Chapter 12
"Nakakapanibago, napakatahimin mo ngayon," mangha na ani ni Cyrus pagkabalik sa kanila. Kumakain kami ngayon ng hapunan at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang pagdampi ng labi ni Alain sa labi ko. "Hey!" Sa sobrang gulat ko ay nailaglag ko ang platong kinakainan ko, nabalik tuloy ako sa ulirat.
Mabilis na bumaba ko sa bangko at pinulot ang mga bubog kahit na alam kong may mga katulong naman siya dito.
"Are you crazy? Masusugatan ka diya'n--"
"Oo! Dumudugo na nga 'yung paa ko, eh, huwag ka ng magulo!" Angil ko at inis na pinulot ang nakakalat na bubog.
"Tigilan mo na!" Sigaw niya pabalik.
"Bakit ba?!" Sigaw ko rin. Ang mga katulong niya ay hindi na makapasok sa dining area, mga nanonood na lang at hindi na nakialam pa.
"Tigilan mo na sabi!" Nabigla ako ng bigla niyang higitin ang mga hawak kong bubog at ihagis sa kung saan. "Tigilan mo na, okay?" Napakapit ako sa batok niya ng bigla niya akong buhatin at dalhin sa sala. "Kung nagagalit ka sa 'kin,balibagin mo 'ko," ibinaba niya ako sa mahabang sofa. Iniluhod niya ang isa niyang tuhod at kinuha ang kanang paa ko na nalagyan ng bubog.
"Naiinis lang ako," pag-iiwas ko ng tingin sa kanya.
"Bakit?" Nag-utos pa siya sa mga katulong na mag dala ng first aid.
"Ang hirap mong kausap. Ang dami ko na ngang problema, niyayabangan mo pa 'ko," rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"What a baby,"
"What?!"
"Nothing," agad na sagot niya bago balingan ng tingin ang bubog na nakabaon sa paa ko. At simula rin ng dumating siya sa buhay ko, puro sakit na lang ang nararamdaman ko. May minsang itulak na niya ako ng sadya, may minsan naman na gamit ang masasakit na salita. Gano'n na nga lang siya siguro kamanhid sa mundo.
Dagdag pa sa isipin ko 'tong si Alain. Alam kong gusto niya ako dahil sa ginawa niya at hindi ko alam kung papaanong suklian 'yon. Nabigla ako sa inasal niya, pero wala akong nagawa kung 'di ang hayaan siya.
Isa pa rin 'tong si Aeya. Nakita niya ang lahat no'ng gabing halikan ako ni Alain. Problema ko rin kung kinuhanan ba niya kami ng litrato o hinayaan niya lang. May kung anong kaba ang nararamdaman ko do'n. Alam ko naman na hindi pa namin kilala ang isa't isa, hindi ko rin alam kung kati-katiwala ba siya. Kung sa itsura lang ay hindi ko masabi, minsan ang kasinungalingan lang ang nasa mukha.
Nawala lang ang tanong sa isip ko ng maramdamang tanggalin ni Cyrus ang bubog sa paa ko. "Sa susunod na umapak ka ng bubog, lakihan mo na para 'di ka na makalakad,"
"Tingnan mo! Nang-iinis ka na naman, eh!" Sigaw ko sa kanya.
"Okay, I'm sorry," kinagat pa niya ang pang-ibabang labi bago linisin ng tuluyan ang sugat ko.
Nakailang sigaw pa ako sa pagrereklamo bago niya matapos ang ginagawa niya. Gusto ko pa siyang palakpakan dahil parang sanay na sanay siya sa ginagawa. Ang ganda pa ng pagkakalagay niya ng benda sa paa ko.
"Kaya mo bang lumakad?" Tanong niya pagkatapos maghugas ng kamay. Grabe, hindi niya talaga pinandirihan 'yong paa at dugo ko?
"Bakit naman hindi?"
"Kung hindi kasi dadalhan na lang kita ng kumot tsaka unan, ang bigat mo kasing buhatin," inirapan ko siya. "I'm just joking," lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay.
YOU ARE READING
All Out Of Love
RomansaLinne Velasco, who want to help her family. Kahit hindi nakapagtapos sa pag-aaral, nagsikap pa rin siya. Marami kaagad nangyari pagkarating pa lang niya sa Viglianco Company. And that day,nakilala niya kung sino ang may hawak ng kumpanya... Cyrus...