Chapter 24: Paglalayo

528 13 0
                                    

Chapter 24

"Kailangan ko 'to, 'tsaka ito," natatarantang pumasok sa loob ng kwarto si Cyrus at hindi alam kung ano ang dapat kuhanin. Habang ako ay nakatingin lang sa ginagawa niya, hindi natutuwa.

Talaga isinama pa niya akong magpunta rito sa bahay niya,dahil kukuhanin daw niya ang mga gamit na dadalhin niya sa bahay namin. Ibebenta na daw niya 'to at sa amin titira, at hindi ko gusto ang gusto niya.

"Tigilan mo na 'yan, Cyrus," mahinang sabi ko. Pero para bang wala siyang narinig dahil patuloy pa rin ito sa paghalungkat ng mga gamit niya, ang iba ay nagkakalaglagan pa.

"Yes, kailangan ko ng pera. Laptop tapos 'yung mga papeles ko. Dito lang nakalagay 'yon, 'tsaka ito pa." Gano'n na lang siya kabingi para hindi ako intindihin. Alam kong hindi niya ako pakikinggan, lalo na't pinapatigil ko siya sa ginagawa niya.

"Tigilan mo na sabi 'yan," naiinis ng sabi ko bago siya padabog na iharap sa akin.

"Hindi ko pa nakukuha 'yong iba kong damit at tsaka 'yong titulo. Kailangan ko 'yong hanapi--"

"Cyrus, tigilan mo na 'yang nga putanginang ginagawa mo na 'yan!" Sigaw ko, dahilan para lumandas ang gulat sa kanyang mukha.

"Kailangan kong gawin 'to, kaya pabayaan mo 'ko--"

"Cyrus, hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ko?! Putangina, Cyrus! Kahit anong gawin mo, aalis at aalis ka rin naman at susunduin ng pamilya mo!" Napapabuntong hininga siyang umiling at muli na namang naghalungkat ng kung ano-ano. Napapasabunot sa buhok na ibinalibag ko ang bag na pinaglalagyan niya ng mga gamit, nakabasag pa ako sa tinamaan no'n.

"Linne..."

"'Di ba ang sabi ko sa 'yo sumunod ka na lang sa gusto ng nga magulang mo. Kasi Cyrus, habang nagtatagal ka sa paningin ko lalo lang akong nasasaktan." Gano'n na lang ang naging pagpipigil ko para hindi lumakas ang iyak. "Mawawala ka rin sa paningin ko...At alam mo rin na mangyayari 'yon," lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Gagawa ako ng paraan, okay? Hanggat hindi naaayos 'to, hindi ako titigil. Dito lang ako sa tabi mo, aalagaan kita hanggang sa magsawa ka sa ugali ko." Matapos no'n ay inayos niya ulit ang nakahulog na bag at muli na namang naghalungkat. Napapasabunot na lang sa buhok na umiyak ako sa isang sulok, dahilan para matigilan siya. "Linne--"

"Please, Cyrus. Pumunta ka muna sa pamilya mo. At ipapangako ko sa 'yo na kapag naayos na ang problema na 'to, babalik at babalik ako sa 'yo..." Babalik kami ng anak mo sa 'yo.

"P-pero... "

"Sige na, Cyrus. Basta ipangako mo sa akin na kahit magkalayo tayo, gagawa ka pa rin ng paraan. Ipapangako ko rin sa 'yo na gagawa ako ng paraan, dahil alam kong magkikita pa rin tayo pagkatapos nito." Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nitong nakayukom at nanginginig sa higpit no'n. "Gusto kita, gustong gusto kita." Nakangiting hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, naging malungkot ang ngiti ko ng tumulo ang luha niya pababa sa kamay kong 'yon.

"Ayoko," nakakagat labing iling niya bago lumayo sa akin. "Hindi ako lalayo sa 'yo," sunod-sunod ang naging pag-iling niya habang lumalayo sa akin.

Cyrus...

"Dito lang ako sa tabi mo, ayaw o gusto mo man. Ayokong lumayo sa 'yo, ayoko." Nagdadabog na binuksan niya ang cabinet at naghalungkat ng mga damit. Napapaiyak na pinanood ko na lang siya, wala akong magawa. Hindi ko alam kung papaano ko siyang pipigilan.

Natapos siyang magligpit ng gamit nang hindi ako kumikibo. Nananatili lang akong nakatingin sa kanya at sinusuyod ang bawat ginagawa niya.

"Lock all the doors for me," itos nito sa mga katulong niya, hindi na sila makatingin kay Cyrus sa paggiging seryoso nito.

All Out Of Love Where stories live. Discover now