A/N: Nagiisip Ako sino kaya bagay maging Agatha? HAHA
***
Agatha's
Alas singko e-midya na nang hapon at kaming lahat except kala mama at papa ay nasa sala nang Mansyon. Maya maya kasi ay darating na yung mag aayos sa amin pero sinabi ko kala lolo na ako lang mag memake up sa sarili ko kasi sensitive ang mukha ko sa mga beauty products kung kaya kahit maari ay hindi ako nag lalagay ng kolorete sa mukha.
Inutusan naman ako ni Lolo na hanapin si Martha dahil malapit na daw yung mag aayos sa kanila. Umikot naman ako sa palikuran at dun ko nga nakita si Martha kasama si Miguel.
Naka upo sila sa ilalim ng punong manga habang si Martha ay naka pikit at si Miguel naman ay pinapaypayan ang aking kapatid. Ngumiti naman ako pag kuwan. Maraming nag bago kay Martha simula nang umuwi kami sa Pilipinas. Maldita parin naman sya at malamig sa iba pero pag dating kay Miguel nag iiba sya.
Lumapit ako sa kanila at nakita naman ako ni Miguel sinundot sundot naman ni Miguel si Martha para magising ito. Kunot noong masamang tiningnan ni Martha si Miguel kaya tinuro naman ni Miguel ang gawi ko kaya tumayo si Martha na parang walang pake na nakita ko sya na may kasamang lalaki. kung ako siguro sa part nya baka na taranta na ako.
"Let's go andoon na yung mag aayos sa inyo, next time nyo na e pag patuloy ang date nyong dalawa" loko ko sa kanila kaya umiwas naman ng tingin si Miguel.
"Jeeze ate!" sagot lang ni Martha at nauna nang lumakad
"Nice one Miguel! " at nag appear pa kami bago ako umalis
Pag dating ko sa bahay ay andun na nga ang mga mag aayos sa mga kapatid ko at iniwan na muna namin sina lolo at Uncle saka kanya kanya naman kami pumasok sa kwarto namin.
Pumasok ako sa bathroom at naligo muna after nang mga ilang minuto ay lumabas na ako sa shower at pinatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Bukod kasi sa aircon ang kwarto ko ay merong malaking ceiling fan sa kwarto na dating ginagamit ng mga lola ko. Wala pa namang aircon noon e. I switch on the ceiling fan para maka tulong din sa pag pa tuyo ng buhok ko. Umupo ako sa harap ng beauty table kung tawagin ni Marga at kinuha sa drawer ang blower ko at blinower ang buhok ko para tuluyang tumuyo talaga. Habang biniblower ko ang buhok ko ay iniisip ko kung magkikita ba kami ni Lucas sa party mamaya.
Nung na tuyo na ang buhok ko ay sinumulan ko namang mag lagay ng lotion sa paa kasi nga may slit yung dress ko baka mag dry pa yung bente ko doon. Inistraight ko rin ang buhok ko. medyo mahaba kasi ang buhok ko umaabot malapit sa ilalim ng aking bra total bagsak naman ang itim kung buhok ay e straight ko nalang talaga at nasa harap yung buhok ko para makita yung likod sayang naman yung pa backless ko diba?
nang makontento na ako kaka straight sa buhok ko ay sinumulan ko naman ang pag memakeup sa sarili ko manipis lng na make up ang nilagay ko at cosmetics na galing pang Paris ang ginamit ko yung approve talaga ng derma ni Mama ayoko na kinabukasan ay mag ka rashes ang mukha ko just like what happened in my highschool prom noon.
Nang maka tapos na ako sa pag lalagay ng kolorete sa mukha ay sinuot ko naman ang aking itim na gown inayos ko itong mabuti at saka sinuot ang itim ko ring stiletto na meron kumikinang na dyamante sa gitna at may maliliit na glitters.
kinuha ko rin ang necklace na niregalo ni mama sa akin nung 18th birthday ko na meron rare na pink diamond na hugis puso naka ukit doon ang initials ko nag suot rin ako ng mahabang gold na earings.
yung pouch ko ay kulay gold rin kasi yung maskara ko ay gold rin ang kulay. Tumingin ako sa Salamin one more time at ngumiti. I look perfect tonight.
Nung lumabas na ako ay agad naman akong sinalubong ni Clarit at Maria kanina pa pala sila nag aantay sa labas ng kwarto ko
YOU ARE READING
Santa Lucia Series #1 Rewrite the Stars
RomanceAt kung katulad ng Buhangin sa Dagat ay pilit tayong pinag lalayo ng tadhana Ilang libong milya man ang pagitan sa ating dalawa Ilang libong rason man ang dahilan para tayo'y hindi magsama pero ito lang iyong pakakatandaan sinta Na ang pagmamahal k...