Chapter 4
Nagkatrabaho nga ako, tagalinis naman ng kumpanya. Sabagay, hindi rin naman ako nage-expect ng mas mataas do'n. High school lang ang natapos ko, malabong mapunta ako sa opisinang gusto ko.
"Malaki laki rin naman ang sweldo mo rito buwan-buwan, kaya worth it naman 'yung pagtatrabaho mo," ani Alain sa akin habang nagmi-meryenda ako. Actually siya ang bumili ng pagkain ko, ililibre daw niya ako lagi ng pagkain para hindi na daw ako gumastos. Nakakahiya, pero wala kong nagawa nang pilitin na ako nito, hindi ko naman kayang ipahiya siya.
"Thank you talaga kasi pinilit mo si Cyrus," sinseryo na ani ko sabay subo ng tinapay.
"Ayos lang sa 'kin 'yon, madali namang pakiusapan ang mokong na 'yon," natatawang sabi niya at uminom ng kape.
Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung papaanong babawi sa lahat ng mga nagawa niya sa akin at sa pamilya ko, hindi ko alam kung papaanong papantayan 'yon.
"Ito pala 'yong cellphone," sabay abot nito sa akin ng isang kahon,nagtataka ko siyang tiningnan. "Ibibigay ko na 'yan sa'yo. Huwag kang mag-alala, pinaglumaan ko lang 'yan," agad akong napangiti at tumango sa kanya bago kuhanin ang kahon. "Naka-set na ang alarm mo diya'n kung anong oras kang papasok sa trabaho, tuwing linggo naman ay wala kang pasok kaya hindi na ako nag-alarm sa araw na 'yon," paliwanag nito, ako naman ay abala sa pagbubukas sa cellphone.
Hindi ko alam kung bakit niya sa 'kin binigay 'yong phone niya na 'to,eh,may cellphone din naman ako sa bahay, may laptop pa nga. "Meron na ako nito sa bahay," ani ko.
"Alam ko, gagamitin mo lang naman 'yan bilang alarm clock. Pati nga ang lunch time, snack time at dinner time ay nandiya'n na. Means, pahinga mo 'yon," napangiti ako sa kanya.
"Salamat talaga,ah," nakangiting ginulo nito ang buhok ko.
"Sige na, mag trabaho ka na ulit," aniya ng tumunog ang alarm. Napapangusong napatayo kaming dalawa. "Susunduin kita mamaya, pupunta ako rito bago matapos 'yung trabaho mo," paalala niya.
"Hihintayin kita. Salamat ulit," pagkaway ko at ngumiti ng abot hanggang tenga bago tumingin sa mata nito. Agad namang sumilay ang magandang ngiti ro'n.
"Hihintayin din kita," pagngiti nito bago ako talikuran at tuluyan ng lumabas ng Viglianco company.
"Back to work--"
"Ay,king ina!" Napahawak pa ako sa gawing puso ko ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Sino pa ba? 'Edi si Cyrus--este, boss Cyrus.
"Minumura mo 'ko?" Ng lingunin ko ito ay nakaangat na ang isang kilay niya.
"S-sinabi ko bang ikaw 'yon? Wala 'yon, joke lang 'yon," ani ko at nagtatakbo papunta sa elevator. Shala, may pa-elevator ang lolo mo. Second floor nga lang ang pupuntahan ko ay nage-elevetor pa 'ko.
"Kapagod!" Hinihingal na sabi ko matapos malinis ang second floor, second floor pa lang 'yon. Ang naka-assign kasi sa akin ay second and third floor. Mahirap,pero kakayanin para sa pamilya. "Let's go!" Pagkausap ko sa sarili ko at nagtatakbong pumunta sa susunod na floor.
Walis diyan, punas diyan, lampaso diyan,pati na nga ang pag-agiw ay ginawa ko na para makumpleto ang paglilinis. Halos dalawang oras ko ri'ng nilinis ang pangatlong palapag. Ang pawis koay tagaktak na, pero pupunasan ko lang 'yon at babalik na ulit sa trabaho.
May alas otso na ata ng natapos ako, madilim na rin. Nag-aalala ako na baka matagal kong napaghintay si Alain sa halip na ako ang maghintay. Umaakyat na nga ng tuluyan ang hiya sa sarili ko.
YOU ARE READING
All Out Of Love
RomanceLinne Velasco, who want to help her family. Kahit hindi nakapagtapos sa pag-aaral, nagsikap pa rin siya. Marami kaagad nangyari pagkarating pa lang niya sa Viglianco Company. And that day,nakilala niya kung sino ang may hawak ng kumpanya... Cyrus...