[3] Angel

1.6K 31 4
                                    

-Angel-

[DJ]

"and she is an angel."

Silence. Hindi ko tuloy alam kung ano yung iniisip nila. Natatakot? Natutuwa? Tulala?

Matapos ang matagal na katahimikan. "Pffft.... Bwahahaha!" What the?

"Ang lakas ng trip mo DJ! Hahaha!" Tawa ni Julia at halos matumba na sa kakatawa.

"Ano to gantihan? Inasar ka namin na nanay ka, kaya ngayon lolokohin mo kami? Hahaha!!" Pinalo pa ni Neil yung lamesa sa sobrang tawa.

Sa gwapo kong to sinungaling ako?! Grabe naman, mukha ba akong manloloko? Ang sakit nun ah. Haha.

Tawa parin sila ng tawa hanggang sa nawala na ung tawa nila. Siguro napansin nila na seryoso kami ni Ella.

"Seryoso ako guys." Yun nalang nasabi ko.

"Uhh... seryoso? Baka nagjojoke ka eh?" Tinaasan ako ng kilay ni Kiray.

"Diba sinabi ko na sa inyo kagabi na hindi siya normal?" Sabi ko.

"Ahhh... So hindi ka pala nangloloko nun?" Medyo sarcastic yung pagkasabi ni Diego na ewan. Panigurado duda pa rin yun na hindi ako nangloloko.

"Nope." Umiling ako.

"Siguraduhin mong hindi mo kami niloloko DJ ah. Kung hindi malalagot ka sakin." Pinakita pa sakin ni Julia yung kamao niya. Tsk. Kahit kelan may pagka matapang si Julia.

"Walang halong biro." Deretcho ko silang tinignan sa mata. Syempre isa isa, hindi naman pwedeng sabay sabay ko sila tinignan sa mata diba? Hahahaha.

"Teka... Pano naman yun mangyayari? Angel si Ella tapos nandito siya sa earth?" Parang studyante pa sa classroom na nagtaas ng kamay si Yen bago magsalita.

"Di ko rin alam." Nagkinit balikat lang ako.

"Uhhm... excuse me" Napatingin kami kay Ella, "Alam ko mahirap maniwala pero angel  talaga ako. And actually may hula ako kung bakit ako nandito sa earth."

Nacurious tuloy ako. Pabitin pa si Ella eh.

"Ano yun?" Kita? Pati si Neil nabibitin.

"Alam niyo kasi noong nasa langit pa ako parang may kulang sakin. Sabi nila kapag nasa langit ka pakiramdam mo kumpleto ka- na lahat ng kailangan mo nandoon. Oo, nandoon lahat ng kailangan ko, wala akong problema, pero sa tuwing nakikita ko yung mga tao dito sa lupa, naiinggit ako. Alam ko masama mainggit pero di ko maiiwasan yun eh.

Araw araw hinihiling ko na kahit minsan maranasan ko yung nararanasan niyo. Yung sakit para malaman mo kung ano ang kaginhawaan. Yung paghihirap para maranasan ang tagumpay. At ung iba pang pakiramdam na pagkatapos noon... masasabi mo na kung hindi dahil doon hindi mo mararamdaman yung sarap ng buhay."

Nganga kami doon. Grabe din pala magisip 'tong babaeng to.

*clap clap clap*

"Idol kita Ella. Ang lupit mo!" Sabi ni Niel habang pumapalakpak pa rin.

"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga Neil.."

Pano nya nalaman pangalan ni Neil?

"Kilala mo si Neil?" Sa tono ni Yen parang nagseselos siya. Ayaw man niya ipahalata pero dahil kilalang kilala ko si Yen, napansin ko agad na pinagdududahan niya si Ella.

"Kilala ko kayo lahat. Lagi ko kayo binabantayan sa langit eh. Nakakatuwa kasi kayo kasi parang ang sarap nyo kasi kasama. Yung tipo na kahit wala ang mga magulang niyo na busy sa trabaho nakakangiti parin kayo. Saka ung mga kulitan niyo nakakatawa at nakakatuwa." Ngumiti si Ella ng sobrang lapad.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon