[4] Dimalanta

1.5K 24 8
                                    

-Dimalanta-

[DJ]

"Guys, alam ko na..." Pasuspense na sabi ko sa kanila.

"Ano??" sabay sabay pa sila ah. Wow lang.

Wait, may naisip ako. Pagtripan ko muna sila. *evil laugh* "Uuuhhhhhmm... Ano... Kasi... Yung naisip ko... ano-" Kinamot ko yung batok ko na parang nagdadalawang isip pa ako.

"ANO NGA KASI? PABITIN PA EH!" Parang bata na sabi ni Kiray.

Mission accomplished pero di ako tumawa kasi baka masapak ako nito eh. Hahahaha.

"Eto na.... Relax... Masyado kang atat eh... Inhale... Exhale... Inhale... Exhale..." Ayun naniwala. Sinunod pa yung sinasabi ko, nag inhale-exhale pa.

"BWISET KA DJ! ITULOY MO NA! MABABATUKAN KITA EHH!" Patay, galit na si Julia.

Pero dahil trip ko manginis, may last one.

"Oo na... Masyado kasi kayong excited eh. Hindi ba kayo marunong maghintay? Di ba pwede habaan ang paensya? Alam nyo hindi maganda ung maikli ang pasensya. Diba sabi nila PATIENCE IS A VIRTUE? Kaya habaan nyo ang patience nyo-"

"ISA PA DJ MASASAPAK NA KITA!" Lumapit sakin si Julia at ready na manapak.

Okay seryoso na. Wait lang.

HAHAHAHAHA! Last na talaga to, promise!

"Ay wait lang guys. Aalis muna ako. Parang gusto ko maligo eh. Tapos punta sa mall. Sama kayo?" Nagready pa ako umalis sa pwesto.

"DJ!" Sabay sabay nilang sigaw sakin. Ang bwiset ko lang no? Hahaha. Sorry naman, gusto ko mang-trip eh.

"Okay. Seryoso na. Neil kamusta na si Tito Nigel?" Si Tito Nigel yung Tito ni Neil na parang barkada na namin. Medyo bata yun, 24 years old lang ata.

"Anong kinalaman nya?" Tanong ni Neil.

"Basta." Sabi ko sa kaniya.

"Okay naman. Nasa bahay namin sya ngayon, nakikigamit ng wifi." Yes. Mukhang gagana yung plano ko.

"DJ ano na yung plano?" Tanong ni Diego na parang nagegets na yung nasa isip ko. Ayos din talaga 'tong bestfriend ko eh.

"Basta. Neil tawagan mo nga si Tito Nigel. Papuntahin mo sya dito." Tinaasan lang ako ni Neil ng kilay. "Dali na. Maganda itong naisip ko."

"Sige. Sandali lang." Kinuha niya yung cellphone niya tapos nagdial na.

"Hello Tito? Pwede ka po ba pumunta dito? Di ko rin po alam eh. Basta po sabi ni DJ. Sige po. Thank you po." Nagpaalam si Neil at binaba na niya yung cellphone niya.

"Ok na. Ngayon sabihin mo na yung plano." Seryoso niyang utos sakin.

"Mamaya na pag dating ni Tito Nigel para isang sabihan nalang." Sabi ko habang nakangiti. Medyo pangasar din ako eh. Hahaha.

After namin kumain nag ligpit na kami. At eto kami ngayon. Naghihintay na dumating si Tito Nigel.

*Ding Dong*

Tumakbo na si Neil at Diego sa labas.

"Oh DJ. Bakit? May problema ba?" Tanong agad ni Tito Nigel pagkakita niya sakin.

"Ah wala po. Kailangan lang po namin ng tulong nyo." Sabi ko sa kaniya at umayos ng upo. Mukhang kakailanganin ko ng lakas ng loob dito.

"Ano ba yun?" Tapos nakita nya si Ella. "Oh, may bago na kayong kabarkada? Ako pala si Nigel. Tito ni Neil. Ikaw?" Tapos inabot nya yung kamay nya para makipag handshake.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon