Chapter 18: Laro

417 12 0
                                    

Chapter 18

"Umuwi na tayo? I have to do something rin kasi sa bahay," inayos ko na ang libro ng sabihin niya 'yon.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya,agad naman siyang tumingin sa wrist watch.

"8 pm,"

"Sa bahay na ako didiretso, balak ko talagang umuwi ngayon sa bahay," paalam ko bago ayusin ang mga librong nagamit at ibalik sa kaninang pinaglagyan. "Maaga naman akong uuwi bukas, 'di ba may plano tayo nila Aeya na maglibot?" Saad ko pa at ngumiti sa kanya, umiwas naman siya ng tingin.

"Yeah, kung gusto mo susunduin na lang kita sa inyo bukas," tumango na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan.

"Una na 'ko,"

"Hindi ka na magpapahatid?" Tanong nito habang kinukuha ang gamit niya.

"'Di na, kaya ko naman na mamasaheros mag-isa," pagngiti kong muli bago na maunang lumabas sa kanya.

"Ate!" Masayang bungad sa akin ni Denlee pagkauwi sa bahay, natatawang niyakap ko naman siya. "Ma! Pa! Nandito si ate!"Pagsigaw pa niya sa buong bahay.

"Anak!" Masayang bungad ni mama at niyakap ako.

"Namiss kita, ma, pa." Ngumiti naman sa akin si papa at niyakap rin ako katulad ni mama.

"Kumain ka na bang bata ka? Gabi na, ngayon mo pa naisipan na umuwi," panenermon ni mama bago ako ipaghain ng pagkain sa dining area, sumunod naman ako do'n kaagad.

"Wala, ma. Namiss ko lang talag kayo rito kaya ako umuwi," pagsasabi ko ng totoo. Kasama na rin talaga sa pag-uwi ko ay ang dahilan na maiwasan si Cyrus.

"Ate, ano nga ulit ang buong pangalan ni kuya Alain?" Curious na tanong ni Denlee.

"Bakit mo naman natanong?"

"Curious lang ako ate sa family niya at tsaka sa kanya," at muli ko na namang naalala ang nangyari no'ng nakaraan. 'Yong pagdukot kay Cyrus, 'yong pagbantaan ako at 'yong halos putukan na ako ng baril sa ulo. Lahat ng 'yon ay hindi ko sinasabi sa pamilya ko, alam kong kapag sinabi ko ay paghihiwalayin kami ni Cyrus sa pamamagitan ni mama.

"Kei Alain G. Tartal," napangiti naman sa akin si Denlee bago nagtatatakbong umakyat.

"Bumili kami ng kotse nang tatay mo," nanlalaki ang mata na napatingin ako kay mama. "Balak rin namin na bumili ng panibagong lupa, magtatayo kami ng business," nagagalak na napayakap ako kay mama, dahilan para matawa ito sa inasta ko.

"Ang talino mo talaga, ma!"

"Oo, tapos hindi mo namana," napapanguso na napabitaw ako sa yakap. "Kumusta naman kayo ni Cyrus sa kanila?" Tanong niya at pinanood akong maupo at kumain.

"Okay lang po, katulad lang ng dati."

Sinabi ko kay mama na bukas ay maglilibot kami nila Alain, Cyrus at Aeya. 'Di ko lang alam kung sino pa ang ibang kasama, basta inaya lang ako ni Alain. Hindi rin naman ako interesado sa ibang kasama.

"'Nak, nandito na si Cyrus sa baba," pagkatok ni mama sa pinto.

"Bababa na rin po ako, ma," mabilis na kinuha ko na ang iba kong gamit at bumaba na rin.

Pagkababa ay inabutan ko ng kumakain si Cyrus sa dining area, tuyo pa ang ulam 'tsaka itlog. "Magandang umaga," bati ko bago naupo sa harap niya.

"Good morning," pagbati rin niya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Napatingin ako sa plato niya na maraming tuyo, tuyo na ubos na at tinik na lang ang natitira. Sabagay, nabanggit nga pala sa akin ni Alain na kumakain daw ng tuyo si Cyrus, pero once in a blue moon.

All Out Of Love Where stories live. Discover now