9

2 0 0
                                    


" Matagal paba sila Zammy?" Tanong ni ChanChan na naghihintay sa labas ng sasakyan. Halos kaming lahat ay nandito na at silang tatlo nalang magkakapatid ang wala.

" Si Dale nalang yung hinihintay nila," sagot ni Eiurics.

" Nasan ba?" Tanong ko.

" Ewan ko, hindi pa daw umuuwi." Napailing iling nalang ako. Kung ganon ay baka mamaya pa talaga kami makaalis dahil hindi pa umuuwi si Dale.

" Hahaha, nasarapan." Singit ni Kuya Eizen na nakahalukipkip at mukang relax na relax lang.

" Nasarapan din naman tayo kagabi, ah. Bakit hindi tayo na-late?" Nagyayabang na sabi ni Heiry.

Lahat kami ay narinig ang sinabi niya pero wala ni-isa ang sumagot o nambara.

" Alam niyo ba kung saan yung School ni Angel? Baka mamaya maligaw tayo sa Nueva Ecija." Sabi ni Danielle.

" Hindi yan, sikat na school naman pinapasukan ni Angel. Tiyak alam ng mga tao kung saan yon." Sagot ni James bago mag pausok ng Vape.

" Lumabas ka nga, baka isipin ng tao sasabog 'tong kotse!" Reklamo ni Heiry sa kanya

" Muka yatang nagkapalit kayo? Himala at wala kang vape ngayon, Heiry." Natatawang sabi ko sa kanya.

" Ganyan talaga pag natatalo sa pustahan." Natatawang sagot ni James. Mukang nag eenjoy na magbuga buga ng usok.

" Anong pustahan?" Singit ni Alhens. Napatingin ang dalawang magkapatid sa kanya.

" Wala wala!" Pagtatapos ni Heiry sa usapan at kagad kinausap ang kapatid niya. Napanguso nalang tuloy si Alhens sa tabi ko.

" Pakitawag nga si Danielle chaka si Iah, samahan nila ko sa Coffee shop muna," sabi ni ChanChan kila Jeick.

" Ako nalang isama mo," sagot ni Jeick kahit hindi pa tinatawag ang dalawa.

" Kung umaasa ka na ililibre kita pag ikaw ang sumama, mas magandang diyan ka nalang. Hindi ako manlilibre, Jeick."

" Ang dumi ng isip mo, nagpapalibre ba ako? Sabi ko sasama ko." Masungit na sagot ni Jeick.

" Tulog yung dalawa." Sagot ni Hariet dahil katabi niya ang dalawa, siya nag i-ipad.

Si Jeick at ChanChan ang umalis. Wala din naman gustong sumama sa kanila dahil coffee shop yon. Hindi mahilig sa kape ang iba samin.

" Kahapon pa puro tulog yung dalawa, wala tuloy masyadong maingay." Sabi ni Alhens sakin kaya tiningnan ko ang dalawa.

Pag uwi nila kahapon sa Condo naglinis lang sila at natulog. Kanina naman pagkatapos namin silang hintayin sa practice nila ay naligo lang sila at natulog na kagad sa sasakyan. Hindi na sila nagtanong kung saan kami pupunta at kagad nilang silang sumama.

Papalapit kase ng papalapit ang laban nila kaya pagod sila sa practice araw araw. Kung dati ay puro practice sila sa hapon ngayon ay mag hapon na. Pagpasok nila ng maga practice na kagad.

" What's up?" Napatingin kami kay Dale ng bigla siyang mag salita.

" Gago ka, kanina pa kami naghihintay!" Reklamo ni Hariet na natigil sa pag i-ipad.

" Alam niyo naman kung saan pa ako nanggaling." Sabi niya bago ibigay kay Eiurics ang susi ng sasakyan na gamit nila ni Xin at Zammy. Pumasok siya sa loob at tumabi kay Kuya Eizen. Si Eiurics naman pumunta sa kabilang sasakyan sumama ang iba sa kanya hindi kona napansin kung sino. Siguro ay lilioat sila don dahil masyado kaming madami kung nandito kami lahat. Hindi kami magkakasya. Hindi ako sumama sa kanila dahil nandito naman si Danielle at Iah. Si ChanChan baka doon siya sa kabila nila ni Jeick.

Memories Will Be Forever (Francisco Cousins)Where stories live. Discover now