Chapter 22: Litrato

497 11 0
                                    

Chapter 22

"Why're you crying?" Bungad ni Cyrus pagkabukas niya ng pinto sa kwarto ko. "Hey, don't cry. If you don't stop crying, I'll cry too," pananakot pa niya bago naupo sa tabi ko. Nandito kasi ako sa gilid ng kama ko, nakaupo sa isang sulok at dinidibdib ang lahat ng ginawa ni Alain.

Matapos sa 'kin na humingi ng tawad ni Alain kahapon, umalis na siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang nararamdaman ko kapag nakita ko ulit siya. 'Di ko alam kung magagalit ba ako o pipilitin na isiping walang nangyari.

"Waah!" Pag-iyak kong muli bago yumakap sa dalawa kong tuhod at doon umiyak nang umiyak.

"Hey, stop crying," pagyakap sa akin ni Cyrus mula sa likod ko. Lalo lang akong napaiyak sa ginawa niya, kaya naman agad itong lumayo. "I'll kiss you na lang para huminto ka na sa cry," iniangat nito ang ulo ko para maabot niya ang labi ko. Napagtagumpayan niya 'yon.

"Kasi naman,eh!" Umiiyak na lumapit ako sa kanya at yumakap habang nakasalampak pa rin sa sahig.

"Don't cry,okay?" Hinampas ko ang likod niya dahilan para marinig ko ang mahinang reklamo nito. "Are you mad at me or what?"

"Inis at you," kinagat ko pa ang balikat niya.

"Ouch! Hey!" Masama na ang tingin niya sa akin pagkakawala ko sa yakap. Pero agad na nawala 'yon ng tumayo at nagdire-diretso ako sa C.R. "Sabi ko kasi sa 'yo kumain ka kagabi." sermon niya habang hinihimas ang likod ko. Nakaramdam kasi ako na parang maduduwal.

"Wala nga kasi akong gana kagabi," reklamo ko naman bago lumabas ng C.R. at naupo na sa dulo ng kama.

"Pupunta pa tayo sa company, kaya halika na, kumain na tayo." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inakay na pababa sa kusina.

"Ikaw ang magluluto ng breakfast?" Tanong ko bago, mabilis siyang tumango. Nakangiting inalalayan ako nito sa high chair bago siya kumuha ng gagamitin sa pagluluto.

"Nagulat ka ba sa ginawa ko kahapon?" Tanong niya habang naghihiwa ng baboy.

"Oo naman. Akala ko nga papatayin mo na si Alain, eh." Nakangusong sabi ko pa.

"Ang totoo niyan, matagal ko na silang iniutos sa mga tauhan ko na bantayan ang bawat kilos nilang magkapatid. Dahil do'n, nalaman kong niloloko nila tayong pareho," nalulungkot akong tumango.

"Matagal kaming magkaibigan ni Alain. 'Di talaga ako makapaniwala na magagawa niya 'yon," malungkot na ani ko. Napaangat naman ang tingin ko kay Cyrus ng haplusin niya ang buhok ko.

"Kami rin, kaya gano'n na lang ang naging galit ko sa kanya kahapon," lumayo na ito sa akin para makabalik na ulit sa paghihiwa at pagluluto. "No'ng mga binata pa kami, madalas rin kaming mag-away dahil sa babae. Ang pinakamalala do'n ay ang tungkol kay Aeya. Ang lalaki na tinutukoy ko ro'n ay si Alain, si Alain ang naging lalaki niya sa panahon na kami ang magkasama." Bumuntong hininga ito, pero patuloy pa rin sa ginagawa.

'Yon pala ang binabanggit niya sa akin no'n. Na kaya daw sila naghiwalay ni Aeya ay dahil nanlalaki ito, at hindi ko naman aakalaing si Alain 'yon.

"Pero matapos naming maghiwalay ni Aeya, naging maayos na ulit kami ni Alain. Hindi gano'n kadali, pero nagawa naming dalawa," ngumiti muli siya sa akin bago ako abutan ng tubig.

"Marami pala kayong pinagdaanan,"

"Hanggang sa kasalukuyan," bumuntong hininga ito bago na magluto ng tuluyan. Nanahimik naman na ako at nakangiti na lang siyang tinitigan habang nagpuluto siya.

All Out Of Love Where stories live. Discover now