kalas lakas si Saly. Hindi ito ang normal nitong tawa kung kaya't hindi niya makumbinsi ang  sarili na huwag matakot lalo na ng biglang magbago ang emosyon nito.

Ang kaninay tuwang tuwa ay napalitan ng lungkot.

"Hindi mo alam K-Kat. Kung i-ilang beses k-kong hinihiling g-gabi gabi n-na... Huwag m-matulog, d-dahil sa bawat p-pag pikit ng m-mata ko..." patuloy ang pag tulo ng luha nito habang nakatingin sa kawalan na para bang inaalala lahat ng masasakit na naranasan niya. "I-isang impyerno a-ang n-nag iintay sakin. M-mga demonyong g-gustong gusto ako p-patayin at p-pahirapan–"

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now