" Bilis na!" Pagmamadali sakin ni Jash na nasa likuran ko. Bakit ba hindi siya makapag hintay?!" Teka nga lang diba?!" Inis na sabi ko sa kanya. Kung tulungan niya kaya ako magbitbit ng mga ibang gamit ko para naman mabilis akong makapasok sa eroplano.
Mukang nasabit pa ang bag ko kaya hindi ako makaakyat pataas.
" Tingnan mo nga kung nasabit yung bag," utos ko sa bunso kong kapatid na bossy. Hindi man lang yata gumalaw ang ulo niya ng tingnan niya yon. Wala man lang ka-kwenta kwentang tumingin.
" Wala, bilisan mona. Ang init, Ate." Reklamo niya sabay hawi sa buhok niya. Muntik pang malaglag ang sun glasses.
" Dalin mo yan." Sabay bigay ng dalawang bag ko. Hindi ko alam kung ano ang mga nakalagay don. Ang konti konti lang naman ng mga dala ko.
Pagpasok ko sa eroplano hinanap ko lang ang number na uupuan ko at salamat dahil nasa tabi ng bintana. Katabi ko naman si Kuya at si Jash na nasa gitna namin.
Tahimik na kaming umupo at hindi na nag ingay kahit na dinig na dinig namin ang ingay nila Jeick at nila Iah duon sa likod. 5:00 am palang ay umalis na kami sa Hotel namin at dumiretso na sa Airport dahil 7:30 am ang flight namin. Isa ako sa puyat kaya kinuha kona ang panglagay ko sa mata para matakpan. Mabilis lang akong nakatulog pero saglit lang yon dahil ginising din ako ng dalawa kong kapatid.
Nasa Manila na kami. Namiss ko kagad ang Bohol. I hope makapunta ulit ako kagad don with them again.
" Bye, Guys." Sabay akap kila Denice na may sari-sariling sundo na kagad na nakaabang.
Kami naman tatlong mag kakapatid hinihintay lang si Daddy dahil siya ang susundo samin.
" Boring na naman mamaya, tsk." Sinimangutan ko lang si Jash na nagsasalitang mag isa. Hindi na namin siya sinagot ni Kuya.
" Hindi naman boring yung pagtulog. Kaya," nagkibit balikat lang si Kuya kay Jash. Hindi ko sila pinansin dalawa at tiningnan nalang ang paligid kung hindi pa nakakaalis ang ibang pinsan namin.
" Fuck!" Sigaw ni Jash sa bumusina samin. Nakita kong kumaway si Iah samin na tumatawa dahil nagulat niya kaming tatlo.
" Sira ulo talaga 'yang Iah na yan!" Hinihimas ni Jash ang dibdib niya sa pagkagulat habang sinusundan namin ng tingin ang kotse nila Iah.
Ilang minuto lang din bago dunating ang sundo namin. Binati kolang si Daddy pagpasok ko sa loob. Duon na umupo ang dalawa kong lalaking kapatid sa back seat kaya ako naman sa tabi ng driver seat.
Nilingon lang ni Daddy ang dalawang parehong nakapikit na kagad bago simulang paandarin ang kotse.
" How's the trip?" Tanong ni Dad.
" Enjoy. Sobrang ganda pala doon. Sana doon nalang tayo mag vacation next week."
" Maybe next vacation nalang tayo mag Bohol, kung gusto niyo. Napag planuhan na namin ng Mommy niyo na sa Venice na kayo dalin. I think 4 days tayong nandon." Hindi naman mawawala ang Bohol, so.. okay. We're going to Venice next week. Siguro ay wala na din ang ibang pinsan namin next week dahil sa Vacation din nila.
Pagdating namin sa bahay ay inayos kolang ang mga gamit ko at dumiretso na sa kama para matulog. 11 am na kaming nakadating at wala pa akong maayos na tulog. Hindi din naman kami nakakatulog ng maayos sa Bohol dahil talagang sinusulit namin ang oras namin doon. Pinaka maaga namin na tuloy is 2 am, then gigising pa kami ng 7am para mag gala ulit.
" Gab come on! Open the door!" Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko dahil sa katok at sigaw ni Kuya. Ano ba problema non?
" What?!"