[5] Mall

1.5K 29 12
                                    

-Mall-

[DJ]

"Wow." Yan lang nasabi ko. Parang nagkabuhol buhol yung dila ko tapos yung utak ko nablangko. Wala na akong ibang masabi.

Ang ganda ni Ella.

"Ano pre, inlove ka na?" Bulong sakin ni Diego. Gusto ko siya sikuhin pero hindi ako makakilos kaya tinignan ko lang siya ng masama.

"Hello, Angella Dimalanta." Sabi ko ng medyo kumalma na yung utak ko at gumana na.

Napatili si Julia at Kiray. "Bagay!" Sabay nilang sabi at nag-appear pa sila.

"We need to celebrate." Biglang sabi ni Neil. Napatingin naman kami sa kaniya bigla.

"Celebrate? Ng ano?" Tanong ni Yen ng makalapit siya kay Neil. Mamaya na kayo magpaka-sweet, may single pa dito sa kwarto.

Bitter ba? Pagpasensyahan niyo na. Gwapo kasi eh.

"Dahil may bagong member tayo ng barkada! Pwede tayo mag party, iimbitahan natin lahat ng kilala natin tapos–" Naputol yung sinasabi ni Neil ng magsalita si EJ.

"Dude, kalma. Baka ma-shock si Ella sa pagiging party animal mo." Medyo natatawang sabi ni EJ.

"Right. Why don't we take things slow?" Yumakap naman si Kiray sa boyfriend niya. Sabi ng wag magpaka-sweet eh.

"Let's celebrate ng tayo tayo lang." Sabi ni Julia ng inakbayan siya ni Diego.

Ayos talaga. Kailangan mag-PDA?

"So, sa mall na tayo?" Tinaas ni Diego yung kilay niya. Wala namang umangal kaya nagayos na kami at nagpunta na ng mall.

--

Pagdating namin sa mall naglakad lakad lang kami saglit. Magkakasama yung mga babae habang itong mga kasama ko, nakasunod lang sa mga girlfriend nila. Daig pa ang alalay. Hahaha.

Tuwing may bibilhin sila na kung ano, automatic na ang tagadala ng lalagyan ng binili ay yung boyfriend. Ako? Eto, tinatawanan nalang sila.

Kaya masarap maging single eh. Hahahaha.

"Ano yun?" May tinuro si Ella habang kumakain kami sa isang fastfood restaurant.

Nagpaka-gentleman na ako at ako yung nagbayad sa pagkain ni Ella kasi yung mga kasama kong lalaki, nagpakitang-gilas at nilibre ang mga girlfriend nila. At dahil gwapo ako, nilibre ko na siya.

"Ayun ba?" Sinundan ni Julia ng tingin yung tinuturo ni Ella.

Ngumiti ng malapad si Neil ng makita niya yung tinutukoy ni Ella. Para siyang sinapian ng espirito ng baliw. "Arcades."

"Arcades." Parang tinesting ni Ella yung salita kung bagay ba yung pangalan sa itsura.

"Gusto mo maglaro dun?" Tanong ni Kiray na nakisali na rin sa usapan. Kanina lang kasi, may sariling mundo sila ng boyfriend niya.

Tumango si Ella habang nakangiti ng malapad. Halatang excited na excited siya.

"Kung ganon, ano pang ginagawa natin dito?" Sabi ko at tumayo na kami.

"Kung ganon, ano pang ginagawa natin dito?" Pabulong na paggaya ni Diego sakin habang naglalakad kami papuntang arcade. "Ayos ah, DJ."

"Ha? Problema mo?" Naguguluhan na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya. "Wala."

"Seryoso pre, ano nga?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang tanong, DJ, anong meron?" Sabi niya sakin habang nakangiti pa rin ng nakakaloko.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon