Chapter 28: Friends Again

548 18 0
                                    

Chapter 28

Kinabukasan lang ay ipinalipat kaagad ni Cyrus ang gamit namin ni Windson para maidala sa dati namin na bahay. Tuwang-tuwa naman sila mama sa nangyayari. Dahil finally daw, babalik na ulit ako sa pagiging masiyahin. Totoo rin naman kasi na naging malungkutin ako simula nang mawala sa akin si Cyrus.

At walang akong pinagsisihan na muli kaming magkasama. Wala akong dapat na ikagalit, lalo na ngayon na inamin na niya ang lahat. Wala siyang sinekreto, wala siyang ginawang kasinungalingan. Sa eda kong 'to, alam ko na kung sino ang dapat na paniwalaan.

"Nilalagnat pa rin si Windson," namom-roblema na ani ko at muling kinumutan ang anak namin.

"Dalhin na kaya natin sa hospital?" Nag-aalala na lapit sa akin ni Cyrus at hinawakan ako sa balikat.

"Mahihirapan ang anak natin do'n. Ayaw niya sa karayom." Agad kong iling. Tumayo ako at kinuha sa side table ang palanggana na may tubig at bimpo. Muli kong inilagay sa noo ni Windson ang bimpo.

"Ala una na nang madaling araw, matulog ka muna." Alo ni Cyrus sa akin na mabilis kong inilingan. Hindi ko kayang matulog ng ganito ang lagay ng anak namin. Mas pipiliin kong magpakagising. "Come here," naupo si Cyrus sa tabi ni Windson na natutulog. Sumandal siya sa headboard ng kama at inaya ako sa tabi niya. Pagod naman akong sumunod sa gusto niya. "You need to rest..." Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"But Windson is sick... I can't sleep even if I want to sleep." I reasoned out.

"Just close your eyes. Ako na ang bahala, subukan mo na matulog." Pinaglaruan pa niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko alam kung papaano ako na nakatulog, dahil nang magmulat ako ay maliwanag na. Mapungay ang mga mata na bumangon ako. Paglingon ko sa kanan ay ang pagbungad sa akin ng mag-ama ko na parehong tulog.

Hinipo ko ang noo ni Windson, buti ngayon at sinat na lang, malaki ang ibinaba ng temperatura niya.

Bumaba na muna ako para makapagluto. Nagluto ako ng nilaga para makakain ng mainit na sabaw si Windson. Mayamaya lang ay narinig ko na ang hakbang nang dalawa.

"Good morning, love." Inaantok na hinalikan ako ni Cyrus sa noo, yumakap pa sandali ang kanan na kamay nito sa akin, ang kaliwa niya ay buhat ang anak namin na mukhang masigla na.

"Good morning, Anak." Nakangiting pumalakpak ito bago itinaas ang dalawang kamay. Natatawa na inagaw ko naman siya kay Cyrus.

"Hindi mo ako binati ng good morning," nagtatampo ang tinig ni Cyrus ng banggitin iyon.

"Sorry, Love. Good morning," katulad niya ay hahalik sana ako sa noo niya nang mabilis nitong hinalikan ang labi ko. Mabilis naman na napa-aray si Cyrus ng sampalin siya sa mukha ni Windson.

"Hey, son! Stop doing that!" Saway sa kanya ng ama. Natatawang napailing na lamang ako sa kanila.

Muli ko na lamang na ibinigay sa kanya ang bata para makapaghain na ako sa hapag. "Halina kayo rito sa lamesa, kumain na tayo nang umagahan." Aya ko. Masungit na mukha ang bumungad sa akin pagpasok ng dalawa, pareho nang wala sa mood.

"P-pa!"

"Don't talk to me, son. You just slapped me second ago." Kung makapagsalita si Cyrus ay tila ba nakakaintindi na si Windson. Pareho talaga silang wala sa mood.

"Tumigil ka na nga, Cyrus. Hindi pa nakakaintindi ang bata." Mahinahon na bawal ko rito.

"I see..." Nanliliit ang mga matang tiningnan ni Cyrus ang anak namin na ngayon ay inosente naman na nakatingin sa kanya. "What? Now, you look like you are not the suspect." Natatawang pumalakpak naman ang bata. "Tsk!"

