" What the hell, Trin!" Sigaw ko ng bigla niyang ugain ng ugain ang hanging bridge. This is our first day para mag gala dito. Kadadating lang namin kahapon pero nagpahinga lang kami. Ngayon lang namin sinimulan na mag gala." Gago! 'Di kaba lulubay?" Dinig ko naman na asar na sabi ni Jeick kay Anjhelo na niyuyugyog din ang kabila.
" Sana all twins!" Natatawang sabi ni Dale kaya lumingon sa kanya si Kuya at ang iba naman ay natawa pero bigla din silang natahimik ng magsalita si Kuya.
" I hate twins." Matawa tawa ako sa isip ko ng sabihin niya yon. He hates twins? Obvious naman, duh. I hate twins too, lalo na pag panget ang ugali.
" Ano magagawa niyo, e, twins itong hanging bridge?!" Balyaw ni Iah samin. Ang bata bata ng ilang taon samin pero kung sigawan kami para lang kaming batang makulit sa kanya. Too bossy! That's my favorite cousin, anyway.
" Wala po kaming gagawin, Boss! Pasensya na po, ah?" Sarkastikong sagot nila Kuya na kabadong nakahawak sa magkabilang hawakan at dahan dahan naglalakad. Lahat silang boys ay nasa kabilang bridge samantalang nasa isa naman kaming mga girls. Buti nalang talaga at kami lang ang tumutulay. Dahil kanina pa kami dito dahil sa takutan at gaslawan. Sino pa nga ba ang magiging pasimuno kundi ang mga malalakas lang ang loob. Samin ay si Iah at Danielle na sinasabayan nila Maxine. Samantalang kami nila Denice ay manginig nginig na sa takot dahil pareho kaming nag iisip na baka maputol 'to at bumagsak kami sa baba. Palibhasa sila Iah ang iniisip ay ang patayin lang kami sa takot.
" Magbuga ka naman ng usok, Ry! Nang maaliw naman kayong takot na takot!" Pangaasar nila James na malapit na makaalis dahil nasa dulo na. Pagkatapos nito pupunta kami sa Nuts hut for lunch. Nang makita ko sa picture ang itsura non ay na-excite kagad ako. Samantalang ang iba naman ay natakot dahil baka daw lumubog. Oa, duh.
" Hindi na nga makabitaw yung parehong kamay sa hawakan, pinag vavape mopa!" Gatong nila Kuya na sinakyan naman ng tawa nila Anjhelo at nila Glenn. Masyado ng nahahawa ng katarantaduhan ang pinakabunso samin. I don't know kung nahahawa lang talaga o talagang nasa dugo niya na talaga ang pagiging tarantado like my other cousins. Si Eiurics lang talaga ang medyo matino tino sa kanila. Pero pag wala nga lang sa mood. Pag nasa mood wala na kaming inaasahan na matino. They are all sira ulo na.
Nang makaalis na din kami sa panganib ay dumiretso na kami sa Nuts Hut. Gutom na kaming lahat. Palagi naman.
Umorder lang kami ng mga pagkain. Wala ng reklamo reklamo na nangyari dahil sobrang sasarap naman. Hindi na nga namin naenjoy ang magandang view dahil sa pagkain kami lahat naka focus.
" Shit, ano nga ulit yung Gym?" Tanong ni Hariet samin. Hindi na lang kumain, ang daming satsat!
" Gago." Isa sa mga boys lang ang nagsabi non. Halos hindi kona makilala dahil namumungalan din.
" Tapang ng hiya mo, para naman may abs ka."
" Just eat, Glenn. Wag kana maingay." Bawal sa kanya ng Bossy niyang kapatid na si Denice.
" Para naman hindi ka nagiingay." Sabat ni Iah. Good. Ganyan ang tamang pagsabat.
Hindi na sila matapos mag barahan hanggang sa matapos kami sa pagkain. Nag picture taking lang kaming lahat don. Ang landi pang pumose nila Jeick. Kahit kelan mag groupie ganyan sila nila Dale.
" Where going to Butterfly Sanctuary!" Excited na sabi nila Jeick samin. Ang mahilig sa butterfly samin lahat. Ano nagustuhan niya sa butterfly.
" So boring. What can we do with butterflies?" Reklamo nila James. Halos lahat ng boys ay nagrereklamo sa pupuntahan namin, si Heiry lang yata ang hindi dahil nagsisimula na naman mag lagay ng juice sa bulak niya para makapag pausok na naman. Kami naman nila Hana hindi lang umiimik dahil busog pa kami. Hariet is right, ano nga ulit yung Gym?