15

6 0 0
                                    


" Tanga sakin yan!" Singhal ni Hariet kay Jash.

" Tanga ka din ba?! Ayon sa kabila yung sayo!" Banas na sabi ni Jash at tinuro pa ang gamit ni Hariet.

" Hoy kayo, wag na nga kayong bumibili ng mga pang couple na gamit kung mag aagawan lang din kayo pag hindi niyo nakikita yung isa." Bawal ko sa kanila bago umupo at nilagay ang headphone.

" Ito kase!" Singhal ni Jash.

" Where's others?" Tanong ni Chanel sa ibang nasa labas pa at hindi alam kung ano ang mga ginagawa.

" Nag chi-chismisan. Wala pa sila Danielle." Umuwi kase silang lahat kanina para makapag ayos ng mga gamit. Byernes naman ngayon kaya kahit sa linggo na kami umuwi. Nagpaalam na din naman kami at pinayagan nila kami dahil licensed naman sila Eiurics.

Dalawang kotse ang ginamit, kay Eiurics at Jeick. Sakto lang naman.

" Kain daw muna sabi nila Jeick." Sabi ni Jash. Nasa kabilang sasakyan sila Jeick kaya nag text siya kay Jash. Huminto lang kami sa Isang restaurant at nag park.

" Ikaw, ah! May kumakalat ngayon na boyfriend mo daw yung isang miyembro sa The Core!" Dinig kong nang aasar na sabi ni Jeick. Tatawa tawa naman sila Dale sa itsura ni Iah. Halos nakuha nilang lahat ang atensyon namin.

" Ano ba sinasabi mo diyan?" Takang tanong ni Iah. Mukang wala naman. Dahil mukang hindi din alam ni Danielle ang sinasabi nila Jeick. Parang wala lang sa kanilang dalawa ang naririnig na balita samantalang sila palagi ang mag kasama.

" Sus! Kunwari kapa ngayon, ah. Hindi ka nagsasabi. Sikat pa talaga binoyfriend mo." Dagdag ni Jeick na ayaw tumigil.

" Ay, sikat ba yon?" Takang tanong ni Iah.

" Ofcourse! Si Daddy ang may hawak sa grupo na 'yon. So, totoo nga yung bali-balita?" Tanong ni Dale.

" He's not my boyfriend. 'Di ba, Danielle?"

" Oo hindi. Nililigawan lang si Iah, pero mukang hindi din naman type ng isa na 'to yon! Tara na kumain na nga lang tayo, dadaanan pa natin si Angel kailangan maaga tayo makarating ng Nueva Ecija." Siya na din ang nag tapos ng usapan kaya pumasok na kaming lahat. Pero ayon pa din ang usapan. Yung tungkol pa din sa sikat na lalaki at rumored boyfriend ni Iah. Buti at hindi siya nababash dahil sa issue na 'yon. Sikat na lalaki ang nanliligaw sa kanya.

" Hindi din natin masisise ang mga tao kung bakit hindi nila maibash si Iah, no!" Maingay na sabi ni Alhens bago umakbay kay Iah na tatawa tawang kumakain. " Sa ganda ng babae na 'to? Mahihiya yung pagmumuka ng mga bashers." Ngumunguya naman na tumingin samin si Iah at nag pacute bago tumawa at makipag apir kay Alhens.

" At wala silang karapatan. Idol nila ang nanligaw." Singit ko.

" Sabagay. Pero ano ba pangalan ng nanliligaw kay Iah?" Tanong ni Kuya.

" Drake Zalles." Si Danielle na ang sumagot.

" Talaga? Kilalang Pamilya yung Zalles na yan. Sabi nila Mommy, marami daw negosyo yung Zalles at talagang bigatin na daw dati pa. Halos lahat ng klase ng negosyo meron sila, e. May mga resorts din daw yan at mga nag mamay ari ng mga sikat na mga hotels sa ibang bansa." Wow. Sobrang yaman naman pala. Tinapos kona ang pagkain at pareho kami ni Iah na matapos kaya umalis muna kaming dalawa at lumabas para magpababa ng kinain.

" Bumalik ka don sa loob, pinag uusapan nila yung manliligaw mo." Asar ko sa kanya muka naman siyang walang pake.

" Hayaan mo sila. Ayokong marinig ang pinag uusapan nila. May alam naman na ako sa pamilya non. Kaibigan ni Mommy ang Mommy ni Drake." Kwento niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories Will Be Forever (Francisco Cousins)Where stories live. Discover now