Chapter 15: Dukot

432 15 18
                                    

Chapter 15

"Bakit gano'n? Simula no'ng umamin ako sa 'yo, nahihiya na ako sa harap mo," natatawa at may pagkailang na ani ni Alain habang nakatingin kaming dalawa sa papalubog ng araw sa dagat.

Sa halos dalawang linggo na dumaan ay ngayon lang ulit ako inaya ni Alain na lumabas. Kamakailan lang din naman daw kasi no'ng gumaling ang sugat niya sa dibdib.

"Alain, sino ang gumawa sa 'yo niyan?" Wala sa sariling tanong ko at tumingin sa kanya, tinuturo ang dibdib niya.

"Hindi ko kilala, pero halatang sinusundan niya 'ko... at kilala," napapailing na sni nito bago muling tumingin sa sunset, gano'n na lang din ang ginawa ko.

"Nakakapagtaka na wala kang alam sa nangyari no'ng isang linggo," mahinang bigkas ko bago tuluyang titigan ang araw na siyang unti-unti ng nawawala at napapalitan na ng dilim sa paligid.

Napakagandang paligid. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatitig ng ganito katagal sa araw na papalubog. Napakagandang titigan. Sa ngayon ay pagkamangha na lang siguro ang nalalaman ko.

"Gusto kong kalimutan 'yong pag-amin ko sa 'yo," mayamaya ay ani nito, ang paningin namin ay parehas na nasa malawak na dagat.

"Ayos lang 'yon, Alain," ani ko. Pumikit ako at inalals kung papaano siyang umamin sa akin. Alam kong nasaktan siya no'ng tumalikod ako. Alam na niya ang ibig kong sabihin no'n, matalino siya.

"Siguro nililito ka ng damdamin mo dahil nandiya'n si Cyrus," napatingin ako sa malungkot niyang mga mata, pero ang paningin ay nasa araw. "Kung wala ba si Cyrus, may pag-asa ba 'ko sa 'yo?" At noon lang niya ako hinarap pagkasabi ng katagang na 'yon. "Kung wala ba si Cyrus, gugustuhin mo rin ba ako katulad ng pagkagusto ko sa 'yo?" Namula ang mata niya, senyales na namumuo ang luha doon.

"Alain..."

"Sa tagal nating magkasama, hindi ko akalain na darating ang puntong ganito na magkakagusto ako... sa 'yo. At kung kailan huli na, tsaka pa lang ako umamin. Nagsisi ako, sana pala ay inagahan ko na para sana sa akin ka," gano'n na lang ang pagkadesperado niya masabi lang ang linya na 'yon. "Gano'n na nga lang siguro kalalim ang nararamdaman ko para masabi ko 'to sa 'yo," natatawang ani nito, pero halata ang lungkot sa tinig niya.

"Natatakot lang ako, Alain. Matagal na tayong magkaibigan, parehas na alam natin ang mga gusto at nagpapasaya sa 'tin..." Huminga ako ng malalim bago punasan ang luha sa pisngi niya. "...Pero hindi tayo parehas ng nararamdaman," napayuko ito bago tumango-tango.

"Alam ko," pagtango pa niya bago na punasan ang sarili niyang luha. "Tara na nga, baka mapagalitan ka ni Cyrus," pag-aaya na niya bago tumayo. Inilahad naman niya sa akin ang kamay niya kaya agad kong inabot 'yon, tinutulungan akong tumayo.

No'ng pauwi ay napakatahimik namin sa loob ng kotse, tanging ang cellphone lang niya na naka-connect sa kotse ang namamayaning ingay sa gitna namin na dalawa. Nakakapanibago tuloy, miski ako ay nalulungkot. Kung dati ay kapag may ganitong lakad, napakaingay namin at talagang halos maibangga na ang kotse sa sobrang gulo. Pero ang nangyayari ngayon, halos marinig mo na ang kuliglig sa paligid.

"Thank you,Alain.Nag-enjoy ako sa libot natin," pagngiti ko ng pagbuksan ako nito nang pinto.

"You're welcome, I'll chat you na lang or message you if may pupuntahan ulit," ani nito at ngumiti rin pabalik. "'Yong sinabi ko kanina, kalimutan mo na lang 'yon. Okay?" Nag-aalangan man ay tumango na lang ako. Hindi ko gugustuhing kalimutan 'yon, at lalo ng hindi ko makakalimutan 'yon. Gano'n na nga lang siguro kalalim ang tama no'n sa akin dahilan para mahirapan kong malimutan.

All Out Of Love Where stories live. Discover now