"I told you, Cyrus... Kumain na nga tayo, mamaya na 'yang away niyo at nagugutom na 'ko." Nakanguso na ikinuha ni Cyrus nang pagkain si Windson kahit mukhang hindi pa rin sila bati.

Napapairap naman na kumuha na lang ako nang sa akin at kumain na lang din kaagad.

Pagkakain ay bumalik na ang dalawa sa kwarto at paliliguan daw niya ang anak namin. Ako naman ay nilinis muna ang mga pinagkainan bago sumunod sa taas.

"Bakit nakagayak kayo?" Takhang tanong ko pagkapasok. Terno pa sila ng polo at jeans. Tuloy ay lalo silang naging magkamukha.

"We want to go to Alain. I just... you know, talk to him." Ibinaba ni Cyrus si Windson sa baba kaya naglakad-lakad pa ang bata.

"Biglaan ata?" Mabilis siya na umiling.

"Matagal ko na ring napag-isipan na kausapin siya... Matagal din ang mga pinagsamahan namin, sa tingin ko naman ay magkakaayos pa rin kami." Napapabuntong hininga na ani niya. Ako naman ay napapangiti siyang hinawakan sa magkabila nitong kamay.

"Talaga? Patatawarin mo na siya?! As in?!" Hindi ko na mapigilan pa ang mangiti nang todo.

Napapangiwi niya akong tiningnan. "You look so excited. Do you like him?" Mabilis akong napanguso.

Seloso!

"Hindi ba pwede na natutuwa lang dahil magiging magkaibigan na ulit kayo?!" Napapapalatok niya na binitawan ang dalawa kong kamay.

"As far as I know, may gusto sa 'yo ang lalaki na 'yon?" Masungit na tanong niya.

"Oh, alam ko rin 'yan! Umamin siya sa akin!"

"Mama," sabay kaming napalingon ni Cyrus kay Windson. Humawak pa ito sa suot kong p-jama. "No away." Bulol ba sabi niya. "No,"

"Hindi kami anak nag-aaway ni papa," agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. "Sasama ako, Cyrus. Hintayin niyo ako."

Ilang taon na ang nakakalipas matapos umamin sa akin ni Alain na may gusto siya sa akin, at malinaw na malinaw pa rin iyon sa isip ko kung ano ang mga sinabi niya.

Siguro nga minsan ay hindi natin mapipigilan na mahulog sa isang kaibigan. Kaya kailangan mo na maging maingat, kung ayaw mo na masira ang relasyon na matagal niyo ng inaalagaan at iniingatan.

"Where is Alain?" Tanong ko sa guard pagkarating namin kila Alain.

"Nasa loob po siya. Pasok po kayo." Pareho kaming tumango ni Cyrus bago pumasok.

Tahimik ang bahay ng makarating kami sa loob. Aircon lang ang gumagawa nang ingay.

"Alain?" May kalakasan ko na tawag dito.

"Coming!" Ang tinig niya ay nagmumula sa loob ng C.R. Mayamaya nga lang ay bumaba na ito. Nagulat pa siya matapos makita si Cyrus. "What are you all doing here?" Naggala pa sandali ang paningin nito bago muling ibinaling sa akin ang tingin.

"Talk to him." Turo ko kay Cyrus.

"About wha-"

"Napatawad na kita. 'Yun lang ang sasabihin ko." Hindi makapaniwala kong tiningnan si Cyrus.

Ano 'to?! Wala man lang talaga na pasakalye?! Direct to the point talaga?!

"T-talaga?" Kanda-utal na paninigurado ni Alain. Nangingiti pa ang loko.

"Kung ayaw mo okay lang di-"

"Thank you, bro! I miss you! I love you!" Nandidiri na naitulak ni Cyrus si Alain ng bigla itong yunakap sa kanya.

"Welcome! Damn you, Alain! Ginawa mong palaman si Windson!" Natatawang napailing na lang ako sa kanila.

"Sorry, I just missed you, man. You should say I love you too-"

"Fuck you and your ass."

Mabilis kong tinampal ang braso ni Cyrus. Masyado siyang makapagmura!

"Pak... yu! Pakyu!" Tumatawang sabi ni Windson at pumalakpak. Natatakot na napatingin sa akin ang dalawa.

"Cyrus!!"

All Out Of Love Where stories live. Discover now