Chapter 15- Fitchy Royals

13 1 0
                                    

(Flashback)

"Ano ba yung pag uusapan natin?" tanong ko sakanya habang umiinom ng kape sa coffee shop.

Ayaw kasi niyang makipag usap sa cafeteria hindi ko alam kung bakit. Tapos narin naman na ang klase at wala pa ang sundo ko kaya dumeretso muna kami dito dahil malapit lang din naman at matatanaw mo ang school dito.

"G-Gusto ko kasing malaman mo ang lahat..."

"Huh? Ano ba yun?" kanina pa ako nawe-weirdohan sa ikinikilos niya.

"Nakita mo yun?" nilingon ko ang tinuro niya. Maraming mga estudyante ang naglalabasan pero isa lang ang nakapukaw ng interests ko.

"Shine Mae Lorey" mapait na sagot ko. Siya ang babaeng gustong gusto ni Joaquin. "Anong meron sakanya?"

"Shine Mae Lorey... siya ang pumapangalawang pinaka mataas at hinahangaan ng lahat. Matalino, Mabait, maganda at mayaman, kinaiingitan din siya ng nakararaming babae" napabugtong hininga ako at ibinaba ang tingin sa hawak kong kape "Siya ang kauna unahang babaeng nagtayo ng Sinister o tinatawag ngayong Fitchy Royals"

"Siya ba?" agad na tanong ko rito pero hindi niya ako sinagot. At nanatiling nakatingin kay Shine.

"First Year high school siya nang mag umpisang mag aral dito sa Fitch University. Dahil sa angking talino niya at ganda, maraming humahanga sakanya. Kaya nag isipan niya itayo ang Sinister at siya....Ang Queen, queen Shine ang tawag sakanya noon." ibinalik ko ang tingin kay Shine na ngayon ay kausap ang mga kaibigan.

Kung titingnan mo sa malayo si Shine ay para lang siyang ordinaryong babae. Yung tipong mahinhin pero makita mo parin ang pagiging elegante.

"Noon?" at sa pangalawang pagkakataon ay hindi nanaman niya ako sinagot.

"Joaquin Mile Guk" napatingin ako sa gawi nila Shine at saktong paglingon ko ay lumabas si Joaquin na agad naman siyang sinalubong ng yakap.

Iniwas ko ang tingin sakanila dahil mas lalo lang akong masasaktan.

"Siya ang Boyfriend ni Shine. At kakambal rin ni Jharna. Galing rin sa marangyang pamilya. Basagolero, babaero at sarili lang ang iniisip. Pero napabago siya ng isang babae....at yun si Shine" pinilit kong huwag tumingin sakanila at kahit hindi yun sabihin ni Lui ay alam ko narin naman.

'Bakit niya ba ginagawa to. Hindi niya ba makitang nagseselos ako'

"Siya naman si Jharna Mitch Guk, ang kakambal ni Joaquin." nanatili parin siyang nakatingin sa labas at walang akong makitang ekspresyon habang nag kwekwento siya. Nilingonko nalamang sila at ko si Mitch na lumabas kasama ang bodyguards nito "Si Jharna ang pumalit sa pweso ni Shine bilang Queen. 2years ago nang pumasok dito sila Jharna at Joaquin. Mas angat sa buhay ang mga Guk kaysa sa mga Lorey. Kaya naging madali lang sakanya ang makuha ang posisyon at pinalitan ang pangalan na ngayon ay tinatawag nang Fitchy Royals."

"Ano ba ang pinagkaiba ng FitchyRoyals sa Sinisters?" tanong ko ulit akala ko hindi nanaman siya sasagot pero sa unang pagkakataon ay sinagot niya ang tanong ko.

"Itinayo ni Shine ang Sinisters para sa mga kababaihan lang. Dahil ang mga babae noon ay laging naaapi ng mga kalalakihan at naaabuso. Itinayo niya yun para magkaroon ng lakas ng loob ang mga babae para lumaban,
maraming sumali, halos lahat. Pero isang taon lang ang tinagal noon at napalitan narin nang mapalitan siya ni Jharna. Ang Fitchy Royals ay hindi lang para sa mga kababaihan pati sa mga kalalakihan. Pero masmahigpit ang yun kaysa sa Sinisters. Ang mga mayayaman lang ang pwedeng maka sali sa club nila. Dahil katumbas ng tatlong taong tuition fee ang ibabayan mo sakanila para lang makasali" mahabang paliwanag nito.

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now