Chapter 29
3 years later
"Did I make you tired that much?" Napapapikit na tanong nito sa akin habang iika-ika akong maglakad.
"Ano ba sa tingin mo?" Napapairap na tanong ko bago naupo sa harap ng hapagkainan.
"Good morning everyone," pagbati ni Windson bago naupo sa tabi ko. "What's with your room last night, mom? May maingay," reklamo niya pa. Sabay kaming napaubo ni Cyrus, at dahil sa kumakain siya ay lumabas pa ang ilang kanin do'n.
"What kind of maingay?" Tanong ni Cyrus bago uminom ng tubig dahil sa pagkakasamid.
"Maingay na kama, dad," napakagat ako sa labi bago tingnan ng masama si Cyrus na kaharap ko.
"Naghahampasan lang kami ng mommy mo kagabi ng unan," pagngisi ni Cyrus bago humarap sa akin, nakangisi pa rin.
"Okay," pagtango ni Windson bago nagpatuloy sa pagkain.
Gumayak na ako matapos makakita ng damit na pamasok. "Lunch," inabot sa akin ni Cyrus pagbaba ko ang isang lunch box. "And don't eat with your fucking boss," pagbabawal niya.
"I will, love," pagtango ko bago siya halikan sa labi. Nakahanap na kasi ako ng kumpanya na pwede kong pagtrabahuhan. Hindi pa ako pinayagan ni Cyrus no'ng una, pero pumayag na rin pagdating sa huli.
"Good," humalik din siya sa akin pabalik.
"Where's my lunch box, dad?" Tanong ni Windson na kakalabas lang sa kwarto niya. Inaayos pa nito ang uniform niyang gulo-gulo pa.
"There, get it by your self." Pagsusungit ni Cyrus.
"Tsk!"
"Gagayak lang ako sandali. Ihahatid ko na kayong dalawa bago ako magpunta sa company." Madaliang umakyat si Cyrus sa kwarto naming dalawa at gumayak na.
Sa dumaan na tatlong taon na 'to, naikasal na kaming dalawa. 2years na no'ng nakasal kami. At nakakatuwang natuto na kaming mamuhay ng kaming tatlo lang. Nasanay kami ng kami lang ang nandito.
Ito na nga siguro ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko: Ang makasal sa taong mahal ko at ang magkaanak na masungit pa sa akin.
"Let's go," wala pa sa sampung minuto ay nakagayak na si Cyrus. "Love, did you sign already the papers that I give to you?" Mabilis akong tumango bago sumabay sa paglalakad niya at sumakay na sa kotse.
"Last night pa," naupo ako sa passenger seat habang si Windson naman ay sa likod.
"Take care, my son," agad na tumango si Windson bago bumaba ng kotse at dumiretso na sa school niya. "Huwag ka ng pumasok," kagabi pa niya ako kinukulit tungkol sa trabaho ko.
"Love, hindi pwede. I have so many papers that I need to finish," pag-iling ko. Napapanguso na pinaandar na lang nito ang kotse at ihatid ako sa kumpanya na pinagta-trabahuhan ko.
"I'll kick your boss kapag nalaman kong hinawakan ka niya," banta nito. Inihatid pa niya ako hanggang sa loob ng opisina ko.
Lalaki kasi ang boss ko. May itsura rin. Kaya naman itong si Cyrus ay naiinis kapag nalalaman niyang lumalapit pa 'yon sa akin.
"Hindi naman maiiwasan na hindi mahawakan," pagnguso ko sa kanya bago ako naupo sa swivel chair.
"Just don't." Pagtatapos nito sa usapan. Humalik lang siya sandali sa akin at umalis na rin para puntahan ang kumpanya namin. Katulad nga ng sabi nang mga magulang niya. Nakuha na nito ang lahat ng kumpanya at mana niya, kaya naman gano'n na lang siya ka-busy. Tuwing umaga na lang niya kami naihahatid at hindi na nasusundo dahil madaling araw na siya kung makauwi.
YOU ARE READING
All Out Of Love
RomanceLinne Velasco, who want to help her family. Kahit hindi nakapagtapos sa pag-aaral, nagsikap pa rin siya. Marami kaagad nangyari pagkarating pa lang niya sa Viglianco Company. And that day,nakilala niya kung sino ang may hawak ng kumpanya... Cyrus...