[14] Date

1.1K 30 9
                                    

-Date-

[Nigel]

Nandito kami sa libing. Iyak ng iyak si Karla. Haaaay. Mamimiss ko din sila. Parang kaibigan ko na sila eh. Kahit makulit sila madalas. Sila yung kasama ko pag walang pwedeng kasama ko. Loner man pakinggan pero ganoon talaga buhay ko.

Nalibing na sila. Sakto nga yung panahon sa nangyari eh. Medyo makulimlim at mahina yung ambon. Kami lang yung nandito na naiwan at sinusubukan kong pakalmahin si Karla. Nagmumukmok talaga siya eh.

Well, hindi ko naman siya masisisi. Kahit naman sino sa posisyon namin siguro ganito ang reaction.

Sila Neil, Yen, Dj, Ella, EJ, Kiray, Diego, Julia... nasa mall. Ililibre yata sila ng ka-basketball ni DJ.

Sino yung mga namatay? Yung alagang mga aso ni Karla. Mahal na mahal nya yung mga yun eh. Wala pa ngang one-year-old sila eh. Namatay na. Nasagasaan kasi habang naglalakad-lakad. Close kami ng mga aso eh. Sakin kasi binibilin ni Karla yung mga aso tuwing may business trip siya. Madalas ko sila nilalaro. Ilang beses na rin ako muntik makagat pero mahal ko yung mga yun. Diba nga man's bestfriend ang mga aso.

~DJ'S POV~

<< Few days ago... <<

Napapikit nalang kaming lahat. At kasabay noon naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng eroplano.

*poke poke*

May nararamdaman akong kumakalabit sa akin. Pagdilat ko nakita ko si Ella.

"Ok ka lang? Umiiyak ka habang tulog ka." Buhay kami? Umiiyak? Tulog? Panaginip lang yun?!

"Kanina pa ba ako tulog?" Natutuwang tanong ko sa kaniya.

"Ha? Oo. May sinasabi ka pero hindi ko maintondihan. Tapos nakita ko umiiyak ka nalang bigla. Ano ba yung panaginip mo?" Yes! Panaginip lang yun. Hindi pa kami mamamatay! ^___^

"Ah. Wala. Wag mo ng intindihin." Tinignan lang nya ko at binigyan ko sya ng reassuring smile kaya umayos na sya ng upo at natulog uli.

Haaaay. Nakakapanghinayang din. Kasi sa panaginip nakaamin ako saka pareho kami ng nararamdaman. Pero sa katotohanan hindi. Haaaay.

>> Present time >>

Nandito kami sa mall. Birthday kasi ng isa kong kaibigan na si Quen. Mas matanda samin si Quen pero hindi namin siya tinatawag na kuya. Ayaw nya kasi ng tinatawag namin siya ng kuya kasi isang taon lang daw yung tanda nya. Kaya parang tropa lang talaga kami. Pero hindi ngayon.

Nakakabadtrip kasi si Quen. Pinopormahan nya si Ella. Akala niya girlfriend ko ng una tapos ng nalaman niya na hindi bigla nalang nagpacute kay Ella. Si Ella naman walang alam sa mundo kaya nauuto ni Quen. Dapat nalang pala sinabi ko na kami.

"Ella gutom ka na ba?" Tanong ni Quen at inakbayan pa si Ella.

Gusto kong sabihin na nandito kami at hindi si Ella lang ang kasama nya pero hindi ko magawa. Kuya ko parin naman sya.

"Hindi pa naman." Tapos nagsmile si Ella kay Quen.

"Sabihin mo kung gutom ka na ha?" Quen.

Naglilibot lang kami habang nagkukulitan sila ng biglang akbayan ni Quen si Ella. Nayukom ko yung mga kamay ko at pinipigilan ko ng mangsapak.

Kuya ko sya. Kuya ko sya. Kuya ko sya.

Paulit ulit ko yang sinasabi sa utak ko.

"Pare relax. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa nangingisay ang kuya mo." Hinawakan ni Diego yung balikat ko.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon