[10] Sorry

1.3K 32 24
                                    

-Sorry-

[DJ]

Balak ko isurprise si Ella tapos magsosorry na ako.

Hanggang hindi ako pinapatawad ni Ella hindi ako titigil.

--

Hindi parin kami gumagala hanggang ngayon dahil sa kadahilanan na masama pa rin ang loob sakin ng mga babae. Sila Neil at EJ naman, nakausap ko na rin at ok na ulit kami.

"Kiray, Yen, Julia," Tawag ko sa tatlong babae na nasa harap ko at naka-cross pa yung mga braso at mataray na nakatingin sakin. Well, except kay Julia na pamatay ang tingin sakin.

"Ano?" Tanong ni Kiray na halatang minsan lang magtaray.

"Sorry na. Hindi ko naman gusto kampihan yung Bianca na yun eh." Sabi ko sa kanila.

"DJ, hindi ka naman samin dapat magsorry eh." Sabi ni Yen.

Natawa si Julia ng sarcastic. "As if naman na papatawarin ka ni Ella."

Humarap si Kiray kay Julia na parang may naisip siya. "Actually, malaki yung possibility na patawarin niya si DJ. Sobrang bait ni Ella eh."

Sumimangot si Julia at hindi siya maka-kontra sa sinabi ni Kiray. Tinignan niya ako ng masama. "Hindi kita papalapitin kay Ella kung walang kwenta ang sorry mo." Sabi niya sakin.

Nginitian ko siya. "Wag ka mag-alala, wala akong balak na magsorry ng hindi seryoso at walang effort."

--

At eto, ang ginawa namin buong maghapon ay magayos para sa surprise. May isa samin na dapat ieentertain si Ella sa kwarto niya para di makahalata na may mangyayari. Lahat sila palit palit except ako. Galit nga sakin diba.

Nandito ako sa likod ni Ella. Ng umalis sila Julia saka ako lumapit.

"Anong meron dito?" Tanong ni Ella.

Tumalikod sya at nakita ako.

"DJ. Anong ginagawa mo dito?"

"May sasabihin sana ako." Kinakabahan ako. Parang magtatapat lang ng feelings eh. Pero hindi pa ngayon.

"Ano yun?" Eto na. Magtatapat na ako. Joke.

Pero imbis na sumagot ako tinuro ko yung langit.

Tumingala sya. At sakto nagputukan yung fireworks.

" Ang ganda." Narinig kong sabi nya. Pero hindi pa tapos yung fireworks. Sunod sunod yung putok at ng nasa langit na may nakasulat...

I'M SORRY ELLA. PLEASE FORGIVE ME.

"Dj." Bulong ni Ella. Paglingon ko nakita ko na umiiyak sya.

Hala. Ano na gagawin ko. Galit parin sya hanggang ngayon? Hindi nya nagustuhan? Pangit ba? Maganda naman para sakin ah. Sabi ni Julia papatawarin naman siguro ako ni Ella. Pero bakit parang ayaw-

Naputol yung iniisip ko ng yakapin ako ni Ella. At kasabay noon nawala lahat ng kaba ko. Parang walang problema sa mundo.

"Bakit? Galit ka parin ba?"

"Galit? Hindi naman ako galit eh. Wala ka namang kasalanan." Ella.

"Eh bakit umiiyak ka?"

"Sinong di iiyak?" Pangit nga.

"Sorry kung pangit ah. Hindi ko alam na hindi mo magugustuhan-" Pinutol nya ako.

"Anong hindi ko gusto? Gustong gusto ko nga eh. Sobrang ganda."

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon