" Where are the three of you going?" Mommy asked when she saw the three of us leaving.The three of us looked at each other before looking at Mommy. Thinking of an answer. Wait, why do we need to think of an answer? We can say naman na that we will go to the party with our couisns. It's Friday naman, so, wala naman sigurong problema sa kanila.
" Uhm.. Party with our cousins, why po?" Nakangiting sabi ko kay Mommy.
" Waala ba kayong mga ibang gagawin? Like, projects or assignments? " Meron pero assignment yon. Kahit mamayang pag uwi ko kaya kong sagutan yon. Sabado naman bukas.
" Assignment lang po, pero hindi naman po mahirap."
" What's the highest grades of yours, Gab?" Nagtatanong na si Mommy. Bakit grades ko tinatanong niya pwede naman dito kay Jash nalang.
" Ah.. Nung first sem, 89, second sem 93, third sem hindi ko pa po alam." Tumatango siya
" Not bad, wag niyong pabayaan ang pag aaral."
Tumango ang dalawa na parang aso. Paglabas namin chaka lang nag pakawala ng hininga ang dalawa. Si Jash na nakahawak pa sa dibdib niya. Si Kuya na napapailing.
" Kinabahan ako don, ah! Akala ko asabihin ko din grades ko." Nauso talaga ang salitang Oa simula nung pinanganak siya. Ano ba akala niya sa grades niya, mababa? Wala nga siyang line of 8!
" Are you serious? Ako nga hindi ko alam kung sasabihin ko yung mga palakol kong grades." Sagot ni Kuya.
" Bakit ba gumaganyan kayo? Tinanong ba kayo? Diba ako lang?" Ako 'tong tinanong kanina pero wala naman akong reklamo, silang hindi tinanong sila pa yung mas mukang problemado.
" Haha, kasalanan ba namin na palakol ka?" Natatawang sabi ni Jash kay Kuya.
" Sinisi ba kayo?" Pambabara niya sa bata.
Pagdating namin sa meeting place namin Nakita na kagad namin sila Jeick na mga nakatambay sa likod ng Ford ranger ni Eiurics. As usual, kulang kami. Medyo konti nalang kami hindi katulad noon na madami kami.
" Where's the others? " Tanong ko kila Alhens. Napansin kong kulang kaming mga girls. I know na wala talaga dito si Hana, Denice at Angel. Pero wala din dito sila Chanel.
" Oh, I forgot! Chanel, Danielle and Iah have a date. May ka-date sila ngayon, nag triple date pa ang mga siraulo." Sabi ni Alhens na kasama si Xin na mukang may kausap pero iniwan dahil kay Alhens.
" Really? Sino naman yung tatlong boys?" Tanong ko. Hindi nagsasabi sakin yung tatlong yon, ah.
" I don't know. Pero Jeick told me na artist daw ang tatlong yon. At may gusto na daw talaga kila Iah noon palang."
" Talaga? Noon palang? Bakit ngayon lang nila pinormahan yung tatlo?"
" Hmm, siguro busy sa career at pag aaral." Woah.
" Ah working student?" Ang babait naman.
" Ewan ko kung matatawag silang working students, pero.. trabaho din naman ang pag aartista kaya pwede na din."
Ah artista.
" Ganda kaya ni Vianca! Kung may panget man, ikaw yon chaka yung paningin mo." Napalingon kami kila Heiry ng marinig namin ang pag tatalo nila. Hinila ko si Alhens at Xin sa pwesto nila para makisali sa pinag uusapan nila. Ni isa ay walang tumingin samin dahil sa pinag tatalunan nila.
" Who's Vianca ba?" Tanong ni Alhens sa kanila.
" Edi yung kinahuhumalingan ngayon ni Heiry, sino paba?" Nang aasar na sabi nila Jeick.