" Kelan deadline ng project?" Nung nakaraang linggo pa ang project na yon at hindi ko man lang magawa gawa dahil marami din akong assignments sa iba't ibang subject. Halos hindi kona nga 'yon maalala at ngayon lang sumagi sa isip ko ng banggitin yon ng nasa likod ko na kaklase ko." Gaga, edi ngayon! Hanggang 2pm nalang daw pwede magpasa yung mga hahabol. Pero tingin ko karamihan sa atin nagpasa na. Nagpasa nako bago mag weekend, e. Ikaw?" Napaisip ako kung gagawin kopa ba yon o hindi na. Pero hindi pwede. Malapit na magbakasyon at graduating ako. Ito na yung last ayoko na bumaba naman ang grades ko kung kelan ga-graduate na ako. Mas maganda siguro kung mas mataas yung ngayon kesa sa nakaraan, right?
" Hindi pa ako nakakapag pass. Wala pa akong nagagawa, tingin mo magagawa ko yon ngayon? What do you think, Rihan?" Umaasa nalang ako sa sagot niya na sana madali lang yon gawin. Dahil kung mahirap yon, hindi sapat ang natitirang oras para magawa ko yon.
" Kahit tulungan kita, hindi natin yon matatapos. Ano ba kase ang pinag gagagawa mo nitong nakaraan? You look so very busy. Ano ka businesswoman?" Sarkastikong tanong niya. Inirapan ko nalang siya. Hindi ko alam kung may maitutulong siya o ano. Bubungangain lang yata ako nito.
" May class ba tayo mamayang hapon?" Tumango siya at patagong nag cellphone. Tapos naman na kami sa lecture at wala ng ibang pinapagawa.
" The f*ck, hindi ko alam kung makakapag pasa ako." ESP yon at bihira lang kami mag quiz don dahil karamihan at discussion lang. Kaya madalas don mag pa-project para naman kahit papaano ay may points na madagdag sa marka namin. At kung hindi ako magpapasa ng project posibleng mababa ang marka ko don.
" Edi kausapin mo ang prof natin don at sabihin mong nagkasakit ka nitong nakaraan at malubha yon kaya hindi ka nakagawa. Mabait naman yon, baka pag bigyan ka." Hindi ba't parang ang unfair non sa ibang studyante? Pagbibigyan ako dahil sa nagkasakit ako kahit ma hindi naman talaga at puro party lang ang inatupag ko. Samantalang ang iba ay nag pakahirap at naglaan ng oras sa project para makapag pasa lang. Nakakakonsensya!
Sorry classmates. But I need to do this. Malay mo pumayag at bigyan ako ng oras. At isa pa, hindi lang naman puro party talaga ang inatupag ko. Gumawa din ako ng mga assignments, duh.
Pagkatapos namin sa Science ay lunch time na. Halos hindi na tumawag o nagpakita sakin ang dalawa kong kapatid. Siguro ay busy din ang mga yon o kaya ay may sari-sariling gala lalo na si Kuya. Ang mga pinsan ko naman mga wala pang paramdam dahil oras nla ngayon para bumawi dahil malapit na magbakasyon. Hindi ko lang alam kung anong klaseng bawi ang ginagawa nila.
Nagpasama nalang ako kay Rihan na umalis at pumunta sa mall o kahit saan na malapit na pwedeng mabilan ng kakailanganin sa gagawin kong project. At dahil may dala naman akong sasakyan ngayon hindi na ako nahirapan. Mabilis lang kaming nakabili at bumalik na kagad. Hindi na ako nagpasama kay Rihan na pumunta sa room ng prof ko sa ESP. Pinag lunch ko muna si Rihan mag isa.
" Hindi pwedeng bukas mo ipasa, Miss Gabby. Hanggang 2pm lang talaga ako pwedeng tumanggap. Pero pagbibigyan kita hanggang 5 pm. May klase pa naman ako mamaya sa ibang section ng hanggang 5pm. Sana ay makapag pass ka, dahil sayang din yon. Malaking points ang madadagdag sa grades mo." Tumango ako at nag paalam na.
Hindi na ako nag lunch at dumiretso ako sa library. Tahimik at walang masyadong tao kaya makakapag focus ako sa project. Sobrang hirap pero kailangan ko itong gawin dahil 5pm kailangan ko na ito maipass. Dumating ang 1pm at dumiretso na ako sa next class dala dala ang tinatapos kong project. Sana man lang ay wala kaming klase sa next sub para naman may oras ako para matapos ang project ko.
Nagpa lecture lang ulit at dahil mabilis ako mag sulat mabilis din ako natapos. Ginawa ko ang project ko na hindi naman dapat gawin sa oras ng klase ng English. Pero wala naman nakakaalam kaya go lang.
Minsan ay pasimple akong tinutulungan ni Rihan pero minsan lang dahil nag cecellphone siya. Itong makiri na 'to mukang hindi nagsasabi sakin.