Agatha's
Nang makarating na kami sa plaza ay agad namang nag park si kuya at Yohan sa gilid ng court kung saan ako nag park nung nakaraang basketball game nila Lucas.
Agad namang bumaba mga kaibigan ko .
"Maraming salamat senorito"wika ni Maria.
"Walang ano man"sagot naman ni kuya sa kanya.
"Mauna na muna kami senorita, puntahan lang namin yung stage sa plaza. Senorito salamat pala". ani ni Clarit at tumango naman si Kuya Gino sa kanya.
"Senorita, meron palang tindahan ng mga hairclip doon maari mo ba kaming bilhan ni Maria para gagamitin namin sa pahuling sayaw at oo nga pala kakailanganin mo rin ng ipit sa huling sayaw senorita iyon ang ibibigay mo sa lalaking gusto mong e sayaw kasi kung sa paunang sayaw ay lalaki ang pipili sayo sa huling sayaw naman tayo ang pipili ng makakapariha natin"
Napanganga ako sa sinabi ni Clarit. Meron pala nun dito? andami palang ka chechehan ang Santa Lucia pero napaka exciting. Lumingon ako kay Kuya at ngumiti dahil sya rin ay alam nya na ganun ung mangyayari.
Bumalik lang ako sa katinuan ko nang may lalaking lumapit kay Maria .
"Hi Maria! I saw you from afar so I came here. Tumutulong din kasi ako sa pinsan ko na kasamahan nyo sa org mag ayos ng plaza pinapatawag na pala kayo" Nakangiting sabi nung lalaking kaibigan ni Eric kagabi pasimple naman kaming lumingon ni Clarit kay kuya Gino at si Maria naman ay lumingon muna sa amin bago nag salita.
"Magandang umaga senorito, salamat sige pupunta na kami doon" sabi nalang ni Maria.
"You look beautiful by the way" sabi ni Kyle namula naman si Maria
"luh luh! namumula ang Maria Clara" tukso ni Clarit kaya kinurot naman sya ni Maria .
Tumikhim naman si Kuya pag kuwan kaya napa tigil kami sa pag hagikhik at napalingon si Kyle sa kanya.
"Ahh excuse me " wika ni Cheska pag kuwan na naka lapit na pala samin.
"Pwede ba tayong pumunta doon sa mga bilihan ng hairclip ang gaganda kasi " nahihiyang sabi ni Cheska.
"Alright" seryoso nalang na sabi ni Kuya.
"Lets go" sabi pa nito at walang ano mang tumalikod na.
"O pano alis na kayo at puntahan ko na sila kuya " natatawa kung sabi kaya tumango naman mga kaibigan ko habang nag apir pa kami ni Clarit
"Tara na senorito" aya ni Maria kay Kyle pag kuwan.
I smell jellybeans!! HAHAHA
Nag lakad ako palapit sa bilihan ng hairclip nang maka tangap ako ng tawag kay Lucas
"Mahal kung senorita" bati nito pag kuwan kaya napa hagikhik ako ng wala sa oras Lucas never fails to flatter my heart.
"Bakit senorito?" ani ko
"Asan kana?" tanong nito sa akin
"Andito na ako sa plaza, nasa bilihan ng hairclip pero kasama ko pa sina Kuya Gino" wika ko
"Ganun ba? tapusin ko lang tong guidlines ng fiesta at pupuntahan kita dyan" sabi nito sa akin
"Sige" sabi ko nalang habang pinipigilang tumili.
"Baka nag suot ka naman ng damit na kulang sa tela ha" Sabi pa nito at napatawa ako ng wala sa oras.
"Crazy, I'm wearing jeans and tshirt ok?" sabi ko nalang.
"Mabuti naman kung ganoon. Sige na tawagan nalang kita uli pag tapos na ako dito mahal kita" Sabi nito sa akin.
I feel my heart jump from my chest cavity. Nung nasa France ako at nag a I love you sakin si Stephen ay hindi naman ako nakakaramdam nito. Pero pag si Lucas nag sasabi parang may kung anong paro paro ang lumilipad sa belly ko.
YOU ARE READING
Santa Lucia Series #1 Rewrite the Stars
RomanceAt kung katulad ng Buhangin sa Dagat ay pilit tayong pinag lalayo ng tadhana Ilang libong milya man ang pagitan sa ating dalawa Ilang libong rason man ang dahilan para tayo'y hindi magsama pero ito lang iyong pakakatandaan sinta Na ang pagmamahal k...