[2] RoboGirl

1.7K 24 5
                                    

-RoboGirl-

[DJ]

Nagising na ko at nagunat, ang hirap kasi ng pwesto ko e. Nandito pala ako nakatulog sa upuan sa tabi ni RoboGirl.

Time check: 3:13 am

Ang aga pa pala. Mga ilang oras pa lang ang tulog ko. Matutulog nalang ulit ako. Kaso pagkatapos ng ilang minuto habang sinusubukan na makatulog hindi na talaga ako makatulog.

Ano bang pwedeng gawin para makatulog? Magbilang ng tupa? Wala naman akong ganun eh. Ay, alam ko na. Sabi nila mag-imagine ka daw ng isang blank nna papel. Susubukan ko yun.

*bzzzzzzzzzt* *bzzzzzzzzzzzt*

Bwiset!

Kung kelan makakatulog ka na biglang namang may nag text! Pinag-titripan ba ako nito? Ayun na eh, mananaginip na ako. Tapos masisira din. nakakainis naman talaga.

Time check: 5:18

Bwiset to! Sino ba ang magtetext ng ganitong oras?!

*View Message*

Bwiset ulit!

Alam nyo kung ano ung nakalagay?

Eto...

From: +639*********

Pssssst. Se Andy to. Papasa lowd. Mey kilangan ako sabehen sau. Impurtanti.

--End--

Sino ang di magagalit? Ikaw ba naman ang magising dahil sa text tapos yung text naman walang kwenta.

Sinusumpa ko lahat ng mga nanloloko tulad nito. Manghihingi ng load tapos kunyare kakilala mo! Ang sarap bigyan ng malutong na batok sa lungs. Tsk.

Pero natawa ako ng konti sa text... Pati ba naman sa text bisaya pa?

Tumayo na ako, nagugutom ako pag naiinis ako e.

Pumunta ako sa kitchen. Magluluto nalang ako ng breakfast naming pito. Ay walo na pala kami kasama si Robot Girl.

Baka nagtatanong kayo, oo, marunong ako magluto. Tinuruan kasi ako ng lola ko dati ng tumatambay ako sa bahay nila.

O diba gwapo na magaling pa magluto! Pwede na akong magasawa. Mas magaling pa ako kela Diego at Neil na walang alam sa pagluluto. Kaya nakakapagtaka kung bakit ako ang walang girlfriend eh.

Matapos ang dalawa at kalahit oras ng pagluluto, natapos na ako.

Matagal ba? Mabilis na yan kumpara sa normal. Ikaw kaya magluto ng parang pang fiesta sa dami ng pagkain.

Hinanda ko na ung mga pagkain sa table. Naglagay na ako ng plato sa bawat pwesto namin. Meron din sa vacant place katabi ng pwesto ko para kay RoboGirl.

Nagtimpla na din ako ng juice para kay Kiray at Julia yung iba naman kape.

Tapos nilagay ko sa serving plate ung FRIED RICE. Oo, capital FRIED RICE sa dami at ung iba pang pagkain tulad ng hotdog, bacon, eggs at ham. Naglagay din ako ng toast sa mga plato.

Para talagang may handaan sa dami ng pagkain. Oh well, ayos lang naman yun eh. Nauubos naman palagi saka dapat talagang kumain ng madami pag umaga diba?

Nilalagay ko na ung huling baso sa lamesa ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

"Goodmorning po Mama DJ. Ang bango naman ng niluto mo." Sabi ni Neil at nagmano sa akin.

*Pok*

Binatukan ko nga siya.

"Loko ka Neil. Sinong Mama DJ? Ha? Baka gusto mong di kita pakainin?" Kunyari galit ako. Lol. Haha.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon