10

4 0 0
                                    

Walang klase ngayon dahil lunes pero maaga pa din kaming gumising at nag ayos dahil Cards out day. Wala pa man din ay kinakabahan na ako sa kalalabasan ng mga grades ko. Is it bad? Or good? Oh baka sakto lang, yung walang masasabi sila Mommy.

" Kumalma ka! Grades are just a number. You don't need to be nervous." Nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Kuya sa gilid ko. Bakit sila ni Jash parang wala lang sa kanila?

Sabagay, si Kuya Eizen, walang pakielam sa mga grades niya. Mababa man o bagsak wala lang sa kanya. Ayon pa nga ang gusto niya. Si Jash naman kahit nakikipag sabayan siya sa mga pinsan naming at puro kalokohan, hindi niya napapabayaan ang pag aaral niya. He's always on the top. Pero how 'bout me? Ako yung babae pero baka mababa ang grades ko at si Jash mataas. That's embarrassing!

Pero gaya nga ng sabi ni Kuya, Grades are just a number. Ibig sabihin hindi kailangan ng mataas na marka para masabihan ng matalino at masipag sa pag aaral. Ang mahalaga nag aaral kapa din. May natututunan ka.

Nauna na si Kuya na umalis at kami ni Jash ang sasama kila Dad na pumunta sa school. Nandon naman na si Kuya at may sarili siyang dala na kotse. Didiretso nalang kami mamaya kila Jeick dahil kasama nila si Angel. Nagsama sama ang mga Senior High. Samantalang si Alhens, Xin, at Dale ay kasalukuyang nag aaral ng Mabuti at bumabawi. Buti nalang talaga at magkaklase si Alhens at Xin. Si Dale kase grade 11 same sila ni Kuya. Hindi ko alam pati ang pag uugali ay magkapareho sila.

8 palang ay nasa School na kami, mas Lalo tuloy ako nag iisip kung ano ang kinalabasan ng grades ko. Bigla akong tinapik ni Jash kaya napatingin ako sa kanya.

" Make an excuse for us to go to Kuya. And so that we can no longer accompany them to the room." Bulong ni Jash sakin habang kila Mommy ang tingin. Hindi nila alam na umuwi si Angel dito at hindi din nila alam na pupunta kaming Nueva Ecija para ihatid na si Angel.

"What excuse?" Bulong ko. Ano naman ba ang pwede?

" Anything." Sagot niya bago tumingin sa labas.

" Mommy, uhm.." Tumingin ako kay Jash bago tumingin kay Mommy na nilingon ako at naghihintay ng sasabihin ko.

" Pupunta lang po akong Canteen, and after that, magkikita kami ni Rihan pupunta lang kami ng mall. Is it okay if isasama ko si Jash?"

" Yes, Mom. Besides wala naman din akong pupuntahan at maiinip lang ako sa Bahay. Sasamahan ko nalang si Ate."

" Okay, no problem. But you two have to go home before 7pm." Tumango tango lang kami ni Jash bago kami lumabas ng sasakyan. Pinuntahan na kagad naming si Kuya at naabutan naming siya na kinakausap siya ng mga tropa niya pero mukang hindi siya nakikinig at diretso lang ang tingin. Sinundan ko ang tingin niya at kung hindi ako nagkakamali sa babaeng tumatawa siya nakatingin habang may kausap na lalake. Pero bakit naman siya titingin sa dalawa, kilala niya ba? Nevermind. Dumiretso nalang kami sa pwesto nila at tinawag na siya.

" Hello, Gab!" Bati sakin ng kaibigan ni Kuya. Binati kolang din siya pati ang mga kasama niya bago kami umalis don.

" Kanina kopa kayo hinihintay. Nandon na daw sila Jeick sa Bahay nila Iah. Tayo nalang ang hinihintay nila. Mag iisang sasakyan nalang daw." Sabi niya lang at mabilis na kaming umalis sa lugar na yon.

Malayo pa ang Bahay nila Iah kaya medyo matagal din kaming bumyahe. Pagdating don ay mag 10 am na. Nandon na silang lahat at naka uniform pa ang iba. Sila Jeick, Rics, Zammy, James at si Angel lang ang mga naka porma. Pati din naman kaming tatlong magkakapatid ay nakaporma din dahil wala naman kaming class. Napansin kong naka uniform din si Danielle at Iah. I know its a props.

Nakahana na ang Van na sasakyan kaya pinark lang muna ni Kuya ang kotse niya sa tabi ng sasakyan nila Jeick. Wala sila Tito at Tita dito dahil may inaasikaso pa yata silang trabaho.

" Tara." Aya lang nila at nagsipasok na kaming lahat.

" Hahaha! ang sagwa ng Grades mo. Buti ako 80." Nagyayabang na sabi ni Heiry.

" Sus pinagbigyan ka lang ng Prof mo. Baka naman may ginawa ka kaya ginawang 80." May ibang tinutukoy si Dale sa sinasabi niya.

" Wag ganyan, Dale. Hindi tayo mag kapareho, Dude." Sabi ni Heiry sabay tingin ng nandidiri kay Dale.

" Ang dumi ko naman sa paningin mo! Hindi ako ganon no!" Sabi ni Dale. Sila lang ang naiintindihan ko dahil mas malakas ang bunganga nilang dalawa.

" Hindi kopa alam grades ko." Sagot ko kay Danielle.

" Ako nga 80 lang din. Ang dami kong pwesto sa Clark pero yung grades ko parang hindi ako matino." Yeah, marami siyang pwesto sa Clark. Member mg dance troupe, Secretary sa SSG Officer, at nailalaban din siya sa mga Editorial Cartooning. Pero dahil sa kakulitan at kagaguhan niya minsan sa School naging 80 siya. Minsan nasasabi niya na hindi siya nagpapasa at wala siyang maraming quizes dahil lagi siyang nag cu-cutting class.

Pero teka, matino ba siya?

Lalo lang tuloy akong napaisip sa grades ko. Baka 80 lang din yon o kaya mas mababa pa doon.

" Ayan ang dapat tanungin mo kung ano ang grades niya." Natatawang turo niya kay Iah na nakatulala sa bintana. Kagad ko naman siniko si Iah kaya napatingin siya sakin.

" Ano grades mo?" Sumandal muna siya at kulang nalang humiga siya bago sumagot.

" 79, pero hindi naman bagsak. Medyo ayos lang. Bawi nalang sa third quarter." Sabi niya. Gusto kong matawa pero ayoko. Baka mamaya ganon din ang grades ko edi inasar niya lang din ako.

" Hahaha, let's celebrate." Bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

" Lagot ako nito kila Daddy. Baka Makita nila lahat ng absents ko, alam nila pumapasok ako araw araw." Natatawang sabi niya. Really? Nakukuha niya pa din tumawa kahit delikado siya?

" Rics, Stop!" Sigaw niya kaya bumagal ang takbo ni Rics.

" Wag kana pumasok, oy!" Pigil nila Alhens kay Iah.

" Ayaw mo sumama samin? May iba ka ng pinsan?" Tanong ni Jeick. Bobo.

" Gusto ko sumama! Pero gusto ko bumawi! 79 lang grades ko. Kailangan ko mauto yung prof ko." Sabi niya bago bumaba. Natawa nalang kami sa sinabi niya.

" Study well, Francisco!" Pang aasar namin sa kanya. Napapatingin tuloy ang ibang studyante na nasa labas ng School dahil sa sigaw namin.

" Sus, magagawan niya ng paraan yon. Nagawan na nga dati ngayon paba hindi?" Dinig kong sabi ni Chanel. Samantalang tatawa tawa lang si Danielle sa tabi ko. Sobrang saya niya sa 80 niya. Kung ako man yon, kakabahan pa din ako. Alam niya kasing hindi siya mapapagalitan nila Tita sa grades niya. Pero sa side ng Daddy niya baka mapagsabihan siya. Lalo na't mas mabait at paborito nila si Mards na laging sumusunod sa mga Hermosa kesa kay Danielle na walang gustong sundin kundi ang sarili niya lang.

Bago kami dumiretso sa pag byahe to Nueva Ecija naghanap muna kami ng makakainan dahil gutom na kami.

" Mamaya let's party. We need to celebrate our grades, whether high or low. Ang importante may Marka!" Sabi ni Jeick habang nakataas ang isang kamay na may hamak na balat ng chicken joy. Wala naman pumapansin sa kanya kaya nawala ang ngiti niya at bumalik nalang sa pagkain.

Memories Will Be Forever (Francisco Cousins)Where stories live. Discover now