Chapter 8: Dampi

448 18 17
                                    

Chapter 8

"Linne, nandiya'n na sa sala si Cyrus!" Pahiyaw na panggigising sa 'kin ni mama. Nai-lock ko pala ang pinto, nakalimutan ko. Pero agad akong napabangon ng may maalala.

Paano niya nalaman 'yong bago naming bahay?!

"I'm coming! Ay hindi! Mga 30 minutes, gagayak ako!" Sigaw ko bago aligaga na humanap ng damit na isusuot. Sa sobrang pagmamadali, simpleng dress na lang ang isinuot ko, ng magmukha naman akong tao. Kulay blue na maxi dress na galing kay Alain, regalo niya sa 'kin no'ng matagal na panahon na. Isinuot ko na rin ang bagong bigay nitong sandals sa akin, siyempre kay Alain pa rin. Alain lang malakas, naks!

"Kakain na!" Pasigaw na ani mama. Nagmamadaling kinuha ko ang bag na dadalhin ko at nagmamadali na rin na lumabas ng kwarto. At sa sobrang pagmamadali, natisod pa ako kaya naman nagpagulong gulong ako pababa ng hagdan.

"Okay lang ako!" Sigaw ko kaagad,malamang sa malamang na narinig nila ang malakas na kalabog nang katawan ko. Iika-ika na pumunta ako sa hapagkainan.

Buti na lang hindi nasira sandals ko, kawawa naman siya.

"Make your moves big," bungad ni Cyrus sa 'kin pagpasok ko sa hapag, siya lang ang nandoon.

"M-my boobs? What?!" Gulat na ani ko. Sinabi ba niyang palakihin ko dede ko? Naliliitan ba siya. Kunot noo na dinukot ko ang dede ko at pinakiramdaman kung maliit nga 'yon, pero hindi naman dahil may nararamdaman ako.

"Moves, I said make you moves big, your so kupad," nanlalaki ang mata na natakpan ko ang gawing dibdib ko at masama siyang tiningnan. Nakangiwing bumaling na lang siya ng tingin sa kinakain niya at nagpatuloy ng kumain.

Napapahiya tuloy na naupo ako sa harap niya. "Paano mo nalaman bahay namin?" Napapalunok na tanong ko bago kumuha ng sarili kong pagkain. Nakalimutan ko tuloy na ngayon nga pala kami bibilu ng singsing. Sana tunay ang bilhin niya, para kapag tapos na 'yung pagpapanggap namin pwede ko na isanla.

"I have my own ways," napangiwi ako. Oo nga pala, makapngyarihan nga pala siya. Bakit nga hindi? Binigyan lang naman niya ako ng 10 million pesos para sa trabaho ko ngayon na magpanggap bilang mapapangasawa niya. "What time is it?"

"Bumili ka ng relo," pabulong ani ko.

"I'm asking you: what time is it right now?" Napanguso ako.

"Ewan ko, wala akong relo," napaangat ang tingin ko ng may ituro siya, isang wall clock. "'Edi ikaw tumingin," singhal ko bago kumain ng tuluyan. Gusto kong timawa ng malakas nang marinig ko ang mahina nitong pagmumura. Namnamin mo ang higanti ng isang api, loko ka!

"We're going, thank you for the breakfast," pormal na pasasalamat ni Cyrus bago kami umalis. Binigyan lang ako ni mama ng magandang ngiti bago kami lumarga, ngiting mapang-inis kumbaga.

At syempre, pagkarating sa pinuntahan naming mall--ay hindi, isang sobrang laki at sobrang susyal na mall ay nanliit kaagad ako. Napatingin ako sa simpleng dress na suot ko, parang hindi ako bagay dito.

"I know what your thinking," napanguso ako. Pero agad na nawala 'yon ng bigla niya akong hiltakin palapit sa kanya. "Mukha ka na namang basahan," mahinang ani nito.

"'Edi sana kanina mo pa sinabi, nakapagpalit man lang ako ng mas maganda dito," muli akong napatingin sa soot ko, nanliliit na ngayon sa kayabangan niya. Buti pa siya lahat ng soot niya ay may tatak, halatang sobrang yaman at angat na angat ang pamilya.

"I'll buy you a new one dress, let's go," at hinatak na lang niya ako sa kung saan. Ang suot kong sandals ay maingay sa sahig, kaya naman todo ingat ako sa paglalakad para tumahimik ang lakad ko. Basta ang nararamdaman ko lang sa ngayon ay hiya.

All Out Of Love Where stories live. Discover now