Gabby POV
" Happy New year!!" Sigaw namin lahat sabay tingin sa taas dahil sa mga Fireworks na pumuputok sa taas. Beautiful.
" Ang saya saya Daddy Willie Revillame!" Napalingon kami nila Hana kila Eisen na kasama ang mga iba pa naming pinsan na kaedaran lang din namin. Nakapagitna sa kanila si Lolo at akbay akbay pa silang lahat habang tumatalon talon. Ang ingay nila sa gawi na yon.
Hindi ko akalain na sa edad ni Lolo, nakakasabay pa din siya sa mga kwela niyang Apo. He was 83 years old. And our Lola is 79.
Bigla naman dumating si Iah, Danielle, at Denice. Kasama pa nila si Ate Chanel na may pinaka maraming dalang barbeque. Inabutan niya lang kami nila Hana non.
May sariling usapan silang lahat samantalang ako ay pinapanood lang ang fireworks sa taas habang nginguya ang barbeque na mukang kakaihaw lang.
" Sali kaba mamaya sa palaro?" Tanong ni Denice
" Pag maganda sasali ako." Sumagot naman si Iah.
" Ako mag vivideo, sila Dale nagisip ng laro, e. Pustahan puro kagaguhan lang nila ang gagawin mamaya don sa loob." Sabi ni Zammy. Ang Ate ni Dale.
" Hayaan niyo silang mapagalitan nila Tita!" Singit ko at kinagatan ko ang barbeque ni Iah.
Kumpleto kami ngayon na mga Francisco. Lahat ay umuwi para magsama sama lahat. Minsan lang naman kami mabuo dahil sa mga kapatid nila Daddy. Ang iba ay sa ibang bansa nakatira at may mga business kaya minsan lang kami mabuo lahat.
Nag Family Picture lang kaming lahat sa harap ng mansyon ni Lolo at Lola habang may fireworks na naka display sa taas.
Nasa likod namin ang mga Tito at Tita at nakapagitna sa kanila si Lolo at Lola. Samantalang kaming magpipinsan ay nasa baba at mga nakaupo. Nasa mismong harap pa si Eizen at si Jash na pareho kong kapatid. Sobrang titigas ng ulo.
Kumain lang kami sa long table nila Lolo. Ang iba ay nasa Sala na at duon kumakain. Kumuha lang kami ng mga pagkain nila Jeick at sabay sabay kaming pumunta sa sala. Naabutan namin sila Iah at sila Eizen na mga nagaasaran habang kumakain. Halos lahat sila ay magugulo.
" Bukas birthday na ni Chan Chan, ano handa mo?" Tanong ni Jeick kay Chanel na kumakain mg Chicken cordon lang at pasta.
" Hansel at Juice lang." Panggagago niya.
" Ang sosyal naman non, hindi pa yata ako nakakakain non. Buti nalang ayon ang handa mo," sabat ni Heiry na may dala dalang Carbonara sa malaking plato niya. Ang mahilig sa Carbonara pero hindi alam ang mismong pangalan ng kinakain niya.
" Sa isang araw, punta tayong Bohol, mag libot tayo. Besides, malapit naman na ulit tayo magkahiwa-hiwalay ulit." Kalmadong sabi ni Dale pero halatang tinatago ang lungkot. May sari-sariling gala ang ibang pinsan namin kasama ng mga pamilya nila sa ibang bansa. Tulad nila Angel na babalik na ulit sa America dahil duon talaga sila nakatira nuon palang. Pero babalik naman sila dito dahil mag aaral pa siya. Sa ibang school nga lang hindi sa pinapasukan namin nila Kuya Eizen.
" Wala kaming sinabing umiyak ka! Punasan mo nga yan!" Binato ni Eiuricks ng tissue si Dale pero kagad din binato pabalik ni Dale ang tissue sa kanya. Naalis tuloy ang pagkakaayos ang tissue at gumulong pa sa sahig. Imbis na pulutin ni Jash ay tinapakan niya pa at pinanglinis pa sa sapatos.
" Hayop! Ano yan, Crushback?" Natatawang tanong ni Kuya Eizen sa dalawa na nasa harap niya.
Ako lang yata ang nakafocus sa kanila, ang ibang pinsan ko ay mga busy sa pakikipag usap. Ang iba naman ay pabalik balik sa kusina at sinusulit ang pagkain. Luto yon nila Lola kaya kailangan hindi yon maaksaya. Hindi naman talaga maaaksaya dahil hindi naman palpak ang lasa. Lahat yata ng pagkain na nakahain ay sobrang sarap. Hindi ko alam kung dati bang Doctor si Lola o dating Chief. Nagluluto yata siya sa Operating room dati.