[26]

813 8 3
                                    

Ako ang pinaka-walang kwentang tao sa mundo.

Kahit ako naiinis sa sarili ko. Bakit ba ang tanga ko? Palagi ko nalang sinasaktan si Ella. Lahat ng gawin ko mali. Ako ang mali. Bakit ko ba inakala na si Kath si Ella? Oo, magkamukha sila. Nagulo yung utak ko, pero bakit pati puso ko? Ang masama pa, bakit ganoon ang pakiramdam ko kay Kath ng mga panahon na iyon? Nababaliw na ako.

Ella, alam ko sinaktan kita. Siguro ngayon ayaw mo na akong makita. Sigurado, kinamumuhian mo na ako. Pero please, hayaan mo ako magpaliwanag. Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, dahil alam ko na-

"Ano ng plano mo?" Bigla akong napatingin sa nagsalita.

"Hindi ko alam Julia. Siguro lalayo nalang ako. Yun naman ang gugustuhin ni Ella eh." Sabi ko habang nakatungo. Hindi ako iiyak. Hindi. Pero mag tumulo na tradydor na luha. Agad ko ito pinunasan.

"Ganun ganon nalang yun? Hindi ka magpapaliwanag? Hindi mo ba siya mahal?" Tanong sakin ni Julia.

"Mahal na mahal ko siya! Pero sinaktan ko lang siya. Mas gusto kong ako nalang ang masaktan sa paglayo kesa siya ang masasaktan." Napap-iling ako. Hindi ko kayang isipin na malayo kay Ella. Pero ito ang makabubuti.

"Bulag ka ba DJ?! Nasasaktan si Ella, pero mas masasaktan siya kung lalayo ka!" Ang gulo ni Julia. Hindi ba matutuwa si Ella na wala na ako? Na wala ng mananakit sa kanya?

"Anong masasaktan? Kinamumuhian niya na ako. Ayaw na niya akong makita!" Ang sakit na ng pakiramdam ko.

"Hindi ko alam kung bulag ka o sadyang tanga ka eh. Mahal ka din ni Ella!" A-ano?

"Wag mo akong pinagloloko, Julia. Ayoko umasa. Saka nasaktan ko siya, mamahalin ba niya ako kung sinasaktan ko siya?" Pinipigilan ko umasa. Pero itong puso ko, naniniwala, na mahal ako ni Ella. Pero... ayoko siyang saktan ulit.

"Ano ba yan?!" Ginulo ni Julia yung buhok niya. "Nakaka-stress ka! Sa tingin mo ba masasaktan si Ella ng ganoon kung wala siyang nararamdaman para sayo?! Diba hindi?! Kaya makinig ka sakin..." hinawakan niya yung mga balikat ko at tinignan ako sa mata at dahan dahang sinabi... "MAHAL KA NI ELLA."

Napatayo ako mula sa swing. "Seryoso ka?" Tanong ko.

Napa-hampas si Julia sa noo niya. "Oo. Kaya kumilos ka na."

Tinignan ko yung suot ko. Inayos ko yung t-shirt ko. Yung walking shorts. Tinanggal ko yung sintas ng sapatos ko at sinintas ulit. Ginulo ko yung buhok ko at inayos ulit. Tapos sunod-

"Wag ka ngang mataranta! Puntahan mo na si Ella!" Tinulak ako ni Julia.

"Oo. Si Ella. Sige." Tumakbo ako papuntang kanan. Tapos sa kaliwa. Saan ba yung daan?

"Sa kanan, DJ." Sabi ni Julia. Oo tama sa kanan ang daan.

"Salamat." Sigaw ko at narinig kong tumawa si Julia.

.

.

.

.

.

Sana hindi pa huli ang lahat.

------------------------------------------------------------

Alam ko walang kwenta!! Sorry na.

On the bright side... MAHAL NI ELLA SI DJ...?

Basahin niyo po ito please... importante.

>>> nagiisip ako gumawa ng revised version nito. Pansin niyo ba wala masyadong spark yung DaniElla? Kaya yun. Parang ibang libro siya, with the same plot at events, pero more details saka mas maraming scenes. Tanong... bakit hindi ko nalang ito i-edit? Kung i-e-edit ko ito, mawawala yung original version. Saka mahihirapan ako mag-edit. Basta yun.

So itutuloy ko ba? Gagawa ako ng revised version?

PS: kung itutuloy ko yun, at gagawa ako ng revised... iba yung title ng book. So suggestion, kung agree ka, okay?

PPS: kung talagang binasa mo itong author's note mababasa mo itong clue sa paparating na twist na makakapagpabago sa lahat. *chos* eto na... Lost and Found Items: would you keep it; or return it? *chos ulit* haha. Ang arte lang ng clue eh. So yeah. Hulaan niyo, alright?

Salamat!

Comment kayo kung ano sa tingin niyo ha? Pretty please??

Marianne. xoxo

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon