Alain's PoV
Being with you is a nice and a happy day. Gusto kong magpasalamat sa'yo for being with me everytime na umiyak ako sa isang maliit na bagay. Nandiyan ka para yakapin at alagaan ako sa oras na bumabagsak ang katawan ko.
Gusto kong iahon ang lahat ng nararamdaman ko at ipakita kung gaano kalalim ang huhukayin ko. Gusto kong makita mo kung gaano kalalim 'yon,na ang lalim na 'yon ay hindi ko pinagsisihan.
"Ah, Alain?" Napalingon agad ako kay Linne ng tawagin ako. Her smile, ayan na naman ang ngiti niyang hinihilo ako.
"Yes?" I asked.
"Invitation for you. Sa Sunday na 'yan." Napatingin ako sa iniabot niya sa akin invitation.
"Congrats, ikakasal ka na." Nakangiting sabi ko bago siya yakapin.
"Thank you, Alain. Sana makapunta ka," agad akong tumango.
"Hi, Windson!" Ngumiti naman siya sa akin at kumaway rin, nasa likod ni Linne at may ginagawa na hindi ko malaman kung ano.
"Sige, muuna na kami. Marami pa 'to, eh." Yumakap muli siya sa akin bago sumakay sa kotse ni Cyrus. Napabuntong hininga ako ng makaalis na sila sa bahay.
Invitation for wedding
Ikakasal na siya. Gano'n na lang siguro ng pagtibok ng puso ko sa tuwing maiisip na ikakasal na siya.
Ang tagal kong kumukuha ng tiyempo na umamin sa kanya, at hindi ko aakalaing iba ang tiyempo na nagawa ko. Hinalikan ko siya, hinalikan ko siya na siyang dahilan kung bakit lalo pa kaming nagkalayo. Gusto kong magsisi, gusto kong bumalik sa panahon na hindi ko pa siya gusto.
Kung wala ba si Cyrus, pipiliin ba niya 'ko?
Nakangiting pumalakpak ako habang pinapanood na maglakad si Linne papalapit kay Cyrus.
"Let's start the wedding," mabilis na nagsinula ang seremonya. At sa buong panonood ko ay nakangiti ako, walang pinagsisisihan sa lahat ng nakikita ko.
Masaya ako sa gusto niya, masaya ako sa kung ano ang meron siya ngayon...
"I love you, Cyrus. Siguro 'yan na lang ang naririnig mo gabi-gabi sa akin, siguro naman ay nawawala ang pagod mo?" Nakangiting tumango si Cyrus sa kanya. Mabilis na yumuko ako at pinigilan na maluha. "Marami tayong pinagdaanan sa buhay natin, siguro kung bibilangin ay hindi na kakayanin ng mga daliri at utak ko. Gano'n na nga lang siguro ang lahat para marating natin ang paroroonan." Gano'n na lang kaemosyon 'yon habang sinasabi ni Linne ang bawat salita. "I will never let you go ano man ang mangyari. Even if you have so many girls--"
"Wala!" Tanggi agad ni Cyrus, nagtawanan naman ang lahat.
"It's just a joke, tsk!" Napangiti ako. "Everytime na magkaroon ka ng break down, I'm always here to make you smile. Hindi ako magsasawa na patawanin, kulitin at bulyawan sa araw-araw. I love you for who you are. I love you, Cyrus."
"I love you too, woman." Mabilis na hinampad ni Linne ang braso niya dahil sa pagsagot nito. "You're the girl who annoyed me for almost one month. Mag-iingay sa kwarto, guguluhin ako sa trabaho at ipagmamayabang ang sayaw mong uod." Nagtawanan ang nakakarami ng dahil sa sinabi ni Cyrus. "Pero hindi ko alam na do'n pala ako mahuhulog. Na minsan ay hihilingin kong magiba na ang bahay sa ingay mo... pero lalo lang pala akong nahulog. At nagtagumpay ka, nahulog ako." Kumagat pa ito sa labi bago nagpatuloy. "Dumating ang panahon na malapit na ang kasal, pero alam mo naman kung ano ang mga nangyari no'n kaya napaghiwalay tayo. Pero ng dahil din sa paghihirap ko, sa wakas ay nagkita na tayo." Gano'n na lang ang mahinang pagtawa ni Linne habang nakatingin ng diretso sa mata ng kaharap niya. "Don't forget that my love is always at yours. No natter what happened to us, I'll still love you. Thank you, Linne. I love you."
"You may now, kiss the bride."
Gano'n na lang ang pagngiti ko matapos na magpantay ang labi nilang dalawa. Na kung humalik ay para bang wala na bukas.
Mabilis na tumayo ako at nagpunta sa likod ng pinagganapan ng kasal. Do'n lang tumulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
"I'm so happy for you." Naibulong ko na lamang bago ngumiti ng pilit.
I'm your prologue, but Cyrus is your epilogue.
YOU ARE READING
All Out Of Love
RomanceLinne Velasco, who want to help her family. Kahit hindi nakapagtapos sa pag-aaral, nagsikap pa rin siya. Marami kaagad nangyari pagkarating pa lang niya sa Viglianco Company. And that day,nakilala niya kung sino ang may hawak ng kumpanya... Cyrus...