Chapter 27: Truth

600 19 0
                                    

Chapter 27

Tahimik na kami na kumakain ngayon. Umalis si Cyrus kasama ang anak ko. Hindi namin magawa na makakibo ni Alain, pareho kaming nanginginig sa kaba.

"Hindi naman niya siguro itatakas ang anak ko, hano?" Kabado na tanong ko bago sumubo ng fries.

"He will never do that." Agad na iling niya. Napapabuntong hininga na nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.

Hindi pa rin tuloy ako mapakali habang nasa bahay. Itinext na kasi ni Alain na nakauwi na kami, sinabi na rin niya kay Cyrus kung saan kami nakatira.

Madilim na ngayon, pare-pareho kaming naghihintay nila mama sa pagdating nila. Si Denlee naman ay tulog na sa kwarto, pagod galing sa school.

Sabay kaming napatayo ni mama matapos makatinig ng tunog ng sasakyan. Nauna akong lumabas, at tama nga ako na sila na iyon. Bumaba si Cyrus kasama ni Windson. Pumunta muna sila sa backseat at kinuha ang maraming paper bag do'n.

"Cyrus!" Hindi makapaniwala na ani ni mama. Alam din naman ni mama na hindi ko pa sinasabi kay Cyrus na siya ang ama ng anak ko. Wala pa akong balak, lalo na at hindi pa maganda ang daan namin para sa isa't isa.

"Binilhan ko siya ng mga laruan." Lumapit sa akin si Cyrus at inabot ang mga paper bag. Tuwang-tuwang itinaas ni Windson ang dalawa niyang kamay, nagpapabuhat sa akin.

"S-salamat," tumango lamang siya sa akin.

"Hello po, tita." Magalang ito na nagmano kay mama.

"Pumasok ka, hijo. Bakha mangawit ka kay Windson, may kabigatan pa naman ang bata na 'yan." Nauna pa sila na pumasok.

Napapabuntong hininga na pumasok na lang din ako at ibinaba sa kwarto ang mga laruan.

"Kumain ka na, hijo?" Rinig kong pagkausap ni mama kay Cyrus.

"Hindi pa ho,"

Napalabas lang ako sa kwarto ng marinig ang iyak ni Windson. Inabutan ko pa si Cyrus na pinapatahan ang bata.

"Akin na si Windson," ibinigay naman niya sa akin kaagad 'yon. Muli akong pumasok para mapa-dede ang bata.

"What are you doing?" Nagulat pa ako nang bigla ay pumasok si Cyrus.

"I'm... I am trying to remove my bra, para mapa-dede ko siya." Napapalunok na ani ko. "Do'n ka na, magpapadede ak-" Mabilis akong nahinto sa pagsasalita matapos maramdaman ang kamay niya sa likod ko at walang alinlangan na tinanggal ang pagkakahook ng bra ko!

"You should tell me..." Mabilis na hinanap ni Windson ang dibdib ko at dumede ro'n. "I know, Linne..." Bigla ay seryosong pagsasalita niya.

"Na ano?" Mahina na tanong ko. Mukhang nakakatulog na rin ang bata sa bisig ko.

"That he is my son... I saw the pregnancy test inside the CR." Gulat ko siyang binalingan ng tingin.

"You fucking what?!"

"I know that he is my son..." Malungkot na ani niya. Biglang nawala ang nakakatakot niya na itsura. Biglang nagbago ang emosyon niya, emosyon na hindi mo na maipaliwanag. "Nakita ko 'yung pregnancy test do'n sa bowl... Tangina, Linne!" Napapasapo sa mukhang yumuko siya.

"C-Cyrus..."

Sa lahat nang panahon, alam niya na nabuntis niya ako? Alam niyang may anak siya sa akin? Kung gano'n, bakit ngayon lang siya nagpakita? Hindi ba at nangako siya na babalik siya sa akin? Pero bakit no'ng bumalik siya, iba na ang pakikitungo niya? Bakit hindi na katulad ng dati? Eh, alam naman pala niya na buntis ako... Na may anak siya sa akin?

