11

8 0 0
                                    


Pagkatapos namin ihatid si Angel sa Nueva Ecija umuwi na din kami kagad. Bago mag 6 ay nakabalik na kami sa Manila. And ofcourse sabay kaming tatlo na magkakapatid na umuwi sa bahay.

" Kamusta Jash ang pagsama sa Ate mo?" Salubong kagad ni Mommy kay Jash na mukang may ka-text.

" Uhm, masaya." Sabi niya bago nag dire diretso sa hagdanan.

" Saan ka nanggaling, Eiz?" Tanong ni Mommy sa kanya.

" Anywhere." Bago sumunod kay Jash. Sa kwarto na naman sila dumiretso.

" Gab, about sa Grades mo. Nakita mo naba bago ko makita?" Halos pagpawisan ang kamay ko sa sinabi ni Mommy. Umupo kaming dalawa sa Sofa magkaharap na kami ngayon.

" Hindi pa po," Oh my, is it bagsak?

Bago siya magsalita ay may kinuha siya sa ilalim ng Pillow. A gift?!

" Congrats, Honey. You are top of the Class!" Masayang sabi niya bago tumayo at lumapit sakin. Tinanggap ko ang gift niya.

" Mom, hindi naman na kailangan ng gift." Bago ko buksan ang regalo niya.

" Is it okay. Masaya lang ako na hindi mo napapabayaan ang pag aaral mo. Ipagpatuloy mopa yan, Iha." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Pagkabukas ko ng box ay may laman na bracelet. The fuck! A medusa Charm bracelet from Versace. Gulat akong napatingin kay Mommy na matawa tawa sa reaksyon ko. This is my favorite Bracelet! Lagi ko 'tong tinitingnan sa picture. Ngayon hawak hawak kona, maisusuot kopa.

" Thank you, Mommy." Sabay halik sa pisnge niya.

" Welcome, Honey. Let me put in on you." Sinuot niya sa kamay ko yon at halos mapatili ako dahil bagay na bagay sa akin.

" Call your two brothers, I also have a gift for them." Tumango lang ako at tinakbo na ang papakyat sa hagdanan para matawag ang dalawa.

97.2 ang Grades ko, at todo pasalamat ko kay God dahil hindi ako mag delikado. Pero si Kuya at Jash kaya?

Bumaba na ako dahil kakain na, nag uusap lang si Daddy at Kuya habang tahimik naman kaming tatlo.

" You need to be able to finish Senior High, Eiz." Daddy said.

" I know." Sagot ni Kuya na tamad na tamad na kumain. Niregaluhan silang dalawa ni Mommy ng Wristwatch from Gucci.

" With a good grades." Dugtong pa ni Daddy na ikatawa ni Kuya na may pagkasarkastiko.

" Grades are just a number, Dad."

" Stop me in those lines of yours." Inis na sabi ni Daddy.

" You are right the grade is just numbers. But high grade is what you need. You will not be able to study in Barcelona for the course you want if your grades are so low." Napatingin ako kay Kuya na mukang walang pakielam sa sinasabi ng nasa harap niya.

" I don't want to study in Barcelona, Dad." Seryoso g sabi ni Kuya. Matagal niya ng sinasabi samin yan dahil gusto niya kaming kasama ni Jash.

" That's where you can start your dream. You are only a few years there and then, you can come back here if you want. Ikaw na ang hahawak ng kompanya  natin, at kung hindi kapa handa, walang problema. Pwede ko ibigay kay Jash at Gab." Paliwanag ni Dad. "Pero kahit ayaw mo humawak ng kompanya natin, you need to study in Barcelona with a same course. Hindi mo man magamit sa business natin, pwede sa iba, pwede sa sarili mo. You can build your own business. If you want.." Wala ng nagsalita pagkatapos ng sinabi ni Daddy. Pagkatapos non ay pumunta lang kaming lahat sa Pool at nagpahangin. Kumakain ng prutas si Jash katabi si Mommy at umiinom naman ng wine si Daddy. Kami ni Kuya nakaupo lang at tulala. Hindi naman ako dapat tumulala dahil wala naman akong problema. Wala akong iniisip.

Memories Will Be Forever (Francisco Cousins)Where stories live. Discover now