[31] Nerd

388 9 0
                                    

-Nerd-

[DJ]

"Pano na yung sunod na gagawin natin?" Tanong ni Kats pagkauwi na pagkauwi namin ng araw na yun.

Nandito kami ngayon sa barkada house at nakatambay lang. Si Ella nasa taas kasama si Julia at kaming P5 ang nandito sa sala. Nasa sofa nakaupo si Kats, Seth at Lester. Ako nakaupo sa parang rocking chair habang si JC nakaupo sa sahig at nagla-laptop.

"Hulugan nalang natin ng pera sa bahay." Sabi ni Lester at binatukan siya ni Seth.

"Hindi yun pwede." Sabi ko at sumimangot naman si Lester.

"Ang sabi kasi, bawal daw direktang tulungan. Saka hindi dapat malalaman ng tutulungan na may kinalaman tayo." Sabi ni Ella at naupo sa tabi ko. Agad ko naman siyang inakbayan. Haha. Sayang yung pagkakataon eh.

"Eh pano yun?" Tanong ni Lester at tumayo.

"Aba malay ko." Sabi ni ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kats kay Lest.

"Maghahanap ng pagkain!" Sigaw niya. Patay gutom talaga yun.

"Kuya, basahin mo to oh." Pinakita sakin ni JC yung laptop niya.

Anong meron dito? Pinakita sakin ni JC yung school website. May kung ano yatang event na quiz bee. Basta yun, patalinuhan ng mga studyante.

"Anong gagawin ko diyan?" Tinanong ko at tinignan lang ako ni JC at Ella na nakibasa din.

"Eto ang sagot sa problema natin." Nilagay ni JC yung laptop sa lamesa at tinignan naman yun ng dalawang baliw.

"Pagkain!" Sigaw ni Lester pagbalik niya at may hawak na bowl ng popcorn. Adik, san niya nakuha yun?

"Penge!" Tumakbo si Kats at inagaw yung pagkain kay Lester.

"Akin na yan!" Kinuha pabalik ni Lester yung bowl.

Ayun nagagawan na sila habang kami nanonood lang.

"Akin na nga lang." Dumaan si Julia sa gitna nilang dalawa na parang walang nangyayari at kinuha yung bowl at naupo sa sofa.

"Hoy!" Sigaw ng dalawang isip bata at naupo sa magkabilang gilid ni Julia.

"Akin na ito. Weak kayo eh kaya naagaw ko." Binelatan pa ni Julia sila Kats.

"Ano ka? Hinayaan ko kayang makuha mo!" Pagdedeny pa ni Lester.

"Di rin." Patuloy lang kumakain si Julia habang nangungulit lang yung dalawa sa gilid niya.

Parang baliw lang. Hinayaan daw na makuha. Eh imposible naman yun eh. Saka talagang gusto ni Lester ng pagkain kaya bakit niya ibinigay? Haha. Ayaw pa niyang aminin na talo sila ni Julia eh. Hahaha... eh?

"Alam ko na!" Napatayo pa ako.

"Oh? Anyare sayo?" Tanong ni Seth sakin.

"Sasali tayo dito sa contest." Tinuro ko yung laptop ni JC.

"Yun yung gusto kong sabihin eh." Sabi ni JC at ngumisi pa siya.

"Oo! Tapos mananalo tayo tapos kakain tayo!" Tuwang tuwa na sabi ni Lester kaya binatukan siya ni Kats.

"Loko. Malamang hindi tayo yung mananalo! Mga nerd kalaban natin dun." Sabi niya.

"Eh?" Sumimangot na naman si Lester. Isip bata talaga kahit kelan.

"Ganito gagawin natin, lalaban tayo sa competition na yan at papanalunin natin si Javier yung nerd." Sabi ni JC at napa-'ahh' naman si Lester at Kats.

"Eh paano kapag hindi mananalo si Javier sa ibang round?" Tanong ni Ella.

"Kaya nga marami tayong sasali. Tatalunin natin yung iba pero pag si Javier ang kalaban syempre siya dapat ang mananalo." Sabi ko.

"Paano kung di siya sasali?" Tanong ni Seth. Oo nga naman.

"Kaya nga nandito si Julia eh." Sabi ni JC at napatingin kaming lahat sa kaniya na nagtataka. Anong connect nun? Parang baliw lang.

"Ha?" Tanong ni Julia.

"Alam niyo kasi, may crush yung Javier kay Julia. Syempre onting pilit lang bibigay din yun." Sabi ni JC at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Ayoko nga! Ipinagkalulon niyo pa ko. Loyal ako kay Diego!" Sabi ni Julia.

"Wala ka namang gagawing pagtataksil eh. I-invite mo lang siya na sumali." Sabi ni JC.

"At saan mo naman nakuha lahat ng impormasyon na yan?" Tanong ni Kats. Oo nga. Stalker?

"Yan ang nagagawa ng internet." Ngumisi lang si JC.

Adik. Pwede ng stalker ah.

--

"Ella, paturo naman oh." Tawag ko kay Ella ko.

Nandito kami si library nagpapaka-nerd. Haha. Syempre para may masasagot kami. Para makuha ni Javier yung grand price na pera.

"Ha, sige." Sabi ni Ella at timabi sakin. Ayos. Haha. "Alin ba dito yung hindi mo maintindihan?" Tanong niya.

"Ahh... eto." Tumuro lang ako ng random na parte sa libro na hawak ko.

Binasa muna ni Ella yung tinuro ko. Shet. Ang ganda talaga ni Ella. Yung buhok niya ang haba tapos itim na itim. Yung ilong niyang matangos, yung pisngi niyang masarap kurutin. Ang simple lang niya tignan pero sobrang ganda niya.

"Ah. Ganito..." Nagsalita si Ella kaya napabalik ako sa katotohanan.

Asan na ba akong part? Ay. Ang ganda ni Ella, sobra. May kung ano sa kaniya na nakaka-inlove eh. Hindi lang sa pisikal pero sa pagkilos niya. Kahit sa paraan ng pagayos niya sa buhok niya tuwing napupunta sa may mukha niya. Yung pag kunot ng noo niya tuwing may hindi siya maintindihan. Yung-

"Nakikinig ka ba talaga?" Tanong ni Ella sakin.

"Ha?" Tanong ko. Anong sinabi niya?

"Eh, hindi ka naman nakikinig eh." Nagpout siya.

Kinurot ko yung pisngi niya. Nakaka-adik. Haha. "Sorry na po. Makikinig na ako." Sabi ko at humarap na sa libro. Nakak-distract kasi si Ella ko eh. Haha.

"Makinig ka ha? Ganito..." Nagturo na siya.

"Success!" Biglang may tumabi sa amin. Si JC at Julia.

"Ha?" Tanong ni Ella.

"Sasali na si Javier sa competition." Sabi ni Julia at nag-brofist kami ni JC. Ayos talaga itong kapatid ko.

"Yes. Kaya ngayon magaral na tayo." Sabi ni Ella at nagaral na kami.

--

"...And the champion for this year's Battle of the Smartest is.... Javier Perez!" Announce ng MC at nagpalakpakan kami.

Yung kalaban naman ni Javier, bumaba ng stage at lumapit samin. Kilala niyo kung sino? Si Lester. Oo yung isip bata na yun.

Ang hirap isipin no? Ang dali pa ng minali niya. Adik lang may talino palang tinatago yun? Hahaha. Ang sama ko.

"Ayos pare!" Nag-brofist si Lester at Kats.

"Kainan na!" Sigaw ni Lester at tumayo na kami.

Yes. Last step nalang at matatapos na yung mission ni Ella kay Javier.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon