Chapter 21

7 0 0
                                    

A/N :  I think si Sue Ramirez ang pwedeng e model ko para kay Agatha.

*

Agatha's

Nang matapos na ang laro namin  ay nag pasya naman sina Mama na umuwi na muna dahil tanghali na at mainit na masyado para kay lolo.

While Papa and other uncles along with auntie Zhynic ay nag tungo naman sa mining site sa likod ng hacienda namin na pag mamay-ari parin ng mga Delcarmen.

Nagpaiwan naman kami ni Martha para makasabay sa tanghalian kasama sina Lucas.

Kuya Gino went home dahil tumawag daw mga kaklase nya. Sumama narin sina Cheska at Yohan sa kanila.

Kasalukuyan kaming kumakain sa sa ihawan nila Maria. Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Belle kanina. Kaya hindi ko maiwasan na panaka naka ay tumingin kay Lucas.

"Ang galing mo kanina doon senyorita. Pero alam mo ba ay nag aalala kami sayo kanina nung muntik ka nang matumba"

Wika ni Clarit kaya napatingin naman silang lahat sa akin.

"Ok lang ako. Bigla lang ako na sinagan ng araw kaya na hilo ako"

I smiled para hindi na sila mag alala pa.  Nag paalam naman sina Martha na tumayo at bibili daw sila ni Miguel nang palamig at pang himagas.

"Pano at mauna na muna ako sa inyo dahil aasikasuhin ko muna ang  gym para sa Mutya mamayang gabi"

Nakatayo na rin ngayon si Mart. Ngayong gabi pala magiging hurado si Mama para sa Mutya ng Santa Lucia.

"Kung wala kayong gagawin ay maari nyo ba kaming tulungan doon para mapabilis ang mga mga gawain?"

Favor ni Mart sa amin.

"Sige Mart pagkatapos namin dito ay pupunta kami doon"

Wika ni Franco at tumango narin kami.

"Oh sya ma una na ako. Congrats ulit senyorita"

Bati at pagpapa alam ni Mart sa amin.

"Ang hands on naman ni Mart sa organisasyon nyo no? may plano ba syang mag politika?"

Tanong ko nang makalayo na ito sa amin.

"Siguro, pano pa't naging scholar sya ni Governor Eguales"

Ani ni Clarit kaya nilingon ko sya.

"Talaga? siguro ay proud ang parents nya sa kanya"

Nakangiting komento ko pero yumuko lang sila. Why? what happened?

"Ulila na si Martin at ang kapatid nyang si Benjamin"

Napa ow naman ako sa narinig.

"Sorry" Sambit ko

"Ilang taon na ba ang kapatid nya?" Tanong ko.

"Hindi ako sigurado pero nasa Elementarya na sya ngayon"

Sagot ni Lucas.

"Hindi ba ay sa Manila nag aaral si Martin? eh saan tumitira ang kapatid nya pag may pasok sya?"

"Dati ay nanatili sya sa mansyon ng mga Eguales ngunit ang Donya ay hindi gusto na manatili si Benjamin doon ang sabi-sabi ay may galit daw kasi ang donya sa Ina ni Mart noon dahil naging magkasintahan si Governor noon at Ina ni Mart."

Pag chichika pa ni Clarit.

"At kaya daw malapit si Gov kay Martin dahil isa sa rason ay wala syang anak na lalaki at nakikita ni Gov ang dating kasintahan kay Martin"

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now