Chapter 11
"What a nice show," mabilis na napabitaw si Alain sa halik, sabay kaming napatingin na dalawa sa pinto. Nakabungad ang Aeya sa harap namin. "I thought you have a boyfriend and that's my fucking ex, but wow!" Napapalunok na napatingin ako kay Alain, nakayuko lang siya ng makita ko.
"It's all my fault, I'm sorry," ani Alain bago tumingin sa akin, nanghihingi ng tawad.
"Alain..."
"H-hindi ko lang talaga napigilan 'yong sarili ko, pasensya na," yukong-yuko at talagang hiyang-hiya nang ani ni Alain.
"What a damn reason," pagsasalita ni Aeya na siyang nagpalingon sa amin ni Alain sa kanya. "Pasalamat kayo at may mga pinagsamahan tayo, mananatili akong tahimik," kasunod no'n ay ang pagtalikod niya at padabog pang isinara ang pinto.
"H-hindi ko alam na pupunta siya ngayon dito," napayuko na lang ako sa sinabi niya bago tumayo at dumiretso sa C.R.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot. May nakakita, at si Aeya 'yon na siyang naging malapit pa kay Cyrus. Hindi ko rin naman masisisi si Alain, hindi rin naman ako tumanggi sa halik niya, pero hindi ako gumanti ng halik na kagaya ng ginagawa niya.
"Sorry, Linne," bungad ni Alain pagkalabas ko ng C.R.
"Okay lang, Alain," pagngiti ko bago imisin ang gamit na dala ko papunta rito. "Sa amin na lang muna siguro ako matutulog," nakayuko na siya ng maharap ko.
"Sorry, Linne," sinseryo na sinseryong ani niya, hindi na makatingin sa mata ko na siya namang nakatingin sa kanya.
"Okay lang,Alain," lumapit ako rito at tinapik siya sa balikat. "Magkita na lang ulit tayo bukas,"
"Ihahatid na kita,"
"Hindi na, ayos lang," ngumiti ako bago naunang lumabas sa kwarto niya at nagdire-diretso. Nadaanan ko naman ang pamilya ni Alain kaya nagpaalam na ako, nagtataka pa sila kung bakit daw uuwi na ako, nagsabi na lang ako ng kung anu-anong dahilan para hindi makahalata.
Alam kong nagawa ni Alain 'yon hindi dahil sa gusto niya lang, alam kong may nararamdaman siya para sa 'kin. Ano 'yon, hahalikan niya 'ko kasi gusto niya? Hindi gano'n si Alain, dahil lahat ng ginagawa niya ay alam at bukas sa loob niya.
Pauwi ay mas pinili ko na lang na mag jeep, tapos nagmotor papasok dito sa lugar namin. Hindi naman gano'n kamahal ang nagastos ko. Pero buti na lang talaga at marami pang tao akong nakalasabay, hindi na masyadong nakakatakot.
"Ate!" Napatalon pa si denlee mula sa pagkakaupo sa sofa ng makita ko. Madilim na kasi sa loob bahay, bak patulog na sila. "Ginulat mo 'ko, ate! Akala ko multo!" Napapairap na naupo ako sa tabi niya.
"Gano'n na lang ba ang itsura ko at pagkamalan mo akong multo?" Napapapikit na ani ko.
"Galing ka sa dilim,ate!Kaya akala ko multo," pagnguso pa nitong kapatid ko.
Duh! Hindi ngunit galing sa dilim ay multo na,pwede namang ghost. Magkamukha ba 'yon? Hala, hindi ata.
Malaunan ay umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko. Pak! May pa kwarto na ang lola niyo! Well, ako lang 'to.
"Hays!" Pabagsak na nahiga ako sa kama at tumunganga agad sa kisame. Gano'n na lang ang naging kaba ko kanina.
Paano kung kinabukasan kumalat 'yon? Paano kung kinuhanan pala kami ni Aeya ng litrato at ikalat, dahilan din 'yon para masira ang pangalan ko at ang pangalan ni Alain.
YOU ARE READING
All Out Of Love
RomanceLinne Velasco, who want to help her family. Kahit hindi nakapagtapos sa pag-aaral, nagsikap pa rin siya. Marami kaagad nangyari pagkarating pa lang niya sa Viglianco Company. And that day,nakilala niya kung sino ang may hawak ng kumpanya... Cyrus...