Chapter 8- Art's Club

10 3 0
                                    

Chapter 8- Art's

*BEEP*

Isang malakas at rumaragasang busina ang narinig ko, nanigas ang buong katawan ko at walang nagawa kundi ang sumigaw at iharang ang braso dahil sa nakakasilaw nitong ilaw.

"Ahhhh!!!-

Bigla akong natigilan nang may humablot sa braso ko at bigla akong niyakap, hindi ako nakagalaw agad at pinakiramdaman muna ang palid.

*Tugdugs. Tugdugs.Tugdugs.*
*Tugdugs. Tugdugs. Tugdugs.*

Ngunit makalipas ng ilang segundo ay wala akong ibang narinig kundi ang tibok ng puso.

'T-teka...puso ko ba yun? O......t-teka bakit amoy pabango ng lalaki? Hindi kaya?!'

Bigla akong umatras at natinulak ang lalaking yumakap sakin, pero biglang ako ang na out of balance nang may bato palang nakaharang sa likod ko.

Multikan na ako natumba ngunit mabuti nalang ay sinalo ulit niya ako pero sa pagkakataong ito ay sabay na kaming na out of balance at napahiga sa sahig.

Bigla akong nanigas nang makita ang mata niya.

'Ang m-mata niya.... S-sobrang ganda!
Parang nahi-hypnotized ang buong katawan ko'

Narang nag slow-motion lahat ng paligid ko at parang kaming dalawa lang ang nasa lugar na to.

"Ehem*" biglang bumalik ang wisyo ko nang mag salit-

"S-sir Daniel?!"

'Halllaaa! A-ano ba kasing gina gawa niya dito?!'

"Sir Daniel. Sorry p-po" agad akong umalis sa pagkakadagan sa kanya. Tumayo na rin siya at pinagpagan ang damit na nadumihan.
"S-sir Hindi ko po s-sinasadya

"Sasusunod Pag papasok ka dito sa eskuwelahan, dahil mo yang utak mo. At iwan mo sa bahay niyo ang katangahan mo, Naiintindihan mo?" napayuko na lang ako dahil sa sinabi niya, nakarinig ako nang maraming bulungan sa paligid ko at doon ko lang na pansin na marami palang nakatingin samin. "Naiintindiha mo ba?!-

"O-opo." sa kaba ko ay nag kakanda utal utal na ako, dahil ngayon ko lang na pagtanto na tama nga ang sinabi nila, na nakakatakot nga si Sir.Daniel

"Good... Doon ang daanan ng mga estudyante" itinuro niya ang kabilang daan at nakita ko na doon nga dumadaan ang mga estudyante palabas. "Pero gusto mo talagang mag pakamatay, pwede rin dito. Pero siguraduhin mong hindi madadamay ang eskuwelang 'to"

'H-hindi ko naman sinasadya eh.. Malay ko ba na may ganito pala sa dito sa school na'to... Dati naman kasi, wala'

"Sasusunod kasi mag ingat ka nang hindi ka na didisgrasya" medyo pa bulong ang pagkakasabi niyang iyon. Pero rinig na rinig ko. Nilagpasan niya ako at pinuntahan ang mga nag kukumpulang estudyante na nanonood samin

"Tapos na ang palabas. Pwede na kayong umuwi." sarkastikong ani ni Sir sa mga estudyante.

'Grabe. Kinabahan ako dun ah, lagi akong napapagalitan ng mga teachers ko pero iba ang apekto niya.. Pero tama ba yung narinig ko kanina, concern siya sakin?.... Gaga ka talaga Saly! Syempre lahat naman ata ng estudyante niya may pakialam siya, siguro ayaw lang niyang mapahamak ang mga estudyante niya. Ano ba naman kasi tong pinag iisip ko eh!'

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now