Chapter 5: Deal

571 22 11
                                    

Chapter 5

"Sa dulo ng daan na 'to naghihintay ang sasakyan ng tauhan ko, kailangan nating makatakbo ng mas mabilis," hinihingal na ani niya,diretso pa rin kami sa pagtakbo. Napanganga na lang ako ng makita kung gaano pa kalayo ang dulo ng daan na tinatakbo namin.

"Mamamatay na ata ako!" Hinihingal na sigaw ko sa kanya. "Pwede naman kasing pumunta na lang dito 'yung kotse ng tauhan mo, tinatamad ba mag drive?" Inis na ani ko.

"Hindi pwede,basta hindi pwede," napahinga na lang ako ng malalim.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagtakbo ay napaluhod na ako sa daan. Hahatakin pa sana ako ni Cyrus patayo, pero ng makita niya ang itsura ko ay natigilan siya.

"A-anong nangyayari sa'yo?" Nagugulat ani niya habang tinatapik tapik ang mukha ko. Lumuhod din siya sa harap ko para makita ang itsura ko.

"Ikaw lang ata ang papatay sa 'kin, eh," paghahabol ko ng hininga. Nagmamadaling kinuha ko ang inhaler ko sa bag at agad na ginamit 'yon.

"Bakit kasi 'di mo agad sa 'kin sinabi?" Pag-iling pa niya bago ako tingnan ng nag-aalala. "Naalala ko na naman tuloy 'yung kapatid kong may hika," nag-iwas siya ng tingin.

Mabilis na napabaling kaming dalawa ng tingin sa likod ng may marinig kaming mga tumatakbo. "Tara," inalalayan niya 'kong tumayo. Nagtaka ako ng bigla niyang ibaba ng bahagya ang likod niya."Sumakay ka na kung ayaw mong mapahamak tayong dalawa," wala na akong nagawa kung 'di ang sumakay sa likod niya. Mabilis naman siyang nagsimula na tumakbo.

Ano naman kaya ang naisipan nitong lalaki na 'to at bigla na lang akong inangkas sa likod niya? Baka ginayuma siya ni Alain? O baka naman naaawa lang siya sa 'kin kaya wala na siyang nagawa kung 'di ang isakay ako sa likod niya? Bahala na, basta ako 'di na napapagod.

At sa wakas! After ten years nakarating na rin kami sa tapat ng sasakyan ng tauhan niya."Bilis!" Nagmamadali kaming lahat na sumakay, para bang kasosyo na rin ako sa misyon na ewan ko kung ano, wala rin akong naiintindihan.

"Yes,boss," mahinang ani ng isa sa harap pero narinig ko. May pa-boss-boss pang nalalaman, mokong nga lang ang tawag ko diyan.

Naging tahimik ang lahat sa buong byahe, kahit ako naman ay hindi na kumikibo kahit 'di ko na alam kung saan kami papunta. Baka mamaya ang mabaril pa 'ko rito kapag nagreklamo ako, mapapaaga ako sa langit no'n.

"Nasa'n naman tayo?" Naggagala na paninging tanong ko.

"At my house," simpleng sagot niya bago na naman ako hatakin papasok sa loob. Nanlalaki pa ang bibig na tiningnan ko ang loob ng bahay niya,oo,bahay lang niya. Ang gamit ay kumikinang na sa mata ko. Kung sa amin ay simpleng upuan na di-kahoy, sa kanya naman ang mukhang ginto ang upuan.

"Yaman," naibulong ko,ang paningin ay nasa paligid pa rin. Mayamaya lang ay tumama ako sa isang matigas na bagay, napangiwi ako ng makitang dibdib pala ni Cyrus ang tinamaan ko.

"Go to the kitchen,drink some water," tumango ako bago nagmamadaling sumunod. Nakakatakot talaga siya kapag seryoso, parang mangangain ng tao kung umasta. "May kapatid kasi akong may hika..." nagulat pa ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, sinundan pala ako ng mokong."...Dahil bata pa kami no'n, itinago ko 'yung inhaler niya. Kakahabol niya sa 'kin, naubusan siya ng hininga. At dahil nga sa bata pa ako no'n, 'di ko alam na para pala do'n ang inhaler. Kaya natatakot na ako ulit na sumama sa may mga hika,nadala na ako," pagkukwento niya. Nakakatuwa naman, pinagkakatiwalaan niya pa ako sa mga ganitong bagay.

"Hindi mo kasalanan 'yon, bata ka pa lang no'n, eh." Pagpapalakas loob ko sa kanya.

"Ano man ang sabihin mo,sisisihin at sisisihin ko pa rin ang sarili ko," pagtatapos nito sa usapan bago ako abutan ng baso. "Natakot ako kanina sa'yo, akala ko kasi ay mauulit na naman 'yong nangyari na 'yon. I'm just scared that I might kill you too, I'm just scared, and I'm sorry about last time," sinseryo na ani nito.

All Out Of Love Where stories live. Discover now