[28] What

630 7 3
                                    

-What-

[DJ]

Haaaay. Hindi ako makatulog. Gabing gabi na, buti walang pasok bukas. Pero, gusto ko nang matulog. Lalong lalaki eyebags ko eh.

Alam ko na. Iinom ako ng gatas. (Bakit di ko agad naisip yun?)

Bumaba na ako at nagsalin ng gatas sa baso ko. Lumabas ako para mahanginan naman ako.

Ang ganda ng mga bituin. Pero mas maganda si Ella ko. Siguro mas maganda yung view kung wala sa city. Poluted kasi dito eh. Tapos kasama ko pa si Ella... nako. Kikiligin ako sa mga iniisip ko eh. Haha.

Neh?! Lumiliwanag nanaman. Wag mong sabihin na may bagong dating na anghel. At papunta pa dito yung liwanag. So ano itong lugar namin, landing?

This time, nagtago ako sa likod ng isang puno habang pinapanood yung liwanag. At pagbagsak dito, isang lalaking nakaputi ang nakita ko. Uy, may itsura, pero mas gwapo naman ako.

"Ella!" Nulong na sigaw ng lalaki. Aba't- anong kailangan niya sa Ella ko?

"Ella!" Ulit niya. Maya maya ay nakita kong dumating si Ella.

"PJ!" Sabi ni Ella at niyakap yung lalaki na PJ daw. Sus. Mas gwapo ako dun. At bakit niya yun niyayakap?! Kabwiset.

"Musta na?" Excited na sabi ni Ella ko. Edi sila na. Pareho silang anghel eh. Magsama kayo, bwiset.

"Sandali lang ako dito. May message lang ako para sayo." Sagot ng PJ. Aba, gusto ko yun. Di daw siya magtatagal. Sige, alis na.

"Ano yun? Tungkol ba sa mission?" Anong mission yun? Bakit di ko alam??

"Oo eh. Magsisimula na. Eto pala yung listahan." May inabot yung PJ kay Ella na parang scroll. Alam niyo yung sa mga lumang panahon? Ganoon. "Isa palang yung nakalagay diyan. Pag natapos mo yung isa, saka lalabas yung kasunod." Ay parang sa video game lang? Haha.

"Salamat. Ay, diba pag nagawa ko itong lahat..." hindi tinapos ni Ella yung sasabihin niya.

"Oo naman." Sabi ng PJ. "Sige alis na ako. Goodluck." Nagliwanag yung PJ at nawala na ng tuluyan.

"Kakayanin ko ito." Sabi nj Ella at bumalik sa bahay.

Ano dawwwwww??

Ay mali... dapat pala...

Ano raaaaaaaaaaaaaaaaaaw?

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon