Chapter 6- Suicidal

14 3 0
                                    

Habang nasa daan ay iniisip ko parin kung ipagpapatuloy ko paba ang pag aaral ko, dahil siguradong pag pumasok ako ay puro panlalait nanaman ang aabutin ko.

Mula nang sabihin sakin ng dean na hindi na ako scholar ay nawalan na ako nang gana pinapasok parin nila ako sa klase para magpaalam pero imbis na malungkot ay mas lalo pa silang sumaya wala na dau kasing salot, tangatanga at bobong makikita. Ang iba pa ay parang piyesta sa tuwa nangmalamang hindi na ako scholar.

Habang nag lalakad ay kanina pa tulo ng tulo ang aking luha tuwing maaala ko ang nang yari kanina wala na akong pakealam kahit maraming nakakakita sakin sa daan, dahil na sayang lang perang ibinayad ni mama sa pag aaral ko.

'sorry mama, hindi ko naman ginusto ito, ginawa ko naman ang lahat para tangapin ng mga tao, pinag butihan ko rin ang pag aaral ko.. Siguro nga ay hindi ako nababagay sa mundong ito'

Sa mga oras na to ay gusto ko ng makakaramay at tuwing nagyayari yun ay si mama ang laging nanjan, tangap niya lahat ng pagakakamali ko. Pero sa oras na to ay wala siya kaya maslalo akong nalulungkot.

'Pwede ko kayang puntahan si papa? '

Tanong ko sa sarili pero napahinto ako sa pag lalakad ng may makitang isang lalaking nakatalikod alam ko ang tindig na iyon pati ang hugis ng pangangatawan niya, bumagsak ang balikat ko at namuo ulit ang aking mga luha saka patakbong lumapit sakanya.

"PAPA!! " naluluhang tawag ko sakanya, nang makalapit ako sakanya ay agad ko siya niyakap. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong inilayo, at binigyan ng makahulugang tingin.

"Hoy, bata sino ka at bakit mo biglang niyakap ang papa ko?" tanong ng isang batang babae sa aking likuran masmatanda ako sakanya dahil mukhang sampung taon ang agwat ko sakanya, kaya na ngunot ang aking noo 'Papa niya si papa? '

"Siya ang papa ko" sagot ko naman.

"Ah bata baka nagkakamali kalang hindi ako ang papa mo" sabi ni papa. Kaya nilingon ko ito at nangunot ang aking noo nang ikaila niya ako.
"Papa ano bang ipinagsasasabi mo?" nag tatakang tanong ko. "Papa ako yung anak niyo ni mama. Ako si S-saly, papa" Gusto ko nalang isipin na nag ka amesia siya at  ayokong tangapin na ikinakaila niya ako, kaya iniisip ko na lang na hindi niya ako nakikita dahil masmasakit kung ipagkakaila niya ako.

"Wala akong anak. Siya lang ang anak ko at wala nag iba" pag didiin niya sa'akin, naka tingin ito ng masama at tila'y sinasabing pinapaalis niya ako at ayaw niya akong makita pa.

"P-papa.. wag niyo n-naman akong i-ipag kaila, oh.... a-anak niyo r-rin po a-ako" humagulgol na pagmamakaawa ko.

Alam ko na na anak ni papa sa ibang babae ang batang babaeng kasama niya, pero sana naman ay huwag niya saking ipamukha na hindi niya ako anak, dahil doble ang sakit niyon kaysa ang pangangasar sakin araw araw.

"Hey, siguro nag kakamali ka lang ng papa'ng tinutukoy. Kasi siya yun papa ko. " sambit ng batang babae na salikuran ko, pero hindi ko ito panansin at nakatingin parin ako kay papa na ngayon ay hindi makatingin sakin ng deretso.

Patuloy parin ang magdaloy ng mga luha saaking mga mata, at hindi ko alam kung may mas isasakit paba sa pagkakaila ng papa mo sa hindi na kaniya anak.'

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now