" Saan naman tayo ngayon?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami. Sila Kuya hindi matigil tigil kakakuha ng mga pictures. Puro ibon na lumilipad lang naman ang kinukuhanan nila. Mga feeling photographer talaga. Pero pag tiningnan naman ang mga nakuha puro blured." Hindi ba obvious na kakain, Gab?" Singhal ni Jash sakin kaya inirapan ko siya. Mas matanda yata ako sa kanya ng isang taon.
At dahil mga patay gutom nga silang lahat kakain na naman ulit kami. Sa restaurant nalang kami kumain at hindi na don ulit sa Nuts Hut dahil malayo. Masarap din naman ang mga pagkain dito sa restaurant.
" Akin nalang 'yang Hipon mo!" Sabi ni James. Kanina pa siya nanghihingi ng Hipon samin. Pero ni-isa samin walang nagbibigay.
" Kung ipupukpok ko Vape ko diyan sa ulo mo?"
" Para namang hindi mo ako kapatid!"
" Para talagang hinde, hamak gwapo ko naman sayo." Napailing iling nalang ako bago tapusin ang pagkain. Hindi na namin sila pinansin na magkapatid mag barahan.
Nag pahinga lang kami saglit dahil ang sunod na pupuntahan namin ay Chocolate Hills at Forest. Wala pa man din ay nakakaexcite na. Ano ba ang kailangan isuot pag pupunta na sa Forest. Kailangan ba nakajacket dahil tirik ang araw. Siguro kahit ano nalang at sunglasses nalang. Gagayahin ko nalang ang isusuot nila Iah mamaya.
" Gandahan mo, ah! This is our first picture here in Chocolate Hills!" Sabi ni Mards kay Kuya Eizen. Siya lang ang wala dahil lahat kami nakaayos para picturan.
" Anong natin? Hindi nga ako kasama!" Nagrereklamong sabi ni Kuya.
" Baka naman sa sobrang galit mo diyan pangetan mo yung kuha!" Singhal ko sa kanya. Baka naman lang naman.
" Sinabi mo pa." Sagot niya bago itututok sa mata ang Camera.
" Hoy Eiz, ayusin mo naman bagong pose ko 'to, Dude!" Dinig ko pang sabi ni Jeick sa dulo.
Nakailang shots pa kami bago mangharang si Kuya ng isang amerikano. Madaming turista ngayon ang nandito, iilan lang ang nakikita namin na kapwa Filipino.
" Okay, one more!" Sigaw pa nila Dale sa amerikano. Muka naman masaya ang amerikano sa ginagawa niya kaya okay lang kahit mag request pa.
L" One lang? Madami dapat, Anjhelo englishin mo yung madami," utos ni Kuya kay Anjhelo na ganadong ganado mag smile sa camera.
" Many."
" Jeick sabihin mo many." At dahil katabi kolang si Kuya at nasa kabila lang si Jeick dinig na dinig ko ang madada na si Kuya.
" Oh, men. Many many!" Napuno kagad kami ng tawanan sa hiniyaw ni Jeick na nagtataka. Pati si Kuya ay nagtataka kung bakit natawa kaming lahat.
" Sira ulo, ano yon?" Bulungan nila Mards at Angel.
" Many Many Pacquiao!" Sigaw ni Iah at nakipag apir kila Chan Chan.
" I'm sorry sir to my cousin, he means one more shots." Tumango naman kay Rics ang amerikano. Sila Kuya nilalamog na si Anjhelo.
At dahil masunurin nga ang Amerikano kanina, naka 100 shots kami duon lang sa Chocolate Hills na yon.
" Ang dami niyong backup battery, pero Sd card wala!" Singhal nila Danielle kila Kuya na binubura ang ibang picture dahil wala ng space. Bwiset, mga masyado kaseng nagalala sa battery pero sa Sd card hindi nag alala.