Chapter 20- Lies

13 1 0
                                    

Saly's pOv

' Saly..'

'Saly..'

Dahan dahan kong minulat ang aking mata nang marinig ko na para bang may tumatawag saakin.

Bumangon ako at doon napansin kung gaano kadilim ang paligid. Walang ilaw at tanging liwanag nalang ng buwan ang nag sisilbing ilaw dito sa ospital.

"Bakit walang katao tao dito?" tanong ko sa sarili.

Ni wala akong makitang nurse, doctor o maski pasiente sa hallway. Sinubukan kong magtungo sa lobby ngunit katakatakang wala ring tao roon.

Napahinto ako sa gitna ng hagdan dahil balak ko sanang bumalik sa kwarto ko, nang marinig ko muli ang pangalan ko.

'Saly..'

Napalingon ako sa taas dahil parabang doon nanggagaling ang boses na iyon.
Nagtungo ako sa taas ngunit tulad ng kanina ay wala paring katao tao.

' Saly..'

"Ano ba! Sino kaba? Bakit ba ayaw mong mag pakita!" inis na sigaw ko.

' Saly..'

Lumingon ako sa kanang gilid ng pasilyo ngunit kadiliman lamang ang nakita ko. May bumulong ulit ng pangalan ko sa kaliwa. Nang lingunin ko ito ay may biglang sumakal sa leeg ko.

"U-ughrrr.. *Cough*..*Cough*.." mahigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko kayat nahihirapan akong huminga.

Isinandal niya ako sa dingding at iniangat kaya't mas lalo ako napadaing at hindi makahinga. "B-bitawan mo ako.. U-ughr. B-bitaw.."

"Hahahahah..." umugong ang pamilyar na tawa sa buong ospital. "Hahaha. Ang tanga mo, Saly! hahahah"

Hindi niya ako binitawan. Nakayuko lang ito kaya't na tatakpan ng buhok niya ang mukha ng babae, habang walang parin itong tigil sa pag tawa.

"S-sino ka b-ba?-" nalahito nang humarap ito saakin. Nakaramdam ako ng matinding kaba at t-takot. "A-anong ginagawa m-mo dito?! B-bitawan mo ako!" pilit kong kumakawala ngunit mas humihigpit lamang ang pagkakasakal niya saaking leeg.

"Bakit naman kita susundin? Sino kaba sa tingin mo?" ani nito habang naka ngisi. "Alam mo, Saly... hindi kanaman aabot sa ganito kung.. hindi ka nakialam eh... kaso pakialamera ka at malandi pa!"

"Ahhrr!! U-ughr.." pakiramdam ko ay konti nalang ay mauubusan na ako ng hininga.

"Alam mo bang.... Matagal ko nang mahal si Luigie... Kaso dumating kapa. At inagaw mo siya sakin!!" nanggagalaiting sigaw niya sakin.

'Mahal?! Si Lui?.. Pero bakit? A-akala ko ba si Joaquin ang gusto niya?' tanong ko sa isip.

Hindi ko na magawang itanong ang laman ng isip dahil ni' ibuka ang bibig ay hindi ko na kaya. Ang kaya ko nalang gawin ay dumaing sa sobrang sakit.

Pakiramdam ko ay konti nalang at mababali na ang mga ugat ko sa leeg.

"Kung hindi rin dahil sayo hindi siya mamamatay!!"

"P-pinatay siya!" hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ang lakas para sabihin iyon kay Shine.

"Tama ka.." tatango tangong ani niya. "Pinatay siya dahil sayo! Dahil sinuway niya kami para lang sayo!!"

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now