"Kaya huwag mo sa aking itago ang bata na 'yan, dahil alam mo na may sarili akong daan." Nanghihina ko na ibinaba si Windson sa kama at hinayaan na matulog doon ang bata.

"Nasaan ka sa dalawang taon?" Nakaangat ang kilay na sabi ko. "Cyrus, alam mo naman na ibinalik namin ang ibinigay mo na pera. Ibinalik namin pati ang bahay na binili namin gamit ang pera na 'yon... Alam mo rin na mahirap lang kami. Alam mo rin na nag-iisa lang ako... Nag-iisa lang ako habang dala ko ang bata na 'to." Naiiyak kong sabi. "Sa dalawang taon na 'yon, hinihintay kita. Lagi kitang ikinu-kwento kay Windson kahit na wala pa siyang naiintindihan." Napapatayong hinawakan niya ang kamay ko.

"Hinanap kita... Katulad nang pangako ko sa 'yo, hahanapin kita." Hinawakan ng magkabilang kamay niya ang mukha ko, kasabay no'n ay ang pagpunas niya ng luha sa pisngi ko.

"Pero bakit... bakit no'ng naghahanap ako ng trabaho, masama ang ugali mo?" Natatawang niyakap niya ako.

"Ayokong magkaroon ka ng trabaho, dahil kaya ko kayo na buhayin. Binili ko pa nga ang kumpanya na pinagtatrabahuhan mo, dahil 'yon din ang unang araw na nalaman ko na roon ka nagtatrabaho..."

"Unang araw?" Nakangiti siyang tumango. "Ibig sabihin-"

"No'n lang kita nahanap..." Naiiyak akong napayakap sa kanya. "Halos dalawang taon akong nasa ibang bansa dahil kila mommy... Nagawa ko na ang lahat ng pagmamakaawa na alam ko, and finally tanggap na nila tayo." Gulat akong napabitaw sa kanya.

"Totoo?!" Naisigaw ko. Napatakip tuloy ako kaagad sa bibig ko.

"Silly... Ako pa ba?" Mayabang na ani niya. "But, I am sorry... Wala ako sa tabi mo no'ng nagbuntis ka, wala ako sa tabi mo nang manganak ka... Galit ka ba sa 'kin dahil do'n?" Mabilis akong umiling.

"Pinanghawakan ko ang pangako mo sa 'kin... Hindi ko kayang magalit, dahil iniintindi kita... Naghintay ako ng may pasensya," umiiling ko siyang nginitian. "Hindi ko kaya na magalit sa 'yo." Nangingiti na niyakap niya akong muli.

"Bati na sila!" Gulat kaming napalingon sa pinto. Nandoon na pala ang buong pamilya ko! Ni hindi man lang namin naramdaman 'yon ni Cyrus!

Sa huli ay nagtawanan na lang kaming lahat.

Masaya kaming nagsalo-salo, kahit si Denlee na nagising ni mama ay nakikain na rin nang hapunan.

"May balita ka kay Aeya?" Tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa kwarto, nakapagitna sa amin ang natutulog pa rin na si Windson.

"Wala... Hindi ko naman na siya dapat na hanapan ng source." Irap niya na siyang ikinatawa ko. "So... Gusto mo sumama sa akin?" Tanong niya.

"Saan?"

"Sa dati natin na bahay." Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo ba ibinenta 'yon?" Umiling naman siya kaagad.

"Kahit 'yung kotse kung saan kita-"

"Bastos!" Mabilis ko siyang hinampas sa braso, napangiwi tuloy siya.

"Kung saan kita isinasakay dati!" Depensa naman niya. Napapairap na tinalikuran ko siya. "Hey-"

"Inaantok na 'ko, Cyrus!" Sigaw ko sa kanya, narinig ko pa ang mahihinang tawa nito.

"Good night, then."

All Out Of Love Where stories live. Discover now