Chapter 8

14 1 0
                                    

A/N: Imagine this as the Virtous Place
credits to owner
Amara farm <3

Agatha's

Nang maka rating na kami ni Lolo sa Plaza ay agad naman kami dumiritso sa isang hall andoon narin ang ibang mga matatanda at ka-edaran nila papa kanya-kanya naman sila nag babatian.

Nakita ko naman sa Bulletin board ang pag uusapan nila ngayon. Mga events pala iyon at sponsors para sa gaganaping fiesta sa Santa Lucia.

Nag paalam naman ako kay lolo na mag ikot-ikot muna sa plaza habang nag memeeting pa sila. Pumayag naman si lolo humingi pa ako ng pera kay lolo kasi wala akong dalang wallet sa pag mamadali na makasama sa pupuntahan nya. Natatawa namang humugot si lolo nang dalawang libo sa pitaka nya.

Nag pasya akong dumiritso sa maliit na tindahan ng mga damit. Gusto kung bumili ng Sombrero ang init kasi at wala akong payong na dala.

"Magandang araw po ano po ang atin?" nakangiting wika ng matandang nag babantay sa stall.

"Ah bibili po akong sombrero" sagot ko naman

"Sige hija pumili ka lang" tumango naman ako bilang pag tugon

Meron na akong na pili kulay dark green iyon na baseball cap na may Initials na AD napili ko yun dahil Initials yun ng pangalan ko at middle name. simple lang naman ang sombrerong yun tiningnan ko pa ang reflection ko sa salamin. Ngumiti naman ako.

"Ito na po kukunin ko manang" sabi ko binigay ko naman ang isang libo ko sa kanya

"Ay hija wala kabang maliit na halaga? kakabukas ko palang kasi e 170 lang kasi yang sombrero" ani pa nang ale

"Hmm ok, hanap pa ako ng pwedeng bilhin" sabi ko nalang at nag tingin tingin sa tindahan nya

"E ito pong shades?" tanong ko sa kanya at ipinakita ang cat eye na shades sa kanya

"250 iyan hija" sabi naman ng ale

"Kasya na ba ang sukli mo?" tanong ko sa kanya kaya nag bilang naman ito ng mga coins nya umiling pa ulit ang ale

Nag tingin tingin pa ulit ako at may nakita akong mga magagandang customize mug kaya bumili narin ako 70 pesos ang isa so bumili ako nang walong pirasong mug ang gaganda kasi ng hugis at design ng mug tas lalagyan pa ng name kaya bumili ako.

Isinulat ko naman ang mga Names nila sa papel para sundan ng matanda.

Ang ganda rin ng pagka lettering ng Ale kaya natuwa naman ako

"Hija matanong ko lang Delcarmen kaba?" tanong sakin ng Ale nang ma isulat nya ang pangalan ni lolo sa mug

"Ah opo apo po ako ni Pablo Delcarmen" sagot ko naman at napa nganga naman ito sa gulat

"Aysus! pag paumanhin nyo senorita hindi ko alam" sabi naman nito habang tinatapos ang pag sulat.

"It's ok po" ngiti ko nalang na sambit sa kanya.

"Ah senorita ano po e lalagay ko sa isang mug?" tanong ng matanda

napa sobra ata ako ng kuha ng mug

"Ah A.D.H yun nalang po" sabi ko at ginawa naman ng ale

"Ayan na senorita sana magustuhan ng Lolo mo at Mama mo" sabi ng ale

"Tiyak ko pa iyan Manang" Inilagay naman nya sa paper bag ang mga tasa 960 lahat ang na bili ko kaya sinuklian nya naman ako

"Salamat sa buena mano senorita" masayang sambit ng matanda

"Walang ano man po Manang paalam" ani ko at umalis na bitbit ang paper bag at suot ang sombrero at shades ay nag lakad ako papuntang kotse napangiti ako sapagkat ngayon lang ako nakabili ng cap at shades na walang brand.

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now