2

24 0 0
                                    



Maaga kami gumising lahat para makapag handa na at makagayak. Maaga din sinurprise si Ate Chan Chan ng buong Francisco kasama na kami don. Pumayag naman silang umalis kaming lahat at magpuntang bohol.

" Ito yung papel, nakasulat diyan lahat ng bibilin niyo." Sabay abot sakin ng maliit na papel ni Ate Zammy. Kami nila Kuya Eizen, Heiry, Jeick, Iah, At Denice. Anim kaming mag gogrocery. Isasama dapat namin sila Danielle pero bumalik ulit sa pagtulog. Hindi pa kase sila natulog kagabi dahil naglaro pa sila. Masyadong nagandahan sa pitik kalamansi.

" Ano ba 'to? Ang panget mo talaga mag sulat, Zammy! Kung alam ko lang na ikaw ang magsusulat sana ako nalang nagsulat." Reklamo ni Jeick habang kunot noong binabasa ang mga nakasulat.

" Wag ka na nga maarte, Jeick. Bilisan niyo na dahil aalis din tayo kagad!" Singhal ni Zammy at tinalikuran na kami. Nauna ng lumabas sila Eizen at Iah na mga nagaagawan pa sa graham.

Ginamit lang namin ang kotse ni Jeick dahil siya palang ang may lisensya samin lahat. Si Anjhelo meron man pero wala siya dito dahil sinundo siya nila Dale at nila Ate Hana. Lahat kami ay may kotse na pero hindi namin pwedeng gamitin sa malalayo dahil minor pa kami. Wala pa kami sa 18 pataas.

" Ano tawag sa parang cake na kinain natin?" Tanong ni kuya Eizen na nilingon pa kami sa backseat. Hindi naman kumikibo si Jeick dahil focus lang sa daan pero ngisi ng ngisi na parang tanga.

" Grahamster," sagot ni Iah in a serious tone kaya napatingin kagad ako sa kanya. Hindi ko alam kung minamali niya lang si Kuya o sadyang hindi niya din alam ang tawag sa Graham.

" Hindi ba tayo magbabaon non?"

" Pwede din naman natin gawin yon paguwi, basta may time pa." Singit ni Jeick. Si Denice at Heiry naman parang hangin lang samin dahil pareho silang may sariling mundo. Parehong tutok sa cellphone at naglalaro ng barilan.

Hinanap lang namin ang mga nakasulat at binili na yon. Mga junkfoods nalang ang kulang. Nasa likod namin nila Denice sila Kuya na kanina pa nang huhunting ng mga babae.

" Bro, mas maganda 'to!" Pakikipagtalo ni Jeick sa dalawa na parehong gandang ganda sa tatlong babae na nag go-grocery din. Hindi na namin sila pinansin at nagmadali na kaming mamili ng mga chichirya.

" Mag kaiba tayo ng type, Jeick. Mas nagagandahan ko 'to, she looks so hot in her dress," dinig kopa ang pagkamangha sa boses ni Kuya na parang ngayon lang nakakita ng ganon na babae.

" Lapitan na natin, Men." Pangungulit ni Heiry kay Kuya na tinitingnan pang mabuti ang babae.

" Basta akin yung mahaba buhok na yon, ah?" Sabi pa ni Kuya. Nilingon namin tatlo sila at tiningnan din ang tatlong babae. Tatlo silang maganda pero mas nagagandahan ko ang sakto lang ang haba ng buhok.

" Girls, take your time. Kung kinakailangan na matagalan, tagalan niyo lang. Its okay, bibilisan nalang ni Jeick pagdadrive mamaya,"

" Wews, take your time din, mga babaero!"

" Woah! Sa madaming ka MU pa talaga nanggaling yan, ah?" Sarkastikong sagot ni Heiry kay Iah. Nginisihan naman namin ni Denice si Iah na nagkunwari pang naghahanap ng chichirya.

Hindi na namin tinagalan, pagkatapos namin kumuha ng mga drinks na pwede namin inumin mamaya habang nasa byahe, dumiretso na kagad kami sa Cashier. Sakto naman na nandon ang malalandi namin na pinsan at pasimpleng nag kakabigan ng braso habang pinapanood ang tatlo na kinukuha ang mga pinamili sa cart.

Hindi pa man kami nakakalapit sa cashier at nakakapila ay inagaw na sakin ni Kuya ang mga pinamili nami atsilang tatlo ang pumila para malapitan nila lalo ang tatlo.

Memories Will Be Forever (Francisco Cousins)Where stories live. Discover now