March 06 ng ianunsyo sa buong lalawigan that my Grandma was dead. First night ni Lola na nakaburol at halos madaming tao ang gustong makiramay at pumasok sa mansyon ng Francisco dahil ito daw ang gusto ni Lola at hindi sa Chapel. Gusto niya sa sarili niyang pamamahay. Sa sarili niyang pagmamay ari.Napagplanuhan nila Lolo na sa Ikalawang gabi ang oras ng pakikiramay ng mga tao dahil hindi mag kakasya ang mga tao pag sabay sabay itong pumasok. At para nadin sa Privacy ng mga Francisco kaya naisipan nila na bukas ay mga taong gusto na dumalaw kay Lola ang pupunta dito bukas. At kami ay magpapahinga munang lahat. Hindi kami haharap sa mga tao bukas at tanging sila Mommy lang.
Habang papatagal ng papatagal ay mas lalo akong hindi makapaniwala na nay ganitong ayos ako na nakikita sa pamamahay nila na dati ay masaya. Dito pa dati ginanap yung mga laro nung new year. Sobrang saya that time. Sana lang ay mangyari pa ulit yon para mas lalo na namin masulit.
" Wheter alive or dead, nothing has changed. Your grandmother is still the most beautiful woman for me.." Sabi ni Lolo habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng Coffein ni Lola. Lolo is right, buhay man o walang buhay, walang nag bago kay Lola. Maganda pa din.
" I know, she's happy now." Nakangiting sabi ko. Pero hindi ko masabing ngiting masaya.
" Even though your grandmother is still alive, she is really happy, Gab. As long as masaya ang lahat sobrang saya na nang Lola niyo. Pero tama ka, sana ay masaya pa din siya sa taas." I looked at Lolo's face and I saw his smile, ngiti na kitang kita pa din ang lungkot at pagod. Sana lang ay bigyan siya ni God ng lakas para makaya niya 'to.
Mahabang oras kami na nakaupo lang at nakatingin sa coffein ni Lola. Minsan ay nagkukwento sila Dale about sa dati na nakakatawa para matawa si Lolo. Gusto ko maiyak dahil halata sa kanila na sobrang lungkot nila at kagagaling lang sa iyak pero pinipilit nila maging masaya sa harap ni Lolo para lang makita nila na nakangiti si Lolo at masaya sa kwento nila. They look so desperate to make Lolo happy. Hindi pa kase kumakain si Lolo simula kaninang breakfast at tanging mga bread lang ang kinakain niya. Nag request sila Tita sa Catering na karamihan sa iluto ay gulay o kahit ano basta masustansya at hindi makakasama kay Lolo na pagkain. Pinaluto din nila ang paboritong pagkain ni Lolo at halos magtalo pa sila kung ano ang iluluto dahil madaming paborito si Lolo na putahe. Pero wala lang din dahil hindi naman kumain si Lolo. Ang paboritong tinapay ni Lola lang ang kinakain niya. Wala ng iba.
7 days ang burol ni Lola dahil uuwi pa sila Hana na nasa ibang bansa. Hindi sila pare-pareho ng araw na uwi dito. Mas okay na din na matagal para kahit papaano ay matagal pa namin makasama si Lola. Hindi man namin makausap o mahawakan basta nandito siya. Ayos na ayos lang.
2 am na at natulog na si Lolo malapit sa pwesto ni Lola. Ayaw niyang matulog sa mismong room nila ni Lola dahil wala naman daw siyang asawa na makakatabi. Mas okay daw siya dito. Hindi man tabing tabi basta malapit lang sila sa isa't isa ay makakatulog na siya ng maayos. Halatang halata pa din ang pagmamahalan nilang dalawa. Kada isip o imagine ko ng kahit ano about sa kanila ay mabilis na namumuo ang luha ko.
" Ang dami natin absents." Sabi ni Alhens. Halos kaming lahat nalang na magpipinsan ang naiwan na gising.
" It's okay, Alhens. This is important. Kung kapalit ng absent ay makasama si Lola ay ayos lang. Dahil hindi na 'to mauulit." Sagot ni Angel na mugto ang mata at diretso ang tingin sa coffein ni Lola.
" Hindi ako makapaniwala.. Parang kanina lang yung nangyari. Kitang kita ko buhay pa si Lola at nag uusap sila ni Lolo. Parehong masaya. Then, boom! Ito na si Lola ngayon. Payapa nang natutulog." Sabi ni Jeick na namumula ang mata. Parang lahat kami ay walang buhay. Iilan nalang ang wala samin dapat ay masaya kami pag ganitong magkakaharap kami. Pero hinde. Parang hindi na namin alam kung paano tumawa. Kung paano mag asaran. Parang lahat kami sobrang nanghihinayang. Para bang buong katawan namin may nakadagan dahil hindi man lang kami makagalaw. Parang gusto lang namin lahat nakaupo at tahimik. Parang pagod na pagod kami. Mentally..