14

8 0 0
                                    



" In the name of the father, and the son, and the holy spirit, Amen.." Ngayon ang libing ni Lola at nandito na kami ngayon sa huling hantungan niya. Nakaupo kaming lahat na buong Francisco. Hindi ako makapaniwala na ito na yung huling kita namin sa kanya.

Isa isa kaming nag basbas sa libingan niya. Nitong nakaraan na araw ay parang nasasanay na ako na araw araw ko siyang nakikita na ganito. Nakahiga lang. Pero iba pa din pala pag huling araw na, na ito na yung pinakahuli at hinding hindi na namin siya makikita.

Isang malaking bahay at may dalawang palapag ang libingan ni Lola. Mabilis itong ginawa sa loob ng isang linggo. Hindi ko alam kung bakit ganon lang kabilis ang paggawa. Halos nakaayos ang libingan ni Lola. May mga magagandang bulaklak at ang malaking picture niya na mukang mamahalin pa ang frame. Naka tiles ang sahig at halos napakagandang tingnan at parang mansyon ang dating.

Natapos ang lahat naipasok na sa himlayan si Lola. Nag palipad na din kami lahat ng puting lobo at ibon. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Pero nakakagaan ng pakiramdam na makakita ng mga lobo sa kalangitan. Kaming mga Francisco ang pinakahuling tao na umalis sa Cemetery. Hindi na din kami mga nagkasama sama ng mga pinsan namin. Pagkabalik lang sa bahay nila Lolo ay kumain lang kami at umalis na. Naiwan sila Denice don upang samahan sila Lolo don. Sa susunod na araw na din yata ang balik nila sa ibang bansa pero hindi ko alam kung maiiwan na si Denice dito. Sana ay dito na siya makapag aral gaya ng sinabi ni Lola.


" Hindi pa din ako makapaniwala." Sabi ni Jash. Magkasama kaming tatlo sa gilid ng pool at nakatambay lang. Gusto ko nang matulog pero alam kong hindi din ako makakatulog.

" Ang bilis ng pangyayari. Parang last week lang nasa garden pa si Lola at masayang tinitingnan ang mga alaga niyang bulaklak." Natatawang sabi ni Kuya Eizen pero kapansin pansin ang lungkot at panghihinayang doon.

" Wala tayong choice kundi tanggapin. That's life." Kaya mahalin at iparamdam na natin sa mga mahal natin sa buhay kung gaano natin sila kamahal at kahalaga. Walang nakakaalam sa mangyayari. Malay mo bukas ay wala na sila o kaya tayo mismo.

Bumalik na din kami sa pagpasok. Hindi kami ngayon naka absent or kahit halfday man lang para mapanood sila Danielle at Iah sa laban nila. Kailangan din namin kase bumawi sa mga na-missed namin na mga school works.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na akong umuwi. Hindi kona hinintay si Jash at Kuya dahil kay Kuya naman sasabay ang bunso namin. Nagpasundo nalang ako sa Driver namin.

Ilang linggo din na ganon ang nangyari. We like matino because of that. Pasok, aral, uwi, aral. Kahit pag uwi ay puro pag aaral ang inaatupag ko. Kahit si Jash ay napansin kona ganon ang ginawa. Siguro ay naghahabol din siya. Ewan ko lang kay Kuya na laging may lakad kasama ang mga barkada niya. Sa mga barkada niya siya bumawe.

" Gab, let's go! Ngayon lang 'to! Ano ka ba?" Singhal sakin ni Alhens. Ito na yata ulit ang oras na puro na naman kami gala. Siguro ay naging busy din sila sa studies nitong nakaraan. Si Danice yata ay bumalik sa LA hindi ko alam kung bakit.

" Ayoko uminom!" Singhal ko din sa kanya.

" Baliw, mag raramen lang tayo." Sabi sakin ni Chan.

Pagdating namin don, umorder lang ako ng Ramen at pinapple juice. Okay na 'to tapos kakain nalang ulit ako sa bahay if ever magutom ako.

" Oh, beer." Sabi ni Xin at binaba sa table yung beer.

" Diba sabi ko ayoko uminom?" Tanong ko sa kanya.

" Pake namin. Hindi pwede. Lahat iinom." Sabat ni Jeick ang ingay nila sa kabilang table. Puro beer ang nandon. " Chan-ak tawagan mo yung dalawa." Sabi niya kay Chanel.

Memories Will Be Forever (Francisco Cousins)Where stories live. Discover now