Prologue

1.7K 32 8
                                        

Prologue
Linne's PoV

Ang mga pagtipa sa gitara.Ang mababagal na tono na siyang nakapagpapapikit sa aking mga mata.Ang sarap pakinggan, ang sarap pagmasdan ng iyong mga palad na nakadikit sa gitara.

Malayo ako rito, nakatanaw sa isang makisig na lalaki. Ang magagandang hugis ng ilong at mata, ang mapula at magandang labi nito ang siyang kaysasarap pagmasdan.

Paano at saan nga ba natin nasimulan ang lahat? Sa pamamagitan nga ba ng ano at ng saan?

Nakangiti ako habang kaharap mo,umaasang ako pa rin ang pipiliin niyang puso mo. Hinihiling kong sana, mapangiti mo pa rin ako sa simpleng salita mo kapag napagod na ako.

Malaya at masaya nating napapanood ang isa't isa mula sa magkabilang mundo, sa maliit na telepono ay napapangiti mo ako.

Nais kong ibigay ang ibig sabihin ng pagmamahal,pero para ba'ng hindi pa ako nagsasalita ay nararamdaman mo na.

Gusto kong malaman ang tibok ng puso mo,para naman malaman ko kung ako nga ba ang tinitibok nito.Hindi ko ninais na magkagusto sa isang tulad mo,pero para akong sinungaling at mas sinungaling pa sa sinungaling na tao.

Nagmamahal at nagmamahalan tayo,nais kong ito ay pakaingatan mo hanggang sa dulo.

Dahil sa simula pa lang, iba na ang nararamdaman ko para sa'yo...

All Out Of Love Where stories live. Discover now