Chapter 5- Reality

15 3 0
                                    

Isa isang nagbagsakan ang mga luha ko at napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang grado ko..

"BAGSAK!" sigaw sakin ng adviser namin, hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala dahil dito nakasalalay ang scholarship ko. "Nung second grading ay 76 ang average mo pero pinagbigyan ka namin dahil alam naming kamamatay lang mama mo,. Pero ngayon, sus mario'sep...73?!, ganyan ba ang grado ng mga scholar, kahit normal na estudyante ay hindi nakakuha ng ganyan kababang grado!" sumbat sakin ng adviser namin.

Napayuko na lamang ako at nagtungo sa upuan ko ngunit nang uupo na sana ako at imbis na upuan ang uupuan ko ay sahig ang bagsak ko pagkat hinila naman ng mga kaklase ko ang upuan ko, napayuko na lamang ako sa mga tuhod ko at doon ibinuhos lahat ng luha at hinanakit ko.

'Ilang kahihiyan paba ang ipapakita ko?! kasalanan ko ba kung naging ganito ako?! '

(Flashback)

"Saly, Pwede ba magrequest?" tanong sakin ni Monica, kaklase ko siya kalilipat ko palang kasi dito sa Fitch University.

"Oo naman, ano bayun? "

"Samahan mo naman ako oh, sa faculty lang" dahil sa kagustuhan kong tanggapin ng mga tao rito ay pumayag ako.

-
Pagkarating namin sa faculty, ay wala namang tao kay tiningnan ko siya at tinanong.

"Monica, wala dito yung mga teacher's may meeting ata sila." sabi ko pero sinenyasan lamang niya ako na manahimik.

"Alam ko... kita mo ba yun?" tanong niya habang nakaturo sa table ng isa mga lecturers.

"Oo naman bakit... ano ba sadya natin dito?" kunot noong tanong ko.

"Pwede mo bang ilagay to doon." iniabot niya sakin ang isang pirasong papel "Ilalagay mo naman to dun oh, hindi ko kasi napasa yan kanina eh baka pagalita ako, ikaw na lang magpasa niyan wala namang tao jan eh, plss"

Tiningnan ko ang papel na yon pero agad niyang itinago sa kanyang likod.

"Wag mo ng tingnan, nakakhiya eh... Sige na ilagay mo na dun... ikaw lang kasi yung kaibigan ko dito eh"

'tama ba yung narinig ko? Tinawag niya akong kaibigan? '

"Sige na nga" nagliwanag ang mukha niya ng sumangaayon ako.

Pumasok ako ng faculty ng walang paalam pero nang malapit na ako sa table ng teacher ay biglang nagsara ang pinto ng faculty, pilit ko itong binubuksan pero ayaw parin.

Tiningnan ko ang papel na iyon at laking gulat ko na iyon pala ang sagot sa exam namin kanina, ngunit huli na ang lahat dahil dumating na ang mga teachers at nahuli nila akong hawak hawak ang sagot sa exam.

Nangdahil dun ay ako ang pinagalitan at sinuspinde ng isang linggo...

(End of flashback)

"Yan! Ang lampa kasi!hahaha"

"Tatanga tanga pa!"

Asar sakin ng mga kaklase ko, ramdam ko rin ang pagbabato nila ng papel sa katawan ko at kung ano ano pang mga bagay...

'tama naman sila eh.... Tatanga tanga ako'

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now