[11] First

1.2K 22 8
                                    

-First-

[DJ]

Nandito na kami sa airport. 8 PM pa yung flight namin pero 5 palang nandito na kami.

Nilapag ko yung mga gamit ko saka yung kay Ella. Nagoffer kasi ako na dalhin. Magaan lang naman.

Ng nasa byahe kami ang ingay namin. Kulitan ng kulitan. Pero pagdating namin dito sa airport tumahimik kami. Walang nagsasalita. Nagtitinginan tapos ngingiti. Kami ni Ella nakikinig sa music. Share kami sa earphones. Medyo naiilang nga ako noong una. Pero nawala din pagtagal.

Namalayan ko nalang na nakatulog si Ella kasi bumagsak yung ulo nya sa balikat ko. Napagod siguro kaya nakatulog. Ang ingay nga nya sa biyahe papunta dito eh. Nawalan na siguro ng energy.

Tinitigan ko lang yung mukha nya. Hindi naman nya malalaman eh.

~JULIA'S POV~

Ang tahimik namin ngayon. Si Bes nakatulog na. Nakasandal pa yung ulo nya sa balikat ni DJ eh.

Kinikilig nga ako sa kanila eh. Bagay kasi sila. Masaya nga ako kasi nakilala ni DJ si Bes. Mas madalas na nga ngumiti yung madalas na masungit na si DJ. Dati mas masungit pa yun sa babaeng meron. Bigla bigla nalang tun magiging masungit ng walang dahilan. Pero ng dumating si Ella hindi na sya nagsusungit.

Katabi ko ngayon si Diegs. At kahit matagal ng kami kinikilig parin ako pag katabi ko sya. Naaalala ko tuloy yung story namin.

Hindi talaga kami close. Kasi sya tahimik tapos ako madaldal. Ang kausap lang nya noon ay si DJ. Magbestfriends kasi sila. Pero kahit hindi kami close naging crush ko sya. Hanggang sa tumanda kami tapos naging love. Hindi naman kasi kami PBB Teens. Naging close rin kami. At tuluyan nga akong nafall sa kanya. Akala ko nga one sided love lang eh. Pero one day nagtapat sya sakin. Torpe kasi sya kaya matagal bago sya umamin. Natatakot sya na baka mareject. After a month ng pangliligaw sinagot ko na sya. Baka magsawa eh. Joke. Mahal ko naman sya kaya sinagot ko sya.

Haaaaaaaaay. Ang sarap lang alalahanin yung memories namin. Mahal na mahal ko talaga yung lalaki sa tabi ko. :''''>

~DIEGO'S POV~

Katabi ko ngayon ang pinakamamahal kong girlfriend na mamahalin ko habang buhay. Sounds cheesy? Ganoon talaga pagnagmamahal.

Pinapanood ko ngayon si DJ na tinititigan si Ella. Ewan ko ba sakanya kung bakit hindi nya maamin sa sarili nya na may gusto sya kay Ella. Eh sa tingin palang nya kay Ella makikita mo na. Kung tignan nya si Ella na parang napaka-fragile ni Ella. Kung paano ituring ni DJ na princesa si Ella. At noong sinugod nya si Bianca? Yun yung first time namin na makitang ganoon si DJ. Masungit sya, oo. Pero hindi sya mabilis magalit.

Sa tingin ko nga hindi nya lang gusto si Ella. Mahal na nya. Takot nga lang sya aminin.

~NEIL'S POV~

Kilala nyo naman ako no? Ako si Neil. Makulit ako at maloko. Pero pagnagmahal ako totoo.

Mahal na mahal ko si Yen. Madalas man kami magaway dahil sa kalokohan ko mahal namin ang isa't isa. Dahil sa kanya nagbago ako. Yung dating Neil na playboy nagstick to one. At masaya ako na kasama ko ang babaeng laman ng puso ko.

Anong masasabi ko sa mag " bestfriends" na si DJ at Ella? Bagay talaga sila. Yung parang kita mong di kumpleto ang isa pag wala yung isa. Ewan ko ba kung bakit ayaw umamin kay Ella. Hindi sya takot magmahal. Matagal na nga nyang gusto mahanap yung tamang babae. At para sa akin si Ella na yung babae para kay DJ.

MAFH-UNDER INTENSE AND EXTREME EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon