[22] Evil

859 13 0
                                    

-Evil-

[DJ]

"Ako na magdadala nyan." At kinuha ko yung bag ni Ella.

"Salamat. Kamusta Statistics?" Tanong niya.

"Magulo. Musta Physics?"

"Ang daming kailangan kabisaduhin. Haha. Halika order na tayo." Ay. Nasa cafeteria na pala kami.

"Umupo ka na lang dito. Ako na bibili. Anong gusto mo?"

"Spag nalang. Saka iced tea." Sabi niya at inayos yung mga gamit namin.

"Yun lang?" Paninigurado ko.

"Yup."

"O sige. Dito ka lang ha? Wag kang aalis." Hinalikan ko siya sa noo at tumakbo na palayo.

Nakapila ako ng may kumapit sa braso ko.

"Ella? Anong ginagawa mo? Diba sabi ko dun ka lang sa table?"

"Eh kasi DJ... a-ano..." nauutal niyang sabi. Anong problema?

"Ano?" Nagaalala na ako.

"K-kasi..." Parang may mali eh. Hindi makatingin ng diretso sa mata ko si Ella. Anong problema?!

Tumingin ako sa table at nakita ko si Ella na nakaupo at nagsusulat sa papel. So si Mikay itong kasama ko?

Tinulak ko siya palayo. "Ano ba naman yan Mikay?! Bakit mo ginawa yun?" Medyo sigaw ko.

"Ah. Hehe. Joke lang." At umalis na siya.

"Sir? Anong order niyo?" Tanong ng ale na parang nagpapacute pa.

"Dalawang spaghetti at iced tea. Saka fries and burger."

"Sir, ₱170." Inabot ko naman sakanya yung bayad at bumalik na sa table namin ni Ella.

"Spaghetti and iced tea for the princess." Sabi ko at binigay sakanya yung sakanya. Mamaya na yung fries at burger.

"Haha. Sira ka talaga. Pero salamat." At kumain na kami.

"Alam mo ba kanina, si Mikay nagpanggap na ikaw?" Sabi ko.

"Weh? Talaga? Anong ginawa niya?" Natatawa pa siya.

"Wala naman. Nangtitrip lang siguro. Haha. Baliw yun eh." At nagtawanan kami.

"Sinong baliw?" Inosenteng tanong ni... Mikay?!

Nilapag niya yung tray niya sa tapat namin ni Ella.

"Ah. Wala. Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Makikisabay. Bakit, bawal ba?" Ang sungit naman. Nagtatanong lang eh. -__-

"Hindi naman." Sabi ni Ella. At inirapan lang siya ni Mikay.

"DJ ano palang meron next week?" Tanong ni Ella.

"Next week? Ah. May Annual University Festival. Every last week ng August yun." Sabi ko.

"Ano meron dun?" Tanong ni Ella- este Mikay.

"Mga booths, rides, meron din event. Iba iba yung event every year. This year yata pageant saka battle of the bands."

"Ahh." Sabay na sabi nila. Parang kambal lang sila.

Kumakain kami ng dumaan yung isa kong classmate. "DJ, sabi ni Prof puminta ka daw sa office niya after lunch." Sabi ni Rochelle, yung kaklase ko.

"Bakit? Anong meron?"

"Di sinabi eh. Siguro sa AUF." At paalis na siya ng iharang ni Mikay yung paa niya sa harap ni Rochelle kaya nadapa siya.

*booogssh* Napatingin yung mga tao sa cafeteria sa amin.

"Okay ka lang?" Lumapit si Ella at inalalayan si Rochelle.

"A-ARAY!" At natumba ulit si Rochelle.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung ankle niya. "Masakit ba dito?" Tumango siya. "Baka na-sprain ka. Dadalhin na kita sa clinic." At inakbay ko siya palabas ng cafeteria.

"Pagpasensyahan mo na si Mikay ha? Pasaway lang talaga yun." Sabi ni Ella.

"Okay lang. Kambal ba kayo ni Mikay?"

"Oo, kambal sila kaso magkaiba yung ugali nila." Ako na sumagot. Baka hindi magsinungaling si Ella eh.

"Halata nga eh. Haha." At nagtawanan kami.

Nagkukulitan lang kami sa clinic habang inaasikaso ng nurse yung sprain ni Rochelle. Masaya pala siyang kausap.

Teka...

Parang may nakakalimutan ako...

Aw shit. Pupuntahan ko pa si Prof Gutierrez!

"Ella, Rochelle, una na ako ha? Dadaan pa ako kay Prof eh." Nagpaalam na ako at umalis na.

Tungkol saan naman kaya yun?

------------------

ComVo nalang po. :))

★★★

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon