[1] Crash

2.2K 37 6
                                    

-Crash-

[DJ]

SA WAKAS!! Summer na.

Pwede na akong gumala, walang school works at hindi na kailangan maaga gumising. Oh diba? Ang sarap lang ng buhay. Haha.

Kaso medyo boring kasi mag isa ako dito sa bahay. Si Mom and Dad may business trip. Si Diego, yung bestfriend ko, ka-date si Julia yung isa pa sa barkada ko.

Ako nga pala si Daniel John Padilla. DJ for short. Incoming senior palang. Description ko?

Gwapo , Mayaman, Gwapo , Mabait (minsan) ^__^, Gwapo At Gwapo.

Hindi ako mayabang. I'm stating a fact. Haha. Pero seryoso, marami ang nagsasabi na gwapo ako. Edi tanggap naman ako. Kesa naman sabihin kong hindi ako gwapo diba? Magiinarte pa ba ako? Hahaha.

Maka punta na nga lang sa tambayan ng barkada. Masyado na akong napadaldal eh. Sorry naman, madaldal talaga ako lalo na pagkasama ko yung nga kaibigan ko.

Ayun habang naglalakad ako nagisip isip ako. Hindi malalim na pagiisip, kundi mga balak ko lang gawin ngayong walang pasok. Aayain ko yung barkada na gumala ng gumala.

Alam niyo yung bucket list? Gusto ko gumawa nun eh. Kaso di ko alam kung ano ilalagay ko doon. Sa susunod kapag may naisip talaga ako.

Napahinto yung pagiisip ko ng mapansin ko na nasa tambayan na ako.

Bahay ito actually. Katabi lang nito yung park. Pinagawa ng parents naming barkada ito. Hindi sa mayabang pero mayaman kaming barkada. Puro trabaho kasi ang inaatupag ng mga magulang namin.

Back to reality na. Masyado na kasi ako nag-enjoy kausapin kayo.

Pagpasok ko ay dumiretso ako agad sa kwarto ko dito. Nag gitara ako sandali kaso tinamad agad ako. Ang boring kaya mag-gitara kapag wala kang kasama mag jamming diba?

Ma-text nga yung barkada. Parang mga bula kasi na biglang naglaho eh. Iniwan ako na magisa. Porket... tsk.

Ang tagal naman nila bago magreply. Pipikit nga muna ako ng sandali. Nakaka-bore kaya maghintay.

Pag gising ko ang unang pumasok sa isip ko ay ang dilim na sa labas. Ang tagal ko na palang natulog. Gabi na. Panigurado mamaya mahihirapan ako makatulog.

Di pa ako nakakaabot sa first floor ng bahay naririnig ko na yung ingay ng mga kaibigan ko. Akala mo may piesta sa bahay eh.

Si Diego at Neil naglalaro ng PS3, sila Julia at Yen naman nagke-kwentuhan at sila EJ at Kiray nagluluto sa kitchen.

Nakita ako ni Neil, "Uy gising na si Sleeping Beauty este Pogi." Nagtawanan ang barkada kasama ako. Hindi ako pikon eh. Bawal mapikon kapag gwapo eh.

"Pre ako naman lalaban. Palaro." Sabi ko kay Diego at naupo sa tabi nila.

"Ge." Binigay nya sakin yung controller tapos tumabi kay Julia. Haha, kaya naman pala ang bilis pumayag. Na-miss ang girlfriend. Hahaha.

At syempre panalo ako matapos ang ilang laban. Oh well, anong masasabi ko, magaling ako eh. Haha. Seryoso, sobrang dami kong sobrang oras kaya palagi akong naglalaro nito. Walang lovelife eh. Haha.

"Madaya ka pre. Kaya ayaw kitang kalaban eh." Sabi Neil sabay baba ng controller at sumimangot pa. Talaga bang siya ang pinaka-matanda sa amin? Daig pa ang bata eh. Haha.

"Sabihin mo, weak ka lang. Wala kang laban sakin." Nasabi ko bang may pagka mayabang ako? Medyo lang naman.

"Gutom lang ako kaya natalo." Palusot ni Neil. Kunyari pa siya. Ayaw pa kasing aminin na mas magaling ako. Haha.